Chapter 24

442 33 2
                                    

Samantha Escanillas

"THE defense may now call their witness," wika ng punong hurado bilang pagsisimula ng ikalawang trial ni Xebastian Lozano.

Tumayo si Samantha, nakasunod lang naman sa kanya patungo sa stand si Rodrigo Virtusio. Pinanumpa muna ang lalaki bago ito naupo.

"State your name for the record."

"Ako po si Rodrigo Virtusio," sabi ni Rodrigo, halatang medyo kinakabahan din ito sa harap ng mga taong nasa loob ng korte.

"The defense may start to examine," pahintulot ng punong hurado.

Lumapit si Samantha sa stand. "Mr. Virtusio, gaano katagal mo nang kilala ang defendant na si Xebastian Lozano bago nangyari ang massacre?"

Tumingin si Rodrigo sa kinauupuan ni Xebastian. "Mahigit apat na taon siguro."

"Paano mo siya nakilala?"

"Madalas na kasama siya ng pangalawang anak ko kapag gumagawa sila ng proyekto sa school. Nagde-deliver din siya noon ng mga sapatos sa tindahan ko."

"Ano ang pagkakakilala mo sa kanya, Mr. Virtusio?"

"Mabait na bata si Xebastian, mahilig magkuwento."

"Mahilig magkuwento," ulit ni Samantha. "May mga naikuwento ba siyang problema sa trabaho? Sa school? Sa mga kaibigan?"

"Wala," umiling pa si Rodrigo. "Nakikita ko na masaya siya kapag kasama ang mga kaibigan."

"Four years ago, noong araw na nangyari ang massacre, nag-deliver ba sa'yo ng sapatos si Xebastian Lozano?"

Tumango ang lalaki. "Oo, ako mismo ang kumuha ng delivery niya noong hapon na 'yon."

"Ano'ng oras iyon?"

"5:45 P.M."

"Objection, your Honor." Tumayo si Drew Adaltan. "There is no predicate to support that statement."

"We have physical evidence, your Honor," sagot ni Samantha.

Bumuntong-hininga ang hurado. "Overruled. Please continue."

Pabagsak na bumalik sa pagkakaupo si Drew bago nakipag-usap sa kasamang prosecutor.

"Pagkatapos i-deliver ng mga sapatos, umalis na ba kaagad si Xebastian Lozano?" muling pagtatanong ni Samantha.

"Hindi pa, nagkuwentuhan pa kami ng mga kalahating oras."

"Kalahating oras. Ibig sabihin, umalis si Lozano sa tindahan mo ng, let's say 6:15 P.M. Gaano katagal ang biyahe mula sa tindahan mo papunta sa Hidden Box Factory?"

"Kung sasakay ng tricycle, mahigit isa't kalahating oras," sagot ni Rodrigo. "Kapag lakad, siguro ay tatlong oras."

Tumango si Samantha. "Kung sumakay ng tricycle si Xebastian Lozano noon, makakarating siya sa factory ng 7:45 P.M. Kung naglakad siya, makakarating siya ng around 9 P.M. Tama ba?"

"Oo."

"Sa pagkakakilala mo kay Xebastian Lozano, paano siya umuuwi palagi noon galing sa pag-deliver sa tindahan mo?"

"Naglalakad siya."

Lumakad si Samantha palapit sa punong hurado, inabot dito ang logbook na ebidensya nila. "Iyan ang logbook na itinatago ng witness na si Rodrigo Virtusio. Nandiyan ang oras kung kailan nag-deliver ang defendant noong araw ng massacre." Inabot niya ang isa pang papel. "This is the defendant's signature. Walang pinagkaiba sa pirma na nasa logbook. At ito naman," Sunod niyang ibinigay ang folder. "Ang autopsy reports ng mga bangkay. Their time of deaths are around 7:30 P.M. to 9 P.M.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now