CHAPTER 46

2.9K 81 11
                                    

CHAPTER 46

JHIANNE POV

Ngayon ang simula ng panliligaw daw kuno ni Axel sa 'kin. Hindi ko alam kung anong plano niya.

Ewan ko nga rin ba kung bakit pumayag ako sa sinabi niya, eh pero hinayaan ko na lang, gusto ko rin naman.

Emz.

Nandito na 'ko sa room ngayon, lonely kasi 'yung mga kaibigan ko, ayun nagkaniya-kaniyang usapan. Hindi nila ako sinali, ang bad nila 'di ba? Pero hinayaan ko na lang.

Pero dahil makulit ako, lumapit ako sa kanila konti para marinig 'yung pinag-uusapan nila, mukhang may secret sila sa 'kin, eh.

"Hoy, teh. Ano na? Sinabi na ni Axel 'yung plano 'di ba?" Rinig kong tanong ni Beshie kila Chesca.

Napakunot naman 'yung noo ko. Anong plano ang sinasabi nito? Anong plano naman 'yung gagawin nila ni Axel?

"Oo nga, basta h'wag kayong maingay lalo na kay–" Hindi na natuloy ni Chesca 'yung sasabihin niya nang putulin siya ni Kate Lyn.

"Gaga ka, teh. Nasa likod niyo si Jhianne." Sabi ni Kate Lyn sabay turo sa 'kin.

Gulat na nilingon naman nila ako. Napahawak na lang ako sa noo ko. Papansin 'to si Kate Lyn. Nahuli tuloy nila ako.

Tiningnan naman nila ako nang masama. Ano ba 'yan kasi, eh.

"Oh, bakit ganiyan kayo makatingin?" Tanong ko.

"'Di ba sabi namin sa 'yo na h'wag kang lalapit sa 'min?" Seryosong sabi ni Beshie.

"Eh bakit ba kasi ayaw niyo akong isali diyan sa pinag-uusapan niyo?Bakit? Ayaw niyo na ba sa 'kin? Parang hindi niyo rin ako kaibigan, ah?" Naiiyak ng sabi ko.

"Beshie, ano kasi... Mamaya ka na pumunta dito, okay? Secret kasi 'to, eh tsaka malalaman mo rin naman 'to kaya wait ka na lang muna, ha?" Sabi ulit ni Beshie.

Napairap na lang ako dahil sa inis ko sa kanila. Anong secret ba 'yan at ayaw nilang sabihin sa 'kin? Pwede naman nilang sabihin sa 'kin 'yun, ah kasi kaibigan din naman nila ako.

"Bahala na nga kayo diyan." Asar na sabi ko at bumalik na lang sa kinauupuan ko.

Hindi ko sila papansinin, bahala sila diyan. Ayun nga, bumalik na sila sa pinag-uusapan nila kaya mas lalo akong nainis.

Bahala sila diyan hindi ko talaga sila papansinin. Hindi man lang ako pinuntahan.

Nakakatampo.

Matapos ng klase namin ay dire-diretso akong lumabas ng room nang hindi sila nililingon. Narinig ko pa silang tinawag ako pero hindi ko talaga sila nilingon. Magtiis sila.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dinala ako ng mga paa ko sa garden.

Lagi na lang.

Sariwang hangin agad ang bumungad sa 'kin pagdating ko sa garden. Napakabango din talaga ng mga bulaklak dito.

Naupo ako sa bench doon at nagmuni muni na lang gusto kong mag-isip-isip ngayon.

Hindi ko namalayan na may tumabi na sa 'kin, paglingon ko si Ashton lang pala napairap naman ako.

"Oh, bakit mo 'ko iniirapan diyan? Dapat masaya ka na kasi nililigawan ka na ng kapatid ko, eh." Pang-eechos niya pa sa 'kin.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now