CHAPTER 32

3.3K 101 7
                                    

CHAPTER 32

JHIANNE POV

"Ahm, bakit ang tahimik?" Tanong ni Kate Lyn.

Oo nga, bakit ang tahimik ata nila ngayon?

Si Axel tahimik talaga 'yan at si Kuya James, pero sila Ashton ang ikinataka ko dahil madaldal ang mga 'yan kahit si Rico, eh. Madadaldal ang mga 'yan.

Nakakapagtaka, hmm.

"Sissy, Rico, Shine and Chesca. Siya nga pala si Ate Samantha Lim, Kuya Sean's girlfriend." Pakilala niya at nanlaki naman ang mga mata namin nila Beshie.

May girlfriend na pala si Kuya Sean?Bakit hindi niya sinabi sa 'min? Kung hindi pa namin nakita dito si Ate Samantha ngayon hindi namin malalaman na may girlfriend na si Kuya Sean. Pero maganda at mukhang mabait naman 'tong si Ate Samantha.

"Hoy! Lil sis, anong girlfriend pinagsasabi mo diyan? She's not my girlfriend tsaka hindi ko siya type, yuck!" Agad na singit ni Kuya Sean.

"Maka yuck ka naman diyan akala mo naman... Sus. Tsaka for your information, hindi rin kita type." Ngiwing sabi naman ni Ate Samantha.

Natawa na lang kami dahil sa kakulitan nila. Bagay sila, promise. Tsaka mukhang may gusto sila sa isa't isa pero hindi lang nila maamin sa isa't isa.

"Sus!" Sabi naman ni Kuya Sean.

Patuloy pa rin silang dalawa sa pagbabangayan. Hindi din nagpapatalo 'tong si Ate Samantha, eh.

Napailing na lang kami. Ang cute  nilang panoorin na dalawa.

Sinabi sa 'min ni Ate Samantha na kaya siya nandito dahil dito na daw siya mag-aaral sa school nila Kuya.

Galing pala siyang US. Doon siya nag-aaral at umuwe siya dito para dito na lang daw niya ipagpatuloy ang pag-aaral niya.

Pero feeling ko hindi lang 'yun ang dahilan ni Ate Samantha kung bakit siya nandito. Parang may mas mahalaga pa do'n.

Awit.

Pagkatapos naming kumain sa cafeteria, eh nagsipasok na kami sa kaniya kaniya naming klase.

Hindi namin alam kung saan ang next na punta ni Ate Samantha.

Naglalakad na akong mag-isa ngayon papunta sa next class ko.

Nasa kaniya kaniyang klase na sila Beshie, eh. Hindi kasi kami magkaklase sa subject na 'to, ang kaklase ko lang dito ay si Axel, naku.

Laking gulat ko nang may biglang umakbay sa 'kin, paglingon ko si Axel lang pala.

"Ano ba?! Ialis mo nga 'yang kamay mo." Inis na sabi ko habang inaalis ang kamay niya na nakaakbay sa 'kin.

Todo akbay kasi siya at todo alis naman ako kaso may saltik ata 'tong lalaking 'to at todo balik rin kapag inaalis ko.

"Ang kulit mo! Kainis!" Inis talagang sabi ko at nagkibit balikat lang siya.

Hinayaan ko na lang siya sa trip niya sa buhay. Kahit naman anong gawin ko hindi 'yan titigil, eh.

Kahit na may mga nakatingin na sa 'min eh hinayaan ko na lang. Kapag ito may ginawa sa 'kin mga nakatinging 'to hindi lang sapak aabutin sa 'kin nitong Axel na 'to.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya.

Aaminin ko na ang gwapo niya kapag nagtatagalog. Binantaan ko kasi siya na kapag nag english pa siya tuwing kaharap ako, eh sasapakin ko siya kahit naman alam kong hindi siya matatakot do'n.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now