CHAPTER 14

4K 112 0
                                    

CHAPTER 14

JHIANNE POV

Foundation day na namin bukas. Ang bilis lang talaga ng panahon. Linggo ngayon, ah.

Sabado linggo nga lang ang pahinga ko at hindi makikita 'yung Kate Lyn na 'yun, eh.

Kaya gustong gusto ko kapag araw ng sabado at linggo dahil makakapag enjoy pa 'ko.

Sa ilang araw na nagdaan ay tinotoo ko ang sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko na sila.

Mahirap kaya na makita silang lumalapit sa 'kin tapos aalis ako bigla. Naguiguilty nga ako, eh. Nakikita kong nasasaktan sila sa ginagawa ko.

Gustong gusto nila akong tanungin o kausapin. Alam ko 'yon dahil nakikita ko sa mga mata at mukha nila.

Hindi ko naman ginusto 'yon.

Kung hindi lang ako ginugulo ni Kate Lyn, lagi akong sasama sa kanila dahil 'yun ang gusto ko pero dahil nga ayaw ko sa gulo ako na lang ang umiiwas.

Napakahirap pala kapag may tao kang kailangang iwasan, noh? Hayst, bahala na si Batman kung anong sunod na mangyayare.

"Jhianne, halika." Tawag sa 'kin ni Mama kaya agad naman akong lumapit sa kaniya. Nandito ako sa bahay namin, tambay muna ako.

"Bakit po, Ma?" Takang tanong ko nang umupo na kami sa sofa.

"'Di ba gusto mong malaman kung sino ang pamilya mo?" Tanong ni Mama kaya nanlaki ang mata ko.

Nakalimutan ko na ang tungkol doon.

Dahil sa nangyayare sa 'kin sa school ay nawala na 'yan sa isip ko.

"Opo, sino po ba talaga sila? Sabi niyo sa 'kin ay nakilala ko na sila." Excited na kinakabahan kong tanong.

Sa ilang buwan na lumipas, ngayon lang ulit namin 'to mapag-uusapan ni Mama. Nawala kasi talaga siya sa isip ko, eh.

"Oo, totoo ang sinabi ko sa 'yo na nakilala mo na sila. Sa totoo niyan kaya kita trinansfer sa skwelahan na pinapasukan mo ngayon ay dahil doon nag-aaral ang mga kapatid mo." Sabi ni Mama.

Huh?

"Eh sa dami ng studyante doon at sa dami rin ng mga nakilala ko doon ay hindi ko na alam kung sino sa kanila ang mga kapatid ko doon na tinutukoy niyo. Bakit hindi mo na lang sabihin ang pangalan nila Mama nang madali kong malaman at baka matandaan ko pa. Diretsahin mo na ako, Ma." Mahabang sabi ko at ngumiti lang naman sa 'kin si mama.

"Oo nga at maraming studyante sa paaralan na 'yon pero pinaglapit na kayo ng mga kapatid mo. Iba talaga maglaro ang tadhana." Ngiti na namang sabi ni Mama. Naiinis na 'ko, ah. Ayaw niya pang sabihin 'yung pangalan, eh.

"Mama, sabihin mo na lang kasi 'yung pangalan nila, please?" Sabi ko at hinawakan siya sa kamay sabay pa-cute pero tinawanan lang ako ni Mama.

"Oo na. Masyado kang excited, sasabihin ko rin naman." Natatawang sabi nito kaya napangiti ako.

Akmang magsasalita ako nang marinig ko ang boses ni Beshie.

Bakit naman ngayon pa?

"Beshie!" Matinis na sigaw ni Beshie habang tumatakbo papunta sa gawi namin ni Mama.

Ganyan talaga 'yan siya. Deretso pasok na lang. Oh, h'wag madumi utak, ah.

"Mukhang sa susunod na lang tayo ulit mag-uusap, anak. H'wag kang mag-alala malalaman mo rin ang katotohanan. Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo kaya maraming hadlang para masabi ko sa 'yo." Ngiting sabi ni Mama at tinapik ako sa balikat. Napabuntong hininga na lang ako.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now