Chapter 22

433 26 1
                                    

Samantha Escanillas

"MAAYOS naman ba ang lagay ngayon ni Abby?" nag-aalalang tanong ni Samantha kay Niel. Nasa loob sila ng nirentahang sasakyan nito sa Antique. Ngayong araw sila nagpunta doon pero hindi nakasama si Abby dahil sa ikinuwento ni Niel na nangyari dito.

"She's fine now," sagot ni Niel. "May alibi siya noong nangyari ang dalawa pang murders before De Leon. At nakita naman sa dugo niya ang pampatulog na itinurok ng killer. Pinagpahinga ko muna si Abby sandali pero baka next week ay makabalik na siya sa trabaho."

"I can't believe na nadagdagan na naman ang biktima ng imbestigasyon niyo." Bumuntong-hininga si Samantha, tumanaw sa bintana kung saan makikita ang mga puno sa daan.

"Kailangan ko lang makahanap ng lead," ani Niel.

Hindi na naman nagsalita pa si Samantha. The day after tomorrow, it will be Xebastian's second trial. Kaya kailangan na makatulong ang pagpunta niya sa lugar na ito.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking tindahan. Iyon ang tindahan na pag-aari ni Rodrigo Virtusio – ang isa sa mga suking tindahan noon ng Hidden Box Factory. Sinabi ni Xebastian na inutusan ito ni Peter Domingo noong araw na nangyari ang massacre na mag-deliver ng mga sapatos dito.

Magalang na bumati si Niel sa lalaking nakaupo sa harapan ng tindahan. Ito si Rodrigo Virtusio. Base sa nabasang impormasyon ni Samantha tungkol sa lalaki, fifty-two years old na ito.

Ipinakita ni Niel ang badge nito sa lalaki. "Isa po akong investigator sa SCIU. Pwede ba namin kayong makausap, Mr. Virtusio?"

"Investigator," anito, tumawa ng mahina. "Napakatagal na panahon na mula nang makakausap ako ng imbestigador na katulad mo. Maupo muna kayo."

Naupo sila sa isang kahoy na upuan. Sumulyap si Samantha sa loob ng tindahan at nakita doon ang isang lalaking marahil ay nasa late twenties na nito, nakasilip.

"Ano ang kailangan niyo sa akin?" tanong ni Rodrigo, pinaglipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Iniimbestigahan uli namin ang nangyaring massacre sa isang factory dito four years ago," sagot ni Niel.

Tumango-tango si Rodrigo. "Iyong sa Hidden Box? Hindi ba nahuli na ang gumawa niyon?" Sandali itong nag-isip. "Si Xebastian."

"Nag-appeal siya ng not guilty sa korte," singit ni Samantha. "On going po ngayon ang trial niya."

May pagkamangha na sa mukha ni Rodrigo. "Makakalaya na siya?"

"Hindi pa namin alam," sagot ni Niel. "Sinabi ni Xebastian Lozano noon na isa sa mga suking tindahan ng Hidden Box ang tindahan n'yong 'to. Siya raw ang nagdedeliver ng mga sapatos noon."

"Oo, siya nga. Kilalang-kilala ko ang batang 'yon." Ngumiti si Rodrigo. "Mabait na bata. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na nagawa niya ang ganoong krimen."

"Gaano katagal na siyang nagde-deliver ng mga sapatos dito?" tanong ni Niel.

Hinaplos-haplos ni Rodrigo ang balbas nito. "Hindi ko na maalala. Pero alam kong nagsimula siyang magdeliver noong tumigil na sa pagdeliver si Henry."

"Henry?" ulit ni Niel. "Henry Salazar?"

"Siya nga. Tinanong ko noon si Xebastian kung nasaan si Henry, ang sabi niya lang ay nagpunta na sa Maynila."

Sumulyap sa kanya si Niel bago nagpatuloy sa pagtatanong. "Sinabi ni Xebastian Lozano na nag-deliver siya noong hapon na nangyari ang pagkasunog ng factory nila. Totoo ba 'yon?"

"Oo, tandang-tanda ko 'yon," ani Rodrigo. "Nagkuwentuhan pa kami ni Xebastian. Naalala ko na napakarami niyang tanong tungkol sa Maynila. Akala ko nga ay plano niya nang lumipat ng trabaho."

The Silent Duology 1: The Silent AttackKde žijí příběhy. Začni objevovat