CHAPTER 63

2.9K 80 1
                                    

CHAPTER 63

JHIANNE POV

Nakakailang ilag at suntok na 'ko pero hindi ko maramdaman ang pagod at sakit sa katawan ko tila ba namanhid na ako.

Hindi ko matanggap ang ginawa nila sa kaibigan ko.

Kaya ko naman sila, eh dahil limang taon din akong nag-training at tinuruan ako ni Kuya Ashton.

Sa limang taon na 'yon ay nakuha na ako ng mission kasama ang grupo ko. Yes, gumawa ako ng sarili kong grupo.

Ito ang pinagkakaabalahan ko sa America kapag walang pasok o tuwing summer, holidays basta kapag wala kaming pasok.

Bawat natatapos naming mission ay nakakakuha kami ng pera. Pero hanggang hundred thousand lang.

Hindi naman talaga namin gusto 'yung nagbabayad sila sa 'min pero minsan ay mapilit sila kaya no choice kami kung hindi ang tanggapin na lang.

Pinaghirapan ko ang lahat ng 'to, ang matutunan kung paano lumaban.

Hindi naman kami gangster o ano man ang nasa isip niyo basta nakuha lang kami ng mission na humihingi ng tulong sa 'min.

"Hay, hindi ka pa ba napapagod?" Nakangising tanong ng kalaban ko. Inirapan ko naman siya dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Ikaw ata pagod sa 'ting dalawa, eh." Sabi ko at sinuntok siya pero nakailag siya. Aba, lupet, ah. matibay tibay 'tong isa na 'to.

Napangisi naman ako nang makitang nasa likod si Mindy ng lalaking 'to at may hawak siyang baseball bat.

"Ayown! Tulog! Nice, Mindy haha." Sabi ko at nakipag apir pa ako sa kaniya dahil hinampas niya lang naman 'tong lalaking 'to ng baseball bat sa ulo.

Ang wild talaga ng babaeng 'to pagdating sa ganito.

"Nasaan na 'yung iba?" Tanong ko sa kaniya maya maya.

"Ewan ko kung nasaan na sila Melody." Sabi niya.

Nasaan na kaya 'yung mga 'yon? Naialis na kaya ni Melody si Shine?

"Hanapin mo na sila Mhelanie. Ako na munang bahala dito." Sabi ko.

"Sige, mag-iingat ka, boss, ah?" Sabi niya at tumango naman ako at tinapik ko siya sa balikat niya at tsaka siya tumakbo paalis dito para hanapin sila Mhelanie.

Inikot ikot ko ang paningin ko para malaman kung may kalaban pa ba pero mukhang wala na.

Wala naman sigurong makakakilala sa 'kin dito, noh? Nakamaskara kasi ako 'di ba? Na kulay black and may design siyang Rose then naka leather jacket ako na black. Astig ko siguro dito sa suot ko. Kung 'di ko nabanggit na may maskara ako ayun na, sinabi ko na, na may suot ako.

Pero bigla na namang nag-init ang ulo ko nang maalala ko ang itsura ng kaibigan ko.

Namuo na naman ang galit sa loob ko. Sa dami ng pwede nilang kidnapin ay 'yung matalik ko pang kaibigan? Kaya hindi ko talaga mapapalampas 'to.

Akmang tatawagan ko si Kuya Ashton nang may tumawag sa 'kin na ikinatigil ko. Bale nasa likod ko sila.

"Hey, are you one of the kidnappers?" Tanong ni Kuya James. Syempre, 'di ako pwedeng magkamali, boses niya 'yon.

Napataas naman 'yung kilay ko. Ako kidnapper? Aba, lupet, ah. Pagkamalan daw ba akong kidnaper.

Wait, bakit sila nandito?

"Tinatanong ka niya kaya sumagot ka." Naiinis na sabi naman ni Axel.

Shit! Pati siya nandito. Anak ng tupa naman, oh. Ang bilis talagang uminit ng ulo nito, tsk.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now