Chapter 1: Leimhyark Online

2.8K 193 123
                                    

December 24, 2048
11:11 PM

[Lucas Galileo]

"Anong gusto mong unang marinig, Galio? Kasalanan ko sa'yo o surprise ko sa'yo?"

I thinned my eyes at him when he called me by my nickname, and I slowly muttered, "'Yong kasalanan mo muna. Kasi baka mag-compensate naman 'yong surprise mo. Basta hindi prank."

He smiled toothily, then looked away while scratching his nape. "Ano kasi eh—"

"Kuya. Ano nga 'yon?"

I just hate it when he acts childish, for a guy who's already 28 years old.

"I opened your second bank account and withdrew money—"

"Wait! You did—what?! Uh... how in the worldpa'no mo nalaman 'yong account detai—"

"T-teka! Chill ka lang bro." awat niya sa akin dahil naka-amba na ang kamao ko para suntukin siya.

Mukhang isa na naman ito sa pranks niya sa'kin.

"Ganito kasi Galio," he called me by my nickname again, and I put my fist down; his face suddenly became serious. "nalaman ko kasi na may pinag-iipunan ka. Matagal na. Nabanggit sa'kin ni Mama."

I swallowed an invisible lump down my throat. Alam na niya.

"And, dinagdagan ko 'yong halaga ng inipon mo. So, I bought you a UHDs Console of Leimhyark Online. Ito 'yong surprise; Merry Christmas, li'l bro!" he smiled sweetly at me with his arms wide open as though he really surprised me.

His smile seemed so genuine. Gusto ko maniwala, gustong-gusto ko talaga. Kaya lang, paniguradong isa na naman ito sa mga prank niya. Sa mahal ng game at ng console na 'yan; seryoso ba siya o nasisiraan ng bait?

"Funny." bulong ko habang nakatitig lang sa kanya ng walang emosyon.

3 Hours Earlier...

"Ano na naman ito Lucas? Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Sumagot ka!" sigaw ng boss ko pagpasok niya sa kuwarto at inihagis sa workspace ko ang mga paper sketches ko. "Binabayaran ka namin ng maayos pero ganyan lang binibigay mong output?!"

Tinitigan ko ang mga sketches ko na hindi pa tina-transfer ng isa pang illustrator sa holographic pen board. Maayos ko namang drafts ang mga 'yon. Pero bakit parang unsatisfied pa rin sila?

"Sir, pinipilit ko naman po—"

"Tatlong linggo ka nang ganyan—"

"Sir, edit-in ko na lang po—"

"Hindi na!" sigaw niya sa akin nang akma kong iipunin ang lahat ng papel na inihagis niya sa akin. Naulinigan ko pa ngang minura niya ako ng pabulong.

"Alam mo, gan'to na lang," saad niya at nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang power cord na nagko-connect sa system unit ko at sa mga wireless monitors nito. 

Napa-awang ang bibig ko sa gulat. All my wireless monitors went blank and transparent; my current work was gone. I was so shocked, and I sat frozen on my swivel chair staring at my boss who was fuming in rage.

Kung nandito lang ang iba kong mga katrabaho, pahiyang-pahiya na talaga ako. They'd be whispering to each other already, if they were here. Kahit papaano, mapalad ako dahil kami lang ng boss ko ang nandito.

Just A HealerWhere stories live. Discover now