CHAPTER 70

2.6K 72 12
                                    

CHAPTER 70

JHIANNE POV

Pagkatapos naming magsikainan ay nagkwentuhan muna kaming lahat at tapos no'n ay iniwan na namin sila Mommy do'n dahil may iba kaming binabalak.

So ayun nga, nandito kaming lahat sa garden nila dahil magbobonding kaming lahat maliban sa magulang namin na may sarili ding mundo.

Nakabilog kaming lahat habang nakaupo sa may lapag, malinis naman, eh kaya okay lang.

Wait, may nakalimutan akong sabihin, napakaimportante. Si Kuya Ash I mean si Kuya Ashton ay buhay, yep, buhay na buhay ang gago.

Grabe inis ko sa kaniya no'n, leche. Akala ko talaga patay na siya pero punyeta it's a prank daw, hayup.

"Kuya, nananaginip lang ba ako?" Wala sa sariling tanong ko kay Kuya James na kayakap ko ngayon.

"You're not dreaming, baby." Sagot nito at marahang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang lahat ng nangyare ngayon pati na... pati na ang pagkamatay ng Kuya Ashton ko.

"Kuya, ang sakit, eh. B-bakit kasi niya sinalo 'yung bala na dapat para sa 'kin? S-sana... sana hindi niya na 'yun sinalo, eh." Umiiyak na namang sabi ko.

"Shh, don't say that. Ashton did that because he loves you." Sabi nito.

Si Kuya Ashton lang ang kasama ko no'ng mga panahong hirap na hirap ako at nasasaktan.

Pinaramdam niya sa 'kin ang pagmamahal ng isang Kuya kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko siya kahit na hindi maganda ang unang pagkakakilala namin.

"Pero–" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang may nagsalita.

Nandito kami sa hospital at hinahanda ng ilagay sa morgue si Kuya Ashton pero hindi muna ako pumayag dahil gusto ko pa siyang makasama kahit sa huling pagkakataon.

"Para namang mga tanga 'to, natutulog lang naman ako, eh. 'Di ba nga sabi ko, hindi ako mamamatay? Mga sira." Dahil sa gulat ay naitulak ko si Kuya James na kayakap ko at nilingon si Kuya Ashton na nakaupo na ngayon.

Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kaniya.

"P-paano? P-paano ka nabuhay?" Hindi ko malaman kung anong sasabihin kahit si Kuya ay natigilan din.

Tumawa lang naman nang mahina si Kuya Ashton at maya maya ay hinubad niya ang t-shirt niya. Pinakita niya sa 'min 'yung suot niyang protection sa bala, gano'n.

"Siyempre, handa ako, noh. Alam kong mangyayare 'to. Tsaka salamat sa pag-iyak niyo haha. It's a prank lang naman, tiningnan ko lang kung may iiyak kapag nawala ako at meron naman pala." At masaya pa ang walangya habang ako heto, parang gusto ko na lang siyang tuluyan.

Meron siyang suot na bulletproof, ano ba 'yon? Basta may protection siya na suot para kahit tamaan siya ng bala ay hindi ito papasok sa loob ng katawan niya.

"What the hell, Ashton?! Are you crazy?!" Galit na sigaw ni Kuya James.

"Aba, sayang lang pala iniyak ko, walangya. Hindi ako makapaniwala." Gulat pa ring sabi ko.

"Siyempre, hindi ko naman hahayaan na mamatay na lang ako ng gano'n gano'n na lang at hindi ko pa napapakasalan si Light ko tsaka wala pa akong anak kaya hindi ako pwedeng mamatay ngayon, noh. Hindi ako papayag na maiiwang mag-isa ang baby ko." Ang haba ng sinabi pero tama naman siya do'n. Ano na lang sasabihin namin kay Ate Light kung sakaling namatay nga siya ngayon?

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now