CHAPTER 13

4.1K 117 3
                                    

CHAPTER 13

JHIANNE POV

"Ma, alis na po kami!" Sigaw ko habang kinukuha 'yung bag ko sa sofa. Nasa kusina kasi si Mama, eh. Nagluluto ata.

"Sige, mag-iingat kayo!" Sigaw rin ni Mama.

Nasa may trabaho na si Papa. Buti na lang pwede na siyang bumalik sa trabaho niya.

"Of course, Ma! Ikaw rin po, mag-ingat! Alis na kami, labyu!" Sabi ko na lang at tsaka na kami lumabas ng bahay ni Beshie.

Hay, ano na naman kayang mangyayare ngayong araw?

Excited na 'ko sa foundation day namin at ngayon totoo ng excited ako.

Pagdating namin sa school ay nagulat kami kung bakit ang daming tao.

May artista ba?

"Luh, anong meron?" Takang tanong ni Beshie. Nagkibit balikat lang naman ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong meron.

"Tara na nga. Hayaan na natin sila diyan, lagi naman silang ganyan, eh." Sabi niya at hinila na 'ko paalis do'n. Sabagay, tama naman siya do'n.

Saglit pa 'kong napalingon do'n sa pinagkakaguluhan nila pero hindi ko makita kung sino, eh. Ang dami kasing nakaharang. Iniwas ko na lang ang paningin ko doon at sa daan na lang itinutok.

Bored na naupo kami ni Beshie pagdating pa lang namin sa room.

"May assignment ba tayo?" Tanong ni Beshie kaya napaisip muna ako saglit bago siya sinagot.

"Hmm, wala naman." Sagot ko at tumango lang siya.

Napagdesisyunan na lang muna naming dalawa na mag-advance reading na lang muna kami ni Beshie habang wala pa si Ma'am. Mamaya magpa surprise quiz pa 'yun, eh.

Wala pa nga 'yung dalawa naming friend, eh. Lagi na lang late 'yon. Naku naman.

"Oh sure, I'll go with you later."

Napalingon kami sa pintuan nang marinig namin ang boses na
'yon ni Kate Lyn. Hayst, bakit ba lagi kong nakakalimutan na kaklase ko pala 'to?

"Really? Thank you, Sis."

"Oh, welcome. See you na lang later, ha?"

Rinig ko pang sabi ni Kate Lyn. Hindi ko na sila pinakinggan pa at nilingon. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko at hindi na sila pinansin pa.

Nagulat na lang ako nang may biglang naglagay ng notebook sa lamesa ko. Pagtaas ko ng ulo ko ay si Kate Lyn 'yon.

Ang bilis kumilos nitong babae na 'to.

"Bakit?" Tanong ko at tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Sagutan mo." Sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo.

Tiningnan ko 'yung notebook na nilapag niya sa lamesa ko at tiningnan siya ulit.

"Bakit ako? Bukod sa may sarili kang kamay at may utak ka rin naman bakit hindi mo 'yan sagutan, sa 'yo rin naman 'yan." Sabi ko kaya nainis siya.

"Sagutan mo na lang." Inis ng sabi niya at akmang tatalikod na siya nang hilahin siya ni Beshie.

"Kukunin mo 'yang notebook mo o ihahambalos ko 'yan sa pagmumukha mo?" Galit na sabi ni Beshie kay Kate Lyn na nginisihan lang naman siya.

"What if I don't?" Nang-iinis pang sabi ni Kate Lyn. Napahawak na lang ako sa sentido ko. Kailan ba matatapos 'to?

"So ayaw mo? Fine, walang sisihan, ah?" Sabi ni Beshie at tumayo.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora