CHAPTER 61

3.5K 87 5
                                    

CHAPTER 61

KRISTOPHER POV

Tagal ko ring namahinga, ano? Hindi ko namalayan na limang taon na ang lumipas.

Five years ago ay wala akong ginawa sa mga Smith at Velasquez na 'yon dahil gusto kong tapusin muna nila ang pag-aaral nila.

Kaya ko lang naman sila hinayaan ng gano'ng katagal ay dahil ayaw kong may madamay sa mga plano ko kung kaya't hinayaan ko sila sa loob ng limang taon.

Simula ngayon ay gagawin ko na ang mga plano ko na hindi ko nagawa noon. Hindi ko na palalagpasin ang araw na 'to.

Kung aamin lang sila sa 'kin nang maayos ay hindi ko na sila kailangan pang guluhin pero sinusubukan nila ako.

Napalingon ako sa pinto ng opisina ko nang bumukas 'yon. Pumasok do'n ang isa sa mga tauhan ko.

Ininom ko muna ang alak ko na kanina ko pa hawak at pinapaikot-ikot ko lang sa kamay ko.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya. Umayos naman siya ng tayo.

"Boss, may nalaman po kami." Sabi niya kaya napataas naman ang kilay ko.

Hindi ko pala nasabi sa inyo na sa nakalipas na limang taon ay wala na 'kong balita sa kanila dahil nga pinatigil ko muna ang pagbabantay sa kanila.

Pasalamat sila at may awa pa rin ako, hindi nga lang sa kanila kung hindi sa ibang taong madadamay.

Hindi ako maaawa sa mga taong pumatay sa kapatid kong babae.

"Ano naman 'yan? Siguraduhin mong importante 'yang sasabihin mo dahil kung hindi ay alam mo na." Takot naman siyang tumango tango sa 'kin.

"H-hindi po totoong kapatid ng Smith brother's si Kate Lyn." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Paanong nangyare 'yon? Mukhang maraming nangyare five years ago, huh?

"'Yun po ang nalaman namin, boss. No'ng una ay nagulat rin kami. Kilala niyo ho ba si Jhianne, boss?" Tanong niya sa 'kin.

Napaisip naman ako. Jhianne? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon.

"Parang narinig ko na nga ang pangalan na 'yan pero hindi ko maalala kung saan at kailan ko narinig." Sabi ko.

"Jhianne Mint Smith ang buo niyang pangalan. 'Yun ang totoong kapatid ng Smith, boss. Ito po ang picture." Pinakita niya naman sa 'kin ang picture ng sinasabi niyang totoong kapatid ng Smith.

"Hmm, now I know. Umalis ka na, alam niyo na ang gagawin." Sabi ko at tumango naman siya sabay labas na.

Pinakatitigan ko pang mabuti ang picture at tsaka napangisi. Ikaw pala ang tunay na kapatid nila, hmm. Talagang maraming naganap, ah.

"Mapaghandaan niyo sana ang muling pagbabalik ko." Bulong ko at tumawa.

Alam kong matatalino ang mga lalaking 'yon kaya malalaman nila agad na may balak akong masama.

Get ready for my revenge. Totoo na 'to.

* * *

JHIANNE POV

Lecheng Axel 'yon, laking paepal talaga. Limang araw ba naman kami sa resort nila.

Ni hindi man lang ako nakadala ng mga damit buti na lang at may mga damit sa bawat room nila doon kung hindi baka nasapak ko siya.

Kahapon lang kami nakauwe kaya ngayon, heto ako, binubungangaan ni Kuya Ashton.

"Hoy! Jhianne Mint Smith, nakikinig ka ba sa 'kin?!" Sigaw niya kaya napairap ako. Galit na 'yan, tinawag na 'ko sa buong pangalan ko, eh.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now