Chapter Seven

557 37 0
                                    

Niel Pascua

"NAKUHA mo na ba ang copy ng autopsy reports na hiningi natin?" tanong ni Niel kay Abby na kapapasok lang sa kanilang opisina sa SCIU Headquarters. Nang tumango ang dalaga, naupo na siya sa isang upuan at hinayaan itong mag-report.

"Una, ang autopsy report ni Mariano Gomez," panimula ni Abby. "Natagpuan ang bangkay niya sa loob ng kanyang condominium unit. There were three bullet wounds in his body. Dalawa sa katawan at isa sa ulo. According to the autopsy report, Gomez died at the second bullet that passed through his heart. Nakalagay din sa report na may natagpuang gamot sa loob ng katawan niya. For paralysis."

Tiningnan ni Niel ang isang papel kung saan nakasulat doon ang mga nakitang substance sa katawan ni Mariano Gomez. Ethanol, Succinylcholine. "So posibleng nakalagay sa alcoholic drink ang gamot na pamparalisa na iyon?"

Tumango si Abby. "Gomez drank that drink and he got paralyzed in few minutes. Doon na pumasok ang killer at binaril siya. Para nga naman hindi na siya makalaban."

"CCTV footage ng condominium place niya?" Bumaling si Niel kay Richard na siyang may assignment niyon.

"Nothing." Umiling si Richard. "There are traces of hacking sa CCTV system ng condominium place ni Gomez. Pinalitan nila ng still images ang footage around 7 to 9 P.M."

"That's when the murder occured," sabi naman ni Abby.

"Kumuha ka ng copy ng logbook ng condominium place na iyon," utos ni Niel. "Maging ang pangalan ng mga residente na nakatira doon."

"Copy," sagot ni Abby. May inabot itong mga folders sa kanila. "Nandiyan naman ang copies ng autopsy reports sa mga bangkay na nakita sa massacre sa Antique four years ago."

Binasa ni Niel ang mga pangalang nakasulat sa listahan: Peter Domingo (40), Eli Montero (39), Jerome Ambrosio (22), Mark Valdez (23), Jayrobert Panganiban (25), Knick Valenzuela (18), April Eugenio (22), Denice Banting (25), Ruisa Dejucos (24), Antonio Cruz (23), Patricio Cuares (20), Daren Majires (21).

"Hindi sila namatay sa pagkasunog," sabi ni Abby. "Eleven of the victims had gunshot wounds in their heads. Si Eli Montero lang ang kinakitaan ng basag na bungo, dahil sa pagpukpok sa ulo niya. He died because of the fire."

"Fire." Hinaplos-haplos ni Niel ang baba. "Ginamit lang ang sunog na 'yon para mapagtakpan ang pagpatay sa mga taong ito." Pinakatitigan niya ang hawak na folder. "Ten of these victims were just in their twenties when they died. Bata pa ang mga kinukuhang workers ni Peter Domingo? Mga wala nang pamilya."

"Ipinahanap ko na kay Richard ang address ng sampung 'yan," sabi ni Abby. "Lahat sila ay stay-in sa factory. Kasama si Xebastian Lozano."

"Look into this factory more, Richard," ani Niel.

"Okay." Inabot sa kanya ni Richard ang isang papel. "Address na hinihingi mo."

Tiningnan ni Niel ang address ng pamilya ni Peter Domingo, maging ang dating girlfriend ni Eli Montero. "Good. Summon them here in the headquarters, Abby. Iinterogahin ko sila."

Tumango naman si Abby. Binasa ni Niel ang police report ng pagpatay kay Mariano Gomez. There were no physical evidences na nakuha sa crime scene. Malinis ang pagkakagawa ng killer. Kailangan niyang puntahan ang unit ni Guzman para makausap din ang mga nakatira malapit doon.

MAINGAT na naglakad si Niel sa loob ng condominium unit ni Mariano Guzman habang pinagmamasdan ang paligid. It was still closed to the public. Walang sign ng break-in sa pinto. Ibig sabihin ay pinapasok ni Mariano ang killer. Posibleng kilala nito iyon.

Inilipat ni Niel ang tingin sa carpet kung saan natagpuan ang bangkay noon ni Mariano Gomez. May nakita siyang mga scratches sa sahig. Humakbang pa siya ng kaunti, palapit sa couch.

Lumuhod si Niel at hinaplos ang parte ng sahig na parang may nabasa. Inamoy niya ang kamay na may gloves. Beer? Muli siyang tumayo. So dito ininom ni Mariano ang inumin na may gamot pamparalisa. Pagkatapos ay gumapang ito palayo. Gumapang palayo sa killer.

Base sa reports, walang beer o kung anumang inumin ang nakita sa lugar na ito malapit kay Gomez. Kaya posibleng kinuha iyon ng killer. Ang killer din ang nagpunas ng nabuhos na beer sa sahig na ito. Bakit? The killer's fingerprints, right. Posibleng iyon ang dahilan.

Pagkatapos maparalisa ay binaril ng killer si Mariano. According sa forensics, nakatayo ang killer nang barilin ang biktima. At base sa pagpasok ng bala sa katawan ni Gomez, masasabi nilang left-handed ang bumaril dito.

Lumabas na si Niel ng unit para pag-aralan naman ang interior ng hallway. May dalawang CCTV cameras sa magkabilang dulo ng hallway. Maliban sa elevator ay fire exit stairs lang ang puwedeng daanan ng killer. Pero dahil nagawa nitong i-hack ang security system ng lugar na ito kaya walang naging problema.

Lumapit si Niel sa kalapit na unit, kumatok doon. Ilang sandali siyang naghintay pero walang nagbubukas. Inulit niya ang pagkatok.

"Walang tao diyan," narinig niyang boses ng isang babae mula sa katapat na unit. "Tuwing Sabado ko lang nakikita na may ilaw ang unit na 'yan noon."

Humarap si Niel sa matandang babae, magalang na bumati. "Isa po akong investigator na nag-iimbestiga sa krimeng nangyari dito. Kilala niyo po ba ang nakatira sa bahay na ito? Nakita niyo na ba siya?"

Umiling ang babae. "Hindi ko pa siya nakakausap. Minsan lang ay nakikita ko siyang lumalabas sa unit na 'yan tuwing Sabado."

"Lalaki ba siya?"

"Hindi ko alam. Itim na itim lagi ang suot niya," sagot ng babae. "Jogging pants na itim, jacket na itim. Nakataas lagi ang hood niya, tapos may face mask pa na itim. Palagi siyang nakayuko kaya hindi ko talaga makikita ang mukha noon." Umiling-iling ito. "Weirdo."

That was suspicious. At nakatira pa ang taong iyon sa tabi ng unit ni Mariano Gomez?

"Si Mariano Gomez, kilala niyo ba siya?" sunod na tanong ni Niel. "May mga nakikita ba kayong kakaiba sa kinikilos niya bago siya namatay?"

"Wala. Hindi ko naman din gaanong nakakausap ang lalaking 'yan. Pero alam kong iba-iba ang babaeng dinadala niya sa unit na 'yan." Nagkibit-balikat ang babae. "Wala naman 'ata siyang pamilya."

Nagpasalamat si Niel sa babae at nagdesisyong umalis na. Malalaman din niya kung sino ang nakatira sa katabing unit ni Gomez kapag nakuha na ni Abby ang listahan ng mga residente sa lugar na ito.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now