Chapter 17: As A Wraith

1.5K 145 32
                                    

December 27, 2048
7:00 AM

Status: Offline

[Lucas Galileo]

Matapos ang morning stretches, pushups, at crunches ko, naghilamos na ako at nag-toothbrush. Nananatili pa ring naka-kandado ang pinto ko't nakasara ang tatlong lock. Hindi ko pa nga rin tinatanggal ang upuan sa ilalim ng doorknob. Sa kabutihang palad, wala namang kaluluwa na napadpad at kumatok para lagyan ng pagka-pikon ang umaga ko.

Kalaunan, tinanggal ko na rinang locks ng pinto at bumaba na ako dahil nagugutom na ako. Sa hallway pa lang papunta sa dining area, naamoy ko na ang mabangong amoy ng bawang sa sinangag at itlog. It looks like my mother cooked breakfast today. It looks like I'd be eating more than expected for this morning.

Pero nawala ang gana ko kumain nang makarating na ako sa kusina at nakita kung sino ang naghahain. Nakasuot pa ng blue niyang apron si Kuya at naglalagay ng bagong pritong itlog sa plato. Nayamot ako. It's like my sense of smell ran away from me. I can't smell the garlic fried rice, the eggs and the other stuff that I don't care if he cooked.

Imbis na maglaway ako, parang na-dehydrate pa ako. Ganito talaga siguro ako pag nayayamot ng sobra. Oo, alam kung gutom ako dahil medyo kumakalam na ang tiyan ko. Pero ayaw ng panlasa ko ang mga ganyan, lalo na't nakita ko na kung sino ang nagluto.

"Wala si Mama at Papa. Nagpunta ng Baguio. They'll return by 29. Plus naka-bakasyon ang maids natin since December 20. Umalis na rin 'yong ibang maids na natira no'ng pasko. Kaya ako na ang nagluto ng breakfast ngayon." ngiting saad ni Kuya na para bang walang nangyari kaninang madaling-araw.

Nawala ang gana ko kumain ng sinangag at itlog. Hindi ko na lang siya pinansin at nilagpasan ang dining area. Yep. As far as I remember, hindi nabibili ng magandang agahan ang kapatawaran. What in the world was he thinking?

I went straight to the kitchen cabinets and grabbed a sealed cup of instant ramen. I took a fork and a saucer and grabbed a big bottle of water from the fridge while I saw my brother from peripheral vision, just watching me. I didn't mind him again and went back straight to the grand staircase.

"Hindi ka ba kakain ng breakfast?" I heard my brother's voice echo from the dining area.

'Iyo na lang 'yan. I thought while pacing up the staircase. I didn't answer him and went returned to my room and put back the same locks and the chair underneath the doorknob.

Buti na lang talaga at may water heater sa ilalim ng study table ko. Nag-init na lang ako ng tubig para sa instant ramen na nakalagay sa styro-bowl. Ilang minuto ang lumipas ay naluto na ang ramen. Nag-browse na lang ako sa PC ko ng mga pwedeng online or company illustrating jobs habang kumakain sa malaking styro-bowl ng instant ramen.

Kahit papaano naman, gusto ko makahanap ng sideline na trabaho, habang hindi pa natatapos ang taon. Mahirap na maging jobless sa paparating na taon. I scrolled with my table track pad and saw a certain company's site which was finding part time illustrators. Hindi na nga lang sa Makati Metro, kundi dito din sa Cavite. Mas malaki pa ang dati kong sweldo ng dalawang beses kaysa sa ino-offer dito.

Pero, maigi na rin ang may trabaho kaysa wala. While drinking water I sent the company's site my resume and I remembered; I have to get my release papers from the previous company I've worked with. Kaya naisip ko, kunin ko na lang bukas dahil open naman ang company na 'yon hanggang 29th ng December. Bukas ay 28 pa lang. Kaya pwedeng dito lang muna ako sa bahay ngayon at maglaro.

Pagkatapos ko itapon ang bowl ng ubos nang ramen sa incinerating- trash bin sa tabi ng study table ko, uminom na ako ng tubig at pinatay ang PC ko.

Just A HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon