CHAPTER 2

6.2K 171 26
                                    

CHAPTER 2

JHIANNE POV

Papunta na kami ngayon ni Beshie sa cafeteria. Lunch time na rin kasi eh. Buti na nga lang at lunch time na dahil gutom na rin kami.

"Beshie." Tawag sa 'kin ni Beshie kaya nilingon ko siya.

"Bakit, Beshie?" Tanong ko, patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Ewan ko pero iba talaga pakiramdam ko don kay Kate Lyn eh para bang may masama siyang gagawin sa 'tin o sa 'yo." Sabi niya. Ayan na naman po siya.

"Ewan ko sa 'yo, Beshie baka gutom lang 'yan, ikain mo na lang 'yan." Sabi ko sabay tawa.

Hindi na lang siya nagsalita pa ulit at pinagpatuloy na lang namin ang paglalakad papunta sa cafeteria.

Nang marating namin ang cafeteria ay agad kaming pumila sa bilihan. Medyo mahaba nga ang pila eh pero kery lang kasi mabilis naman ang andar.

Nang kami na ni Beshie ay sinabi na namin ang gusto namin at ng makuha namin ay naghanap kami nang pwedeng mauupuan.

Medyo puno na kasi ang mga upuan at mga lamesa dito sa cafeteria eh kaya medyo nahihirapan kaming maghanap. Ang dami pala kasing nakain dito sa cafeteria eh kaya ganon.

"Jhianne! Shine! Dito!" Sigaw ng kung sino kaya hinanap namin 'yung sumigaw at don namin nakita na lalaki pala ang tumawag sa mga pangalan namin.

Don ko nalaman na kaklase namin siya ni Beshie, si Rico. Nagpakilala siya sa 'min kanina sa room kasama niya rin 'yung isa pa naming kaklase na babae. Nakalimutan ko lang 'yung name.

At dahil wala naman na kaming mauupuan eh lumapit na lang kami sa kanila at nakishare ng upuan. Buti medyo malaki 'yung mesa at sakto lang 'yung upuan sa 'ming apat.

"Hello." Nahihiyang bati ko.

"Upo lang kayo. Napansin kasi namin na naghahanap kayo ng mauupuan kaso wala naman na kaya ayun inaya na namin kayo buti na lang nakita namin kayo." Sabi ni Rico.

"Salamat." Sabi ko at ngumiti lang naman sila.

Natahimik muna kami ng ilang segundo. Nakakailang naman 'to.

"Ako nga pala si Franchesca Lee, nice to meet you, guys." Nakangiting pakilala nong girl at inilahad ang kamay niya sa 'min.

Tinanggap naman namin 'yon at nakipagkilala din. Ganon din naman ang ginawa ni Beshie.

Mukhang nahalata niya na hindi pa namin alam kung anong pangalan niya kaya siya nagpakilala.

Grabe ang awkward.

Hindi rin nagtagal ay nagiging madaldal na kami. Unti unti na kaming nagiging close sa isa't isa. Hindi naman pala ganon kaano sila Chesca eh.

Masaya lang kami habang kumakain, nagkwekwentuhan rin naman. Mabilis lang sila makasundo.

Natigil lang kami sa pagdadaldalan nang biglang magtilian 'yung mga studyante na nandito sa cafeteria.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now