Chapter 8: The Guild's New Healer

1.7K 179 80
                                    

December 25, 2048
10:55 AM

Status: In-Game
In-Game Time: 5:55 PM
Location: Qedium City, Greida Province, Country-Continent of Axis

[Lucas Galileo]

"'Di naman talaga magre-resign si Dublin Mire bilang Guild Master. Siya 'yong Berserker na matangkad na may axe at shotgun sa likod." paliwanag ni Kuya, at ang tinutukoy niya ay 'yong dambuhalang tao na sumira sa pintuan nila kanina. 

"Siya pala 'yon. Eh ano 'yong issue?"

"'Yong 480 members na umalis, hindi rin naman agad lumayas ng sabay-sabay. Little by little, they started leaving the Guild. Kasama na doon 'yong huling healer na sinabi ko kanina na umalis."

"Ba't nagsisi-alisan?" takang tanong ko.

He shrugged his shoulders while scrolling on some windows on his Player Menu. "'Di din namin alam. But there were rumors that they joined a different and larger guild that needed more than 400 plus players. At mas mataas daw ang offers for competitive play."

Bumuntong-hininga ako at nagduling-dulingan sa kanya. "Stressed na stressed ka. Eh pwede namang magrecruit ulit nang members."

"It's actually more complicated than you think." he scratched the back of his head. "Our dungeon raid is actually later tonight, 8 PM in Leimhyark's time. Kaya ako nayayamot. Kasi hindi gano'n kadali mag-recruit ng players. Ugh. Mattaku (Good grief)."

Raids. Just like what my previous party kinda did, back at Genesis Region. So much has happened to me today in a short period of time. Sobrang fast paced ang mga pangyayari. Kagabi lang, nawalan ako ng trabaho; bisperas ng pasko. Then my brother gifted me with a UHDS console. 

Naging level 1 ako sa game, at dalawang oras lang ang lumipas, level 10 na agad ako. 'Di ba ang saya? Bawing-bawi nga sa pagiging unfair, kaya lang nabibilisan naman ata ako sa mga nangyayari.

"Hmm. Pa'no na 'yan?" ang tangi ko na lang nasabi at nagkrus ako ng mga braso. "Pwede mo ba 'yon ipa-cancel or postpone? Ikaw na ang Guild Master ngayon diba?"

Sarkastiko siyang tumawa ng mahina at humarap sa'kin. "'Y-Yon na nga eh. Hindi pwedeng i-cancel. Kailangan pa rin namin magparticipate. Kaya lang, floating ang status namin as a group. 19 lang ang natitirang members currently; kasama na ako do'n. The system knows that we're lacking one member to officially operate as a Guild. 20 members ang kailangan, including the Guild Master. Kaya wala akong access sa mga group chat na connected sa ibang guild na ka-collaboration namin sa raid."

"Collaboration sa raid?"

"The Rank Level of the dungeon is 175. At least 3 parties, with each having a minimum of 5 players ang required para ma-raid ang dungeon na 'yon. So, tig-isang party ang ipapadala ng tatlong allied guilds. Pwede namang kahit isang party lang. Pero dapat level 400 above ang limang player sa party na 'yon." paliwanag ni Kuya habang nagtitipa sa holographic keyboard ng Player Menu niya. "Kaya hindi pwedeng i-postpone, dahil 'yong ibang members ng party na sasama, ngayong Christmas day lang available."

"Wala na bang ibang mas mataas sa'yo, para iisang party na lang ang pumunta?" I asked and my older brother stopped typing as he stared at me.

"Eh, ako lang ang pinakamataas ang level sa Qedium, sunod kay Dublin." nanlulumong bulong niya habang nakatingin sa akin. "I'm not even level 350. Tsaka they're looking forward for this. Magagalit ang ibang guilds pag nalaman nilang 'di makakapag-raid ang mga party na pinadala nila nang dahil lang sa hindi na kami Guild."

Just A HealerWhere stories live. Discover now