Chapter 65: Conversation At Quorinotia Peak

914 121 39
                                    

January 23, 2049
2:25 AM

Status: In-Game
In-Game Time: 9:25 AM
Location: Temple of Ynathiph, Narai'Kyasok Heights, Sky Province of Halteistav

[Lucas Galileo]

"Teka lang. You're kidding right?" hindi ko mawaring tanong kay Ricaphia at lumapit ng kaunti sa kanya.

"No. Mukha ba akong magbibiro sa inyo? Sa edad kong 'to?" halos sarkastikong sagot niya sa akin at tinaasan pa ako ng isang kilay.

"Ppero parang ang lalabas po kasi, kami ang may kasalanan kung bakit babalik sa pagiging difficult ang game mode ng Leimhyark." Steve said in a somewhat frightened tone, as he even stepped back a bit. "Hindi pala... hindi na pala dapat natin ginawa 'yong quest, Kuya. Sisisihin tayo ng lahat ng gamers na mahihirapan, kapag nalaman nilang tayo ang may dahilan kung bakit na-revert sa dati ang game."

"Hay nako." Ricaphia sighed aloud, clicked her tongue, and held her forehead as though she was so stressed from Steve's reaction. "Sabi ko na nga ba at aabot 'to sa gan'to."

"Eh sa totoo naman." I added to what Steve has previously said and crossed my arms, giving Ricaphia a meaningful stare. "Ang lalabas talaga ay kami ang dahilan kung bakit bumalik ang dating mode ng game."

"Wala naman tayong magagawa do'n eh. Kaya nga tinawag na game, 'di ba?" malumanay na sagot ni Ricaphia, pero halos pandilatan niya ako. "Kahit naman ako, hindi ko ginusto na mangyari 'to. Sino ba may gusto nito? Difficult or not, we're just playing a game guys. So come on guys, wake up. It's. A. Freaking. Game."

Steve and I got caught by surprise when she suddenly snapped her fingers in front of our very faces, as though she was really waking us up.

"Ganito boys." the goddess continued. "Syempre pera pera 'yan, eh. The programmers and game developers of ConquerTech would do anything to twist the game and add more spice to it, para maraming players ang mas ma-challenge maglaro. Sa tingin niyo, hindi na nabuburyo 'yang mga professional players na inaabuso din ang ang revival function ng game? Alam niyo bang napakababa ng death penalty? Imagine; 8 hours ka lang bawal mag-login after mo mamatay; mawawalan ka lang ng items, pero pwede mo namang bawiin 'yong mga 'yon kung may guild ka. 'Di ba? Mabo-boring-an ang mga 'yon sa gano'ng setup 'pag nagtagal. Nako, sinasabi ko sa inyo."

I hate to admit it, but she's right. Sa sobrang immersed namin pareho ni Steve sa game, halos hindi na namin ma-distinguish ang reality at virtual world. Honestly, I began to forget that after all, it's still a game. Kagustuhan pa rin ng game masters, programmers at developers ang masusunod. Kaming gamers ay walang ibang pwedeng gawin kundi mag-decide na maglaro o hindi.

Yes, it isn't really a big deal. Walang kaso sa akin, o kahit siguro kay Steve, ang pagbalik ng dating functions ng game at ang pag-gising ni King Nagathom. Pero kasi, medyo nakakapangasim din sa pakiramdam na kami ang sisisihin ng ibang mga players sa gaming community, sa mga magiging issues sa Leimhyark. No wonder Steve was a bit frightened upon realizing the domino effect of us freeing this goddess.

"Saka ko lang nalaman na ganito ang mangyayari, pagkatapos ko makuha ang alternative account ko, at ang compensation payment nila para sa pag-gamit ng main account ko." pagpapatuloy ni Ricaphia. "Wala na. Kahit magreklamo ako't maghimutok ang butchi ko dahil ganito pala ang kahihinatnan ng game, wala na talaga. Nagamit ko na sa gastusin sa panganay ko 'yong pera na ibinayad nila. Bottom line, hindi natin 'to lahat ginusto. Hindi natin alam na mangyayari 'to. Game lang 'to, eh. O sige, kaya ganyan ang mga mukha niyo, kasi feeling niyo, kapag may mga players na namatayan ng account, kasalanan niyo?"

Just A HealerWhere stories live. Discover now