Chapter 55

481 18 1
                                    

"WE should go inside," sabi ni Princess kina Niel at Abby na kasama sa pagpunta ngayon sa Bilibid. Nauna na siyang lumakad papasok sa loob.

Sinalubong sila ng isang guard at dinala sa isang kuwarto. Humarap sa kanila ang guard. "Medyo mag-ingat lang kayo, medyo agresibo ang lalaking ito. Kanina lang ay nagkaroon ng away sa loob at kasama siya."

"Ano'ng klase siya ng tao?" tanong ni Abby.

Sandaling nag-isip ang guard. "Tahimik. Simula pa nang dalhin siya dito, bihira lang ang naging kaibigan niya. Hindi ko alam kung mayroon nga ba. Ang ilan sa mga preso dito ay pinagdidiskitahan siya dahil madalas ay mag-isa nga siya, pero mahusay makipaglaban si Xebastian. Kinatatakutan din 'yan dito sa Bilibid kahit hindi siya nakikipag-socialize."

"May iba bang bumisita dito?" tanong ni Princess. "Like a lawyer also?" Kailangan niyang umakto na parang nag-iimbestiga rin.

Umiling ang guard.

"Yael Donato?" patuloy niya.

"Wala akong maalala na bumisita sa kanya simula nang makulong siya dito," sabi ng guard.

"May mga sulat bang natanggap si Lozano?" tanong naman ni Niel. "Or tawag?"

Muling nag-isip ang guard bago umiling. "Wala. Naaawa nga rin ako sa lalaking 'yan. Wala na 'ata siyang pamilya o mga taong gustong makita siya." Napabuga ito ng hininga. "Kausapin niyo na lang siya kung may iba pa kayong tanong. Dito lang ako sa labas."

Binuksan na ng guard ang lock ng pinto. Humugot muna ng malalim na hininga si Princess bago humakbang papasok sa loob ng kuwarto. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita si Xebastian na nakaupo.

Nag-angat ng tingin sa kanila si Xebastian Lozano. There were bruises in his face. Pero hindi niyon naalis ang kaguwapuhan ng lalaki. Naupo si Samantha sa isang silya na katapat ni Xebastian. Pinigilan niya ang sarili na magpakita ng pag-aalala. Bakit ba ito nakikisali sa mga away sa loob? Nasalubong niya ang mga mata nito ng ilang sandali at tumalon ang puso.

Princess missed him so much. Pero hindi niya pa puwedeng mahawakan, mayakap ang lalaki ngayon. Kailangan niyang patuloy na magpangggap hanggang matapos ang lahat ng ito.

"Sino ka?" tanong ni Xebastian sa kanya, seryoso ang boses.

Tumikhim muna si Princess bago inilabas ang isang business card sa bag na dala. She needed to act professional. They should keep on acting. "I'm Attorney Samantha Escanillas. Kakilala ako ni Yael Donato. Ako ang magiging defense lawyer mo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Xebastian. "Bakit ikaw?"

Inilabas ni Princess ang ilang papel, ipinatong sa mesa. "Ito ang mga letters na ipinadala mo kay Yael noon, asking for his help. Ipinadala sa akin ito ni Yael kasama ng isang sulat. Gusto niyang ipasa sa akin ang kaso mo." Of course, hindi alam ni Xebastian ang tungkol dito pero alam ni Princess na sasakyan lang iyon ng lalaki. They had known each other for a long time.

"Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya," sabi ni Xebastian. "Kaya akala ko ay hindi nakakarating sa kanya ang mga sulat na 'yon." Pinakatitigan siya ng lalaki. "Magaling ka ba?"

Ngumiti si Princess. "I'm doing my best in all my cases."

Tumango-tango naman si Xebastian. "Wala na rin akong magagawa kundi tanggapin ang tulong mo. Gusto ko nang makalaya dito."

"Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Just be honest with me, Mr. Lozano," mahinahong sabi ni Princess.

Tumingin si Xebastian kina Niel na nanatiling nakatayo. "Kasama mo ba sila?"

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now