CHAPTER 33

3.2K 99 21
                                    

CHAPTER 33

ASHTON POV

Nandito kami ngayon sa head quarters namin para pag-usapan ang tungkol kay Kristopher sa plano niyang maghingati kuno sa 'min.

"Kung mautak siya mas mautak ako sa kaniya. Nagpaplano pa lang siya, alam ko na kung anong pinaplano niya." Nakangising sabi ni James. Ang yabang talaga ng hayop na 'to, eh.

Tulad nga ng sabi niya nagpaplano ka pa lang alam na namin kung ano 'yang plinaplano niyo, tsk.

Gagong Kristopher 'yon. Pagbintangan daw ba kaming pinatay daw namin 'yung babae niyang kapatid, tsk.

'Di niya ba alam na tinulungan pa namin 'yung kapatid niya? Tapos ngayon gagantihan niya kami dahil buong akala niya kami pumatay sa kapatid niya? Aba, tarantado siya.

"Hindi pa siya nakilos. Ang alam ko dapat may gagawin sila no'ng birthday ni Mom, pero hindi niya tinuloy. Hindi ko alam kung bakit. Mukhang may iba pa siyang pinaplano." Sabi ni Sean.

"Oo nga, langyang 'yon. Naalala niyo no'ng nasa isla tayo? May nasunod sa 'ting tauhan niya 'di ba?" Singit ko sa kanila.

"Yes, naaalala namin. Pasalamat siya at hindi niya natuloy 'yung plano niya sa birthday ni Mom kung tinuloy niya, humanda talaga siya sa 'kin. If ever na natuloy nga ang plano niya no'n ay nakahanda naman ako." Galit na sabi ni James.

Napasipol na lang ako nang wala sa oras dahil sa galit na tono ng boses niya.

Mas demonyo pa 'yan sa demonyo kapag nagalit, naku kaya h'wag niyong galitin.

"At oo nga pala, nakita ni Jhianne na nag-uusap 'yung tauhan ni Kristopher sa isla no'n." Singit ko ulit.

Oo, nakita ko 'yon. Nakita ko si Jhianne na nakikinig sa usapan ng tauhan ng gago dahil sinundan ko siya. Baka kasi may mangyari pang masama do'n, eh.

Hindi niya rin napansin na sinundan ko siya, buti na lang.

Alam kong alam na ni Jhianne no'n na may balak na masama ang mga 'yon sa birthday ni Tita.

Siguro dahil sa nangyare sa kaniya at marami siguro siyang iniisip kaya hindi niya na 'yon naikwento sa 'kin o kila James o kung sino man sa 'min na kasama niya do'n sa Palawan. Ni hindi ko rin siya tinanong about doon.

Una pa lang pansin ko ng may sumusunod sa 'min no'n at hindi nga ako nagkamali.

Napalingon ako sa kanila nang makitang nanlaki ang mga mata nila matapos malaman ang sinabi ko. Hindi nga pala nila alam 'yon.

"Really?" Gulat na tanong ng kapatid ko.

"Yeah, I saw her. Alam kong napakinggan niya lahat ng napag-usapan ng dalawang tauhan ni Kristopher na nasunod sa 'tin no'n." Sabi ko at napatango tango naman sila.

"Nakita ba kayong dalawa ng tauhan ni Kristopher?" Tanong ni Mark, agad naman akong umiling.

"Mamaya na natin 'yan ulit pag-usapan. Kailangan na muna nating pag-usapan ang tungkol sa kapatid namin at kung paano natin malilinis ang pangalan natin sa kaniya." Sabi ni James at tumango naman kaming lahat.

So tulad ng napag-usapan, eh nagplano kaming lahat. Ilang oras din kaming nagplano.

Nakakapagod din magplano, ah, kakainis. Bwiset kasing Kristopher na 'yon, sarap niyang ihagis sa planeta kung saan siya bagay.

"So tapos naman na tayong magplano I need to go. Pupuntahan ko si Jhianne." Sabi ni Axel at tumayo na sa pagkakaupo.

"Why?" Tanong naman nang kapwa niya englishero, si James. Sa dalawa na natuon ang atensyon namin.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now