CHAPTER 68

2.5K 74 26
                                    

CHAPTER 68

THIRD PERSON POV

Hindi inaasahan ni Jhianne na ang boss na tinawag ng mga lalaking nagpahirap sa kaniya ay ang kausap niya sa restaurant.

"B-bakit?" Mahinang tanong niya na narinig ni Kristopher.

"Bakit? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko." Dahil sa sinabing 'yon ni Kristopher ay naguluhan siya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Asar na tanong ni Jhianne. Pagak na natawa naman si Kristopher at kumuha ng upuan at naupo doon para magkaharap silang dalawa.

"Alam mo? Wala ka naman talagang kasalanan sa 'kin, eh." Sabi nito at marahang hinawakan ang pisnge ni Jhianne.

Hanuh daw? Sabi niya ako dahilan kung bakit namatay kapatid niya. Gulo niya, ah. Nasabi ni Jhianne sa isip niya.

Todo iwas si Jhianne para hindi mahawakan ni Kristopher ang mukha niya at dahil malakas ito kesa sa kaniya ay nahawakan pa rin nito ang mukha niya.

"Oh, wala naman pala akong kasalanan sa 'yo, eh bakit mo 'to ginagawa, ha?! Gagu!" Inis na sigaw ni Jhianne dahilan para matawa lang si Kristopher sa kaniya.

"Ang tapang mo rin, eh, noh?" Sabi nito habang nailing.

"Sure akong papunta na 'yung mga leche mong Kuya pati na rin 'yung walang kwenta mong boyfriend dito." Dahil sa narinig ay bahagyang nabuhayan ng loob si Jhianne pero agad rin 'yung napawi nang malaman ang balak ng kaharap niya ngayon.

"H'wag na h'wag mong sasaktan sila Kuya, ako makakalaban mo." Seryosong sabi ni Jhianne.

"Natatakot ako, grabe. Tulong." Sabi ni Kristopher sabay tawa nang malakas.

Kanina pa naririndi si Jhianne at kanina niya pa gustong sugurin 'to para matapos na pero hindi niya magawa dahil nakagapos siya.

Napapaisip siya kung bakit hindi matapos tapos ang ganitong pangyayare sa kaniyang buhay.

"Alam mo–" Hindi niya na pinatapos pa sa pagsasalita si Kristopher dahil agad siyang sumingit.

"Hindi pa." Barumbadong sabi ni Jhianne para mainis si Kristopher.

Dahil sa ginawang pagputol ni Jhianne sa sasabihin nito ay nakatanggap siya nang malakas na sampal galing dito.

Ramdam niya ang pamamanhid ng pisnge niya dahil sa sampal na 'yon. Tumabingi rin ang mukha niya dahil sa lakas nang sampal sa kaniya.

"Sus, 'yun lang? Hindi naman masakit." Sabi niya kahit masakit naman talaga. Nakatanggap naman ulit tuloy siya ng sampal.

"Wow! Grabeng pahirap na 'to, ah." Mahinang bulong ni Jhianne. Pakiramdam niya ay pulang pula na ang pisnge niya.

"Ano? Gusto mo na atang mamatay. Gustuhin ko mang patayin ka na ay hindi pa pwede dahil masyado pang maaga. Mamaya na kapag nasa harapan na natin ang mga Kuya mo haha para mas masaya. Para makita ko kung paano silang umiiyak sa bangkay mo." Sabi ni Kristopher.

"Share mo lang?" Siraulo na namang sagot ni Jhianne.

"Aba't gagong babae ka talaga, eh, noh?" Akmang susuntukin niya naman ito nang tawagin siya ng tauhan niya.

"Boss, nandito na po siya." Sabi nito kaya napangisi si Kristopher at tumayo para salubungin ang kanina pa niya hinihintay habang si Jhianne naman ay napakunot ang noo ng parang familiar sa kaniya ang lalaking dumating.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now