Chapter 32

870 43 7
                                    

Niel Pascua

"SI Dr. Paborito?" wika ng isa sa mga nurses sa ospital na pinagtrabahuhan ni Charles Paborito. Nagpunta doon ngayon si Niel para maghanap pa ng impormasyon tungkol sa doktor. "Wala naman siyang kagalit sa ospital na ito."

"Nothing's wrong with him?" tanong pa niya. "May mga kahina-hinala ba siyang ginawa o sinabi?"

Napaisip ang nurse. "Maliban sa madalas siyang mag-overtime dito, wala na. Minsan nga ay dito na tumitira si Dr. Paborito." Umiling-iling pa ito.

Tumango-tango si Niel. "Sige, salamat." Tatalikod na sana siya nang muling magsalita ang nurse.

"May naalala pala ako," anito. Ibinalik ni Niel ang tingin dito. "Nagkaroon nga pala ng issue si Dr. Paborito noon dito pero matagal na."

"Ano 'yon?"

"Noong naglabas ng equipments mula sa operation room nang walang paalam," sabi ng nurse.

Kumunot ang noo ni Niel. "Naglabas ng equipments? Para saan?"

Nagkibit-balikat ang nurse. "Sinabi lang ni Dr. Paborito na ibinenta niya ang mga 'yon. Pinalusot na lang dahil isa siya sa mga shareholders ng ospital na 'to."

Nagpasalamat si Niel sa nurse bago lumabas ng ospital. Habang nasa sasakyan ay iniisip niya kung bakit maglalabas ng surgery equipments si Charles Paborito. Nakakapagduda na pera ang dahilan nito. The man was filthy rich.

Dumeretso si Niel sa Bilibid kung saan naka-schedule siyang kausapin si Xebastian Lozano. Pagkarating niya doon ay nakita na agad sa gate si Samantha, hinihintay siya. Hindi niya puwedeng kausapin si Lozano nang wala ang presensiya ng lawyer nito.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong niya habang naglalakad papunta sa kuwarto na kinaroroonan ni Xebastian.

"Hindi naman, may pinuntahan ka pa ba?"

"Oo, may kinausap lang ako." Pagkapasok nila sa loob ng kuwarto ay naroroon na si Xebastian. Ang bantay nito ay nasa isang gilid lang nakatayo.

Mabilis na lumapit si Samantha kay Xebastian para kumustahin ito. Hindi napalampas ni Niel ang paghagod ng tingin ni Xebastian sa katawan ni Samantha. Nakasuot kasi ang dalaga ng blouse na humahapit sa magandang katawan nito, at denim jeans. And it was impossible for any man not to stare at her.

Nilipat ni Niel ang tingin kay Samantha, mukhang napansin din nito ang ginawang paghagod ng tingin ni Xebastian kaya namumula ang mukha. Kinontrol niya ang sarili. He could feel a tension between those two. Gustong malaman ni Niel kung ano ang ginagawa ni Xebastian Lozano tuwing sila lang ni Samantha ang magkausap. Inaakit ba nito ang dalaga?

Hindi niya mapapatawad si Xebastian kung ginagamit nito ang kahinaan ng isang babae para mapaniwala ito. Naupo si Niel sa katapat nitong silya, pilit binabasa si Xebastian Lozano. But all he could see was coldness in the man's eyes now while looking at him.

"Maliban sa pagawaan ng sapatos, alam mo ba kung may iba pang negosyo si Peter Domingo sa factory niyo noon?" panimulang tanong ni Niel.

"Ano'ng negosyo?" tanong ni Xebastian, nakakunot-noo.

"Drugs. Illegal drugs."

Mahinang tumawa si Xebastian. "Sa tingin mo ay drug lord siya?"

"Hindi ako sigurado. Pero posibleng may alam ka. Ilang taon kang nag-trabaho doon." Umismid si Niel. "Ginagamit niya lang ba ang pagawaan ng sapatos na iyon para pagtakpan ang ilegal niyang negosyo? Mas malaki ang perang makukuha doon."

Sandaling nakatitig lamang sa kanya si Xebastian. "Hindi ko alam," sagot nito. "Wala akong napansin na kakaiba sa negosyo ni Sir Peter noon."

Ikinuyom ni Niel ang mga kamay. Siguradong nagsisinungaling ang lalaking ito. "Bakit mo siya pinagtatakpan, Lozano? Kung hindi ikaw ang pumatay sa kanila, hindi ba dapat makipag-cooperate ka sa amin at sabihin kung ano pa ang mga nalalaman mo sa negosyo niya?"

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon