CHAPTER 74

2.3K 67 1
                                    

CHAPTER 74

JHIANNE POV

Limang araw, limang araw na kaming hindi nagkikita ni Axel. Sa limang araw na 'yon ay wala akong ginawa kung hindi ang magmukmok lang.

Ni hindi man lang niya ako kinausap matapos niyang magtext sa 'kin ng gano'n. Ni hindi ko nga siya nireplayan no'n.

Hindi man lang siya nagpakita sa 'kin para magpaliwanag kung bakit siya nakipaghiwalay sa 'kin.

Alangan namang hanapin ko siya at sugurin? Hindi ko gagawin 'yon dahil hindi ako gano'ng babae.

Kung ayaw niya na, edi ayaw. H'wag ng pilitin kasi ikaw rin naman masasaktan.

Ito na nga, oh. Nag momove on na ako kahit hindi ko sigurado kung kailangan ko na nga bang mag move on at kung kaya kong mag move on.

Sabi na nga ba na hindi kaming dalawa ang magkakatuluyan sa huli, tss. Pinagtagpo at hindi itinadhana nga kaming dalawa.

"Beshie, okay ka lang?" Napatingin ako kila Beshie ng bigla siyang magtanong.

Nandito nga pala kami sa isang restaurant. Wala, inaya lang nila ako. Alam na kasi nilang nakipaghiwalay na sa 'kin si Axel at halos gusto nilang sugurin si Axel ng malaman nila 'yon.

Pinagtataka ko nga, eh hindi nagalit sila Kuya kay Axel ng sabihin ko ang tungkol do'n. Sabi lang nila ay pagkatiwalaan ko daw si Axel. Sus, daming alam.

Expect ko kasing magagalit sila kay Axel. Handa na sana akong umawat kung sakaling magpatayan sila.

"Hindi pa rin ba nagpapakita si Axel sa 'yo?" Tanong ni Chesca, agad naman akong tumango sa tanong niya.

Hindi ko alam kung nasaan siya o hanggang ngayon ba ay magkasama pa rin silang dalawa ni Sheila.

Isa pa 'yung babae na 'yon, punyeta talaga. Sarap nilang pagbuhulin na dalawa, tangna.

Oo, nasaktan ako. Umiyak ako dahil umasa ako sa mga binitawang salita ni Axel no'ng isang araw kay Sheila, pero ano 'tong ginagawa niya sa 'kin ngayon? Bwiset talaga, hindi ko na siya maintindihan.

Pero hindi naman ako gano'ng babae na kapag nasaktan ay magmumukmok na lang habang buhay sa kwarto. Ayos na 'yung ilang araw lang na pagmumukmok ko.

"Aba, gago." Gulat akong napatingin kay Chesca ng bigla niyang sabihin 'yon.

Tatlo lang kasi kami ditong magkakasama nila Shine, wala 'yung iba.

"Bakit?" Takang tanong namin ni Beshie.

Agad naman kaming napatingin sa itinuro niya at agad kong pinagsisihan na lumingon pa ako.

Si Axel at Sheila, magkasama sila ngayon at masaya silang kumakain ngayon na dalawa.

Parang naiiyak na naman ako. Kaya pala hindi nagpapakita sa 'kin kasi magkasama na sila.

Edi wow.

Bago pa nila ako makita ay umiwas na ako ng tingin at tumayo na kaya gulat silang lumingon sa 'kin.

Ang saya nilang dalawa. Sana all na lang. Magsama kayo, mga gago! Gano'n gano'n na lang 'yon?!

"Oh, saan ka pupunta?" Takang tanong nilang dalawa.

"Tara, uwe na tayo." Walang ganang sabi ko.

"Hala, Beshie! Teka lang, susugurin ko lang 'yang hayop na 'yan." Galit na sabi ni Beshie.

Bago ko pa siya maawat ay nasugod niya na sila Axel. Napakabilis naman ng dalawa na 'to, bwiset.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon