CHAPTER 47

2.6K 82 3
                                    

CHAPTER 47

JHIANNE POV

Pagkatapos naming magkwentuhan ni Ashton este ni Kuya Ashton, eh umalis na siya dahil tinatawag na daw siya nila Kuya James.

Nang umalis siya ay nanatili muna ako sa garden nang ilang minuto bago ko napagdesisyunan na pumunta na sa cafeteria.

Dahil sa kwentuhan at pag-uusap namin kanina, eh naging close na kami sa isa't isa. Naging friends na kaming dalawa.

Akmang sasabihin ko na kay ateng tindira 'yung bibilhin kong pagkain nang may biglang humila sa buhok ko paalis doon.

Pabato niyang binitawan ang buhok ko dahilan para sumalampak ako sa lupa. Muntik pang masubsob 'yung mukha ko sa lupa. Buti na lang naharang ko agad 'yung dalawa kong kamay.

Tiningnan ko kung sino ang may gawa no'n at gano'n na lang ang pagkakakunot ng noo ko nang makitang si Sheila 'yon.

Luh? May saltik ata 'to, eh.

Ano na naman bang problema nito?Lagi na lang ako, ah. Mabait naman ako 'di ba? Bakit ang daming may galit sa 'kin?

"Bakit mo ginawa sa 'kin 'to, ha?" Tanong ko habang nakasalampak pa rin sa lupa.

Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay inirapan niya lang ako. Tumayo na ako at pinagpag muna 'yung palda ko.

Alam kong maraming mata ang nakatingin sa 'min. Malamang sa alamang, lunch time kaya kaya maraming tao dito sa cafeteria at agaw eksena na kaming dalawa.

Hindi ko na lang sana siya papansinin at tatalikod na lang sana nang agad niyang hinila 'yung braso ko at agad niya akong sinampal na ikinasinghap ng lahat. Bumaling ang mukha ko dahil sa pagsampal niya sa 'kin at bahagya pang napaawang ang labi ko.

Ouch!

Hawak ang pisnge kong nilingon ko siya.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko sa kaniya. Nagtitimping masapak siya.

Sa pagkakaalam ko kasi, eh wala naman akong atraso sa kaniya. Hindi naman kami gano'n magkakilala kaya ano bang problema niya?

"Problema ko? Ikaw lang naman, ang kapal ng mukha mong landian si Axel!" Sigaw niya sa 'kin. Ano daw? Nilandi ko si Axel? Nag-init naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"For your information, Sheila. Hindi ko nilalandi si Axel." Sabi ko.

"Hindi ako bobo at tanga para hindi malaman na nilalandi mo siya. Para sabihin ko sa 'yo, akin si Axel, akin lang siya!" Sigaw niya ulit.

Kapal din pala ng apog nito, eh. Nang-aangkin ng hindi naman kaniya. Ako nga hindi inaangkin si Axel, eh. Kasi wala namang nagmamay-ari kay Axel.

"Sa 'yo ba siya? Sa pagkakaalam ko hindi mo naman siya pagmamay-ari, ah? Ikaw ata itong makapal ang mukha at hindi ako." Sagot ko at nginisihan siya.

"How dare you!" Inis na sigaw niya at sinampal ako ulit.

Nakakadalawa na 'to, ah. Ang sakit na, pasalamat siya hindi ko siya pinapatulan.

At ayun nga, nirambol niya na ako. Pinagsasambunutan niya ako. Bale nagrarambulan na kaming dalawa talaga. Sinasambunutan ko na rin siya para patas kami.

Hindi ko siya uurungan sa araw na ito ngayon.

Wala ngang umaawat sa 'min. Mga kainis 'to, oh. Ramdam ko 'yung mga kalmot niya sa 'kin at ang sakit kaya.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now