Chapter 18

438 27 3
                                    

Samantha Escanillas

TUMAYO si Samantha sa kinauupuang couch nang bumukas ang pinto ng isang kuwarto sa korte kung saan gaganapin ang unang trial ni Xebastian Lozano. Pumasok sa loob ang dalawang pulis na pinaggigitnaan si Xebastian. Nakasuot ito ng orange na damit, nakaposas ang mga kamay.

Nginitian niya ang lalaki, inanyayahan itong maupo muna sandali. "Ilang minuto na lang magsisimula na ang first trial mo," sabi ni Samantha. "Handa ka na ba, Xebastian?"

Tumango si Xebastian pero hindi nagsalita.

"Don't be nervous, okay?" paalala pa niya. "We can do this."

Ilang saglit na nakatitig sa kanya si Xebastian. Nakita ni Samantha ang pag-aalalang bumahid sa mga mata nito. "Mananalo ba tayo, Samantha?" tanong nito sa medyo basag na boses.

"I'll do my best, Xebastian." Ngumiti siya. "Pangako."

Yumuko ang binata. "Ang mga kasamahan ko noon sa trabaho, mga kaibigan ko rin sila." Bahagyang pumiyok si Xebastian. "Gu-gusto ko silang mabigyan ng tamang katarungan. Hindi ko sila nailigtas noon. Wala... wala kaming pamilya kaya... kaya walang naghanap ng tamang katarungan sa kanila. Gusto kong makalaya. Gusto kong... maitama ang lahat."

Lumapit si Samantha sa kinauupuan ng binata, lumuhod sa harapan nito para hawakan ang nakaposas na mga kamay ni Xebastian. Marahan niya iyong pinisil. Nawala naman ang panginginig ng lalaki, bahagyang kumalma.

"Oo, pwedeng patawarin ang isang kasalanan," dugtong ni Xebastian. "Pero hindi iyon mawawala. Ang pumatay sa kanila ang dapat na nagdurusa. Kailangang malaman ng pumatay sa kanila na hindi habang-buhay maitatago ang isang kasalanan, hindi iyon basta-basta nakakalimutan." Nagmamakaawa nang tumingin sa kanya ang binata. "Tulungan mo ako. Ikaw na lang ang pag-asa, ang pag-asa ng mga kasamahan ko sa factory noon na makatanggap ng katarungan."

Nangilid ang mga luha ni Samantha sa nakikitang sinseridad ni Xebastian. Her heart went to him. It was like she could feel the pain he was feeling at that very moment. "Gagawin ko ang lahat para magtagumpay sa labang ito, Xebastian. Kahit ano pa ang mangyari. I will guard you with my life," pangako niya.

Gumuhit na ang isang ngiti sa mga labi ng binata na mas lalong nakapagpaguwapo dito. The man maybe scary but there was something in him that could comfort anybody – warmth.

Sinulyapan ni Samantha ang dalawang pulis na nakatayo malapit sa pinto bago ibinalik ang tingin kay Xebastian. Pinakatitigan niya ito ng direkta sa mga mata, ngumiti.

"Salamat ng marami, Samantha," sabi ng binata. "Sa pagtulong sa akin kahit walang kapalit." Marahang inalis ni Xebastian ang mga kamay sa pagkakahawak niya, itinaas iyon para sana haplusin ang kanyang pisngi pero napatigil. "I'm sorry," bulong nito, mahinang tumawa. "You're... beautiful."

Tumalon ang puso ni Samantha dahil sa hindi inaasahang sinabi nito. Mabilis siyang tumayo, tumikhim. "Mag—magsisimula na ang trial natin. Good luck to both of us."

Tumayo na rin si Xebastian at lumapit ang dalawang pulis dito. Naunang lumabas ng kuwarto si Samantha, nakasunod lang ang mga ito. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang mabilis na tibok ng puso. Pagkapasok sa korte ay lumapit sa kanya si Drew Adaltan – ang isa sa mga prosecutors sa trial.

"Attorney Escanillas," bati ni Drew, inilahad ang isang kamay. "Nice to finally meet you."

"Attorney Adaltan," ganting bati ni Samantha, tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Same here." Sinulyapan niya ang isang babaeng prosecutor na nasa likuran ni Drew. Emily Dequina ang pangalan nito. Dalawa ang prosecutors na makakaharap nila sa trial.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now