CHAPTER 50

3.4K 84 11
                                    

CHAPTER 50

JHIANNE POV

Ilang araw na nang sinabi sa 'min 'yun ni Dean pero hindi pa rin ako nakakapag-isip .

Dapat nga kakausapin ko si Axel nang araw na 'yon, eh kaso 'di natuloy dahil pinatawag na siya nila Kuya James. Panira 'yun si Kuya, eh.

"Wife, come here." Biglang tawag sa 'kin ni Axel.

Yes, magkasama kami ngayon na dalawa. Nagdedate kami, ewan ko diyan.

Tsaka matyaga talaga siyang nanliligaw. Akala ko nga hindi siya marunong manligaw, eh.

Oo na, inaamin ko na na kinikilig ako sa bawat banat niya sa 'kin at sa tuwing sinusurprise niya ako tuwing nagdedate kami. Isang linggo na kaming ngdedate, noh.

Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya 'yung nararamdaman ko para sa kaniya dahil balak kong sabihin bukas. Kung hindi man bukas ay hindi ko alam.

Kinakabahan nga ako, eh. Nasiguro ko na 'yung nararamdaman ko sa kaniya ay totoo at kapag iniisip ko pa lang na iiwan ko siya kung sakaling tatanggapin ko 'yung sinabi sa 'min ni Dean ay nasasaktan na ako sa magiging reaction niya. Hindi niya pa nga alam ang tungkol do'n, eh.

Hindi ko alam kung paano o bakit ako nahulog sa kaniya basta nalaman ko na lang na nahulog na pala ako sa kaniya.

Ayst, kagigil, ah?

Kinain ko lang din sinabi ko noon na hindi ko siya magugustuhan. Nakakaloka naman.

"Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo kung sasagutin mo 'ko." Biglang sabi niya.

Nandito kami sa luneta park, nakaupo kami sa lupa at nakaakbay siya sa 'kin ngayon habang nakatingin kami sa kalangitan.

"Edi wow na lang." Tanging sagot ko na lang, hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko, eh.

Sinandal ko na lang 'yung ulo ko sa balikat niya kahit na nakaakbay siya sa 'kin. Wala lang, feel ko lang 'yung ganito.

"Axel." Tawag ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako.

"Hmm?" Mahinang sabi niya nang ibalik niya ulit 'yung tingin niya sa langit.

Sa pwesto namin ngayon pagkakamalan kaming mag girlfriend at boyfriend kahit hindi naman.

Pwede naman but soon.

"Bakit ako 'yung nagustuhan mo? Hindi naman ako maganda, hindi rin ako matalino. Sa totoo nga niyan, wala akong kwenta, eh." Sabi ko habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat niya.

"Don't say that. May kwenta ka, matalino ka at siyempre maganda ka lalo na sa paningin ko. H'wag na h'wag mong sasabihin na wala kang kwenta dahil meron. H'wag mong ibaba ang sarili mo, taasan mo naman." Seryosong sabi niya, napangiti tuloy ako.

Nagising tuloy ang mga paro-paro sa tiyan ko dahil sa mga sinabi niya. Lakas niyang mang-uto, ah.

"Kung ano ka man ay h'wag mong babaguhin dahil 'yun ang nagustuhan ko sa 'yo. Kung masungit ka, maging masungit ka. Kung mataray ka at tarayan mo man ako ay wala akong pakealam dahil 'yun nga ang nagustuhan ko sa 'yo, eh. 'Yung totoong ikaw. Dahil ikaw si Jhianne Mint Smith." Dugtong niya pa.

Na speechless naman ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot sa lahat ng sinabi niya.

"Alam mo kasi–" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang tumunog 'yung cellphone niya.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now