SPECIAL CHAPTER: Velasquez Household

2.4K 86 3
                                    

SPECIAL CHAPTER: Velasquez Household

Gano'n na lang ang pagkunot ng noo ni Jhianne ng makita niyang may sugat sa gilid ng labi ang bunsong anak pagkauweng pagkauwe nito sa bahay nila.

"Alexis Gaile Velasquez, what did you do this time, huh?" Seryosong tanong ni Jhianne sa anak.

Lagi talagang nasakit ang ulo niya sa bunsong anak na babae. May katigasan kasi ang ulo nito at laging napapasok sa gulo.

Hindi niya alam kung saan ba ito nagmana dahil hindi naman siya ganito no'ng bata siya. Naisip niya na baka kay Axel dahil baka ganito ang asawa niya noong bata. Hindi niya alam.

"Nothing, Mom." Sagot lang nito at pabagsak na naupo sa sofa. Napairap na lang si Jhianne.

Ganito palagi sa Velasquez Household. Kung hindi sila maingay, magkukulitan sila. Kung hindi uuwe ng lasing, uuwe naman ng may sugat na sa katawan.

Araw-araw na maingay sa bahay nila dahil sa dalawa nilang anak. Dalawa na nga lang daw ay maingay pa sila. Lagi ba namang magsagutan ang dalawa, parang mga aso't pusa lalo na kapag dumating ang Tito Ashton ng mga ito at ang mga pinsan nito.

"Evening, Mom." Bati ng panganay niyang anak na si Aider Jhinx at hinalikan siya sa pisnge nang dumating na rin ito.

Maya-maya ay dumating na rin ang asawa niya at hinalikan siya agad sa labi na ikinangiwi ng dalawa nilang anak dahil nakita nila 'yon.

"Yikes." Ngiwing bulong ni Alexis kaya natawa si Axel dahil narinig niya 'yon.

"Let's eat." Sabi na lang ni Jhianne at agad namang sumunod ang tatlo kay Jhianne.

Tahimik na nagsiupuan naman sila sa mga kaniya kaniya nilang upuan at nagsimula kumain. Maya-maya ay tinanong ni Axel ang bunsong anak.

"What happened to your..." Bitin na sabi ni Axel at ininguso na lang ang gilid ng labi ni Alexis na may sugat. 'Napahawak tuloy do'n si Alexis.

"Wala lang 'to, Dad." Sagot ng anak at napailing pa. Kumunot naman ang noo ni Axel.

"You're grounded." Seryoso at diretsang sabi ni Axel dahilan para matigilan si Alexis.

Gusto niyang umangal pero kapag umangal siya mas lalong magagalit ang Daddy niya. Kilala niya ang Daddy niya.

Hindi ito nangsesermon hindi tulad ng Nanay nila na sinesermunan sila. Si Axel kasi ay iba.

At dahil sinabi na ng Tatay niyang grounded siya ay no cars, no money, no phone, lahat ng nakakapagpasaya sa kaniya sa labas ay bawal kaya mabobored na naman siya ng isang linggo sa loob ng bahay nila.

Makakalabas pa naman siya dahil may pasok siya sa school pero hanggang do'n lang 'yon dahil kailangan niyang umuwe agad.

Alam kasi ng Daddy niya ang mga kalokohan niya, kahit anong ingat niya pa na h'wag malaman ng Daddy niya ang kalokohan niya ay nalalaman pa rin nito.

Nang matapos silang kumain ay nagkaniya kaniya na sila. Pumunta ang Kuya niya sa kwarto nito at gano'n din naman siya.

Dahil grounded siya ngayon magbabasa na lang siguro siya ng libro sa kwarto niya or mag p-painting. 'Yun ang hobby niya kapag wala siyang magawa or grounded siya.

"Kumusta work?" Tanong ni Jhianne sa asawa. Nasa may garden sila ng bahay nila at nagpapahangin.

"Nakakapagod but kaya naman." Napangiti na lang si Jhianne sa sinabi ni Axel at sumandal sa balikat ng asawa na agad namang umakbay sa kaniya.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now