CHAPTER 37

2.9K 93 2
                                    

CHAPTER 37

JHIANNE POV

Nakatingin pa rin ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit sila nandito. Nagkataon lang kaya na nandito sila at nandito rin ako?

"Jhianne, ikaw nga. Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong sa 'kin ni Kuya Sean.

Opo, sila Kuya Sean ang tumawag sa 'kin. Bakit kaya sila nandito? Parang wala kasi sa itsura nila ang pupunta sa ganitong lugar.

Wah!

"Ahm, ano po, eh. Magkikita po sana kami ni Kate Lyn dito kaso may emergency daw kaya hindi na siya makakapunta dito. Pinapunta niya ako dito, eh. Aalis na po sana ako nang tawagin niyo 'ko hehe." Sabi ko kaya nagkatinginan silang tatlo. May pinag-uusapan sila na sila lang ang nakakarinig.

Ano kaya 'yon?

Nang wala naman na 'kong sasabihin at gano'n din naman sila ay nagpaalam na 'ko.

"Ah, sige po. Aalis na 'ko." Sabi ko at tinalikuran na sila at tiningnan ko ulit ng isang beses 'yung Amusement Park.

"Sayang, gusto ko pa naman sanang makasakay sa mga rides diyan. Gusto ko subukan." Sabi ko habang pinagmamasdan 'yung Amusement Park at 'yung mga taong nakasakay sa rides. Ang ingay nga nila, eh.

Mukhang masaya kasi sumakay sa rides. Tingnan niyo naman 'yung mga tao, ang sasaya nila. Rinig ko nga mga tilian nila, eh.

"Jhianne, wait." Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Kuya James kaya nilingon ko sila ulit.

"Bakit po?" Tanong ko nang makalapit na sila sa 'kin.

"Nandito na rin naman na tayo bakit hindi na tayo pumasok sa loob." Sabi ni Kuya Mark. Hindi 'yon patanong.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko.

Tama ba 'yung rinig ko?

"Wah! Talaga po? Totoo? Papasok tayo sa loob?" Masayang tanong ko. Halatang excited na excited ako.

Natatawang tumango naman sila. Masayang tumakbo ako sa kanila at niyakap sila.

Nagulat man sila ay niyakap rin nila ako pabalik.

Yepey! Makakasakay na 'ko sa rides dito. Mararanasan ko na rin kung anong pakiramdam ng makasakay sa mga rides.

"You're cute haha." Sabi ni Kuya James. Wah, tumawa siya.

"Sa kilos mo kanina ay nahulaan ko na hindi ka pa nakakapunta sa ganito, tama ba?" Tanong ni Kuya James kaya nahihiyang tumango naman ako, napatawa naman sila.

Maya maya ay nagpasya na kaming maglakad papunta sa loob. Sila na ang bumili ng ticket na ikinasaya ko.

Hala, totoo na 'to. Makakapasok na talaga ako rito. Makakasakay na 'ko sa mga rides. Yiieee! Excited na 'ko.

Nagmumukha na naman akong isip bata nito, wah!

Isip bata ka naman talaga, ah.

Napangiwi ako sa sinabi ng isip ko at napairap na lang.

"Wah! Ang ganda dito, excited na akong sumakay sa mga rides." Mangha at excited na sabi ko habang iginagala ko ang paningin ko sa lugar na g makapasok na kami ng tuluyan sa loob. Naririnig ko na natatawa na lang sa 'kin sila Kuya James na hindi ko na pinansin dahil masyado akong naaatract sa nakikita ko.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now