Chapter 38

486 33 2
                                    

Niel Pascua

NILAGOK ni Niel ang natitirang laman ng beer can na hawak bago iyon basta inilapag sa sahig ng kanyang bahay. Napatigil siya sa tangkang pagtayo nang makita ang mga balita sa TV.

Breaking News: NBI revealed Senator Elmer Juntilla and late VP Dino Flore's corruption.

Late VP Dino Flores was a drug lord.

Senator Elmer Juntilla prosecuted with corruption.

Ipinalabas sa TV ang interview sa isa sa mga Head Prosecutors. "Lahat ng mga ebidensyang ito ay nanggaling sa isang anonymous source. Pero napatunayan namin na legit lahat ng files. Sa ngayon, pansamantalang makukulong si Senator Juntilla sa Bilibid habang pinoproseso ang trial niya sa Supreme Court. Makakasiguro ang taumbayan na pagbabayaran ng mga corrupt na taong ito ang ginawa nilang mga kasalanan sa bansa."

Ipinakita rin sa balita ang rally ng mga taong naghahanap ng hustisya sa mga napinsala ng nakaraang giyera sa Mindanao. Kill those corrupt politicians! Save the Philippines! Mga buwaya! Iyon ang makikita sa mga dalang placards ng mga tao.

Inabot ni Niel ang kanyang cell phone. Kahit sa social medias ay nagkakagulo ang mga tao, naghahanap ng katarungan para sa bansa. Marami ang nagsasabi na katulad ng ibang na-convict na politicians noon, makakalaya din agad ang mga ito dahil sa pera at kapangyarihan.

Basta na lang inilapag ni Niel ang cell phone sa couch. Hindi niya na gustong makialam doon. It was not their job anymore. Ang naiwan na lang sa kanila ay hanapin si Yael Donato o Henry Salazar. Pero paano nila magagawa iyon? Wala nang ibang leads.

The manhunt had been going on for weeks now. Pero wala pa ring makapagturo kung nasaan si Yael Donato. Hindi alam ni Niel kung paano ito nakakapagtago.

"Daddy."

Napalingon si Niel sa tabi, nakitang nakatayo na doon ang anak na si Adam. Nilapitan niya ito at kinarga. "Why, Adam? Nightmare?" tanong niya.

Tumango si Adam. "Sleep... daddy."

Ngumiti si Niel, tumango. "Okay. Let's go to sleep." Lumakad siya patungo sa kuwarto ni Adam at nakita ang sticky note na nakadikit sa pinto niyon – galing sa nanny nito.

Malapit na po ang pasukan, Sir. Kailangan nang i-enroll sa pre-school si Adam.

Napakamot sa batok si Niel. Oo nga pala. Nakalimutan niya na iyon. Inilapag ni Niel sa kama si Adam, tinabihan ito. Ilang sandaling pinakatitigan niya ang anak. Ngayon niya lang nagawa iyon. He was never a good father to Adam. Madalas ay nasa trabaho siya, hinahayaan na lamang ito sa nanny.

Gusto ni Niel na magkaroon ng tinatawag na mommy ang anak. Pero hindi pa siya handa noon. Now, all he could think was Samantha Escanillas. Hindi niya alam kung bakit hindi maalis sa isipan ang babaeng iyon kahit na ano'ng gawin.

But she never looked at him. Samantha never opened up to him. Mas pinili nitong magustuhan ang isang lalaking nasa kulungan, ang isang lalaking hindi nito kilala. Ano ba ang mayroon ang Xebastian Lozano na iyon na wala sa kanya? Ano ang nakita ni Samantha dito?

Hindi maintindihan ni Niel. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya maintindihan.

NAKATAYO lamang si Niel sa entrance ng korte kung saan gaganapin ang huling trial ni Xebastian Lozano. Nakita niyang pumasok sa loob si Xebastian na hawak ng dalawang pulis sa magkabilang braso. Humakbang siya palapit sa lalaki, ipinakita sa mga pulis ang SCIU badge niya. "Sandali lang," aniya.

Tumigil si Xebastian, nakatingin sa kanya na puno ng kalamigan ang itim na mga mata. "Magandang araw, Investigator," bati ng lalaki.

"Yeah, this must be a good day for you," sarkastikong sabi ni Niel. "You saw the news?"

Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Xebastian. "Nagbabayad na si Juntilla sa mga kasalanan niya. Salamat, Investigator. Malaking tulong sa bayan ang ginawa mo."

"Iyon ang plano mo, hindi ba? Ang makulong si Juntilla? Makalaya ka?"

"Plano?" Kumunot ang noo ni Xebastian. "Wala akong plano, Investigator."

Umismid si Niel. "Take off your mask, Lozano. Gusto kong makita ang totoong ikaw."

Xebastian's eyes turned colder. Pero wala itong sinabing kahit na ano.

Higit na lumapit si Niel sa lalaki, bumulong. "Binabalaan kita, Lozano. Kung anuman ang mangyari ngayon sa trial, huwag na huwag mong sasaktan si Samantha. Ako mismo ang hahanap at magpaparusa sa 'yo."

"Pascua," banggit ni Xebastian, pabulong. "Nakakamatay ang sobrang pagtitiwala sa mga tao. Naranasan ko na 'yan."

Hindi na nakapagsalita si Niel nang lumakad palayo ang lalaki. Pinagmasdan niya lang ang likuran nito hanggang sa mawala sa paningin.

"Niel."

Lumingon si Niel sa likod at nakita si Abby. Nakatingin lamang ito sa kanya, may pagkaawa sa mga mata.

"Hindi ka pumasok sa HQ kaya naisip ko na nandito ka," wika ng dalaga. "Are you okay?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam." Humugot siya ng malalim na hininga. "Let's go. Magsisimula na ang trial mayamaya. Gusto kong malaman ang hatol sa Lozano na 'yon."

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon