Chapter Eight

586 42 2
                                    

Samantha Escanillas

NAUPO si Samantha sa upuan na katapat ni Xebastian Lozano sa loob ng isang kuwarto sa Bilibid kung saan sila puwedeng mag-usap tungkol sa parating na trial. Sinulyapan niya ang isang pulis na nasa gilid ng kuwarto – nagsisilbing bantay doon. May isa ring CCTV camera na nakatapat sa kanila. Kailangan iyon para masigurado ang safety niya, maging ng convict.

"Nagtitiwala ako sa'yo, Xebastian," pagsisimula ni Samantha. "Pinag-aralan ko na ang investigation report ng nangyaring massacre noon sa Antique." Itinulak niya patungo sa harapan ni Xebastian ang mga folders na naglalaman ng summary ng mga investigation reports.

Binuklat nito ang folder. "Hindi ito ang totoo," seryosong sabi ni Xebastian. Maitim pa rin ang ibabang parte ng mukha nito dahil sa mga stubbles. He must be not fond of shaving. But the man still looked handsome, and scary.

"That's why I'm here to listen to you, to record everything," aniya, pinindot ang recorder na nasa mesa. "Ano ang totoong nangyari noon? Ang mga nakita mo?"

"Twelve years old ako nang maulila," pagsisimula ni Xebastian, walang kaemo-emosyon sa mukha. "May isang lalaki na nag-offer sa akin na tutulungan niya akong mag-aral, makapagtrabaho. Dinala niya ako sa isang lugar at doon na ako nagsimulang tumira. Doon ko nakilala si Sir Peter Domingo. Siya ang may-ari ng lugar na iyon, ng Hidden Box Factory sa Antique."

"Pinag-aral ka niya? Binigyan ng tirahan? That means you are close to him? Bakit niya ginawa iyon?" tanong ni Samantha.

"Hindi lang sa akin. May iba pang mga halos ka-edad ko ang nandoon na tinulungan niya ring magkaroon ng panibagong buhay."

"Why?" Hindi maintindihan ni Samantha kung bakit iyon gagawin ni Peter Domingo.

"Hindi ko rin alam," sagot ni Xebastian. "Mabait siya sa amin. Si Peter. Napag-aral niya kami ng high school, ng college. Ang tanging kapalit lang noon ay magtrabaho kami sa factory niya. Nakakasuweldo rin naman kami, sapat iyon."

"Ano'ng klase ng trabaho ang mayroon kayo sa factory na iyon?"

"Tinuruan niya kaming gumawa ng mga sapatos," anito. "It was a shoe factory. Kilala iyon sa Antique."

Tumango-tango si Samantha. "Malapit ka ba kay Peter Domingo?"

"Hindi," umiiling na sagot ni Xebastian. "Nakakausap ko lang siya paminsan-minsan. Boss namin siya."

"How was your life there? In that factory? In that place?"

"Maayos lang." Ngumiti si Xebastian. "Marami akong kaibigan. Magkakapatid na ang turingan namin."

Ginantihan ni Samantha ang ngiti ng lalaki. "That's good. Pero ano'ng sunod na nangyari?"

Sumeryoso na ang mukha ni Xebastian. Ilang sandaling nakatitig lamang ito sa folder na nasa mesa. "May mga kaibigan si Peter. O kasosyo sa negosyo. Hindi ko alam. Pero madalas ay nakikita kong may bisita siya. Nag-iinuman sila sa opisina ni Peter doon, nag-uusap." Ini-angat ng lalaki ang tingin sa kanya. "Tuwing Sabado."

"Sabado," ulit ni Samantha. "Kilala mo ba ang mga taong 'yon?"

"Hindi. Nakikita ko lang na lumalabas sila ng mga sasakyan nilang nakaparada sa labas ng factory. Lahat sila ay lalaki."

"Ilan silang lahat?"

"Anim. Anim na bisita. Pito, kasama si Sir Peter. Nag-uusap sila sa opisina ni Sir." Sandali itong huminto. "Minsan ay inuutusan kami ni Sir na magdala ng alak doon, o pagkain."

"Hindi mo talaga sila kilala?" pilit ni Samantha. "Kahit isa sa kanila?"

"Si Peter lang ang kilala ko," sagot ni Xebastian. "At ang pumatay sa kanya. Si Elmer Juntilla."

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon