Chapter 57

437 22 2
                                    

"SAMANTHA," bati sa kanya ng katrabahong si Sherean nang dumaan si Princess sa law firm na pinagtatrabahuhan. "Mabuti naman at napadaan ka dito. Ilang araw nang pabalik-balik si Johnny dito, hinahanap ka."

"Johnny?" nagtatakang tanong niya. Sino ang Johnny na tinutukoy nito? Wala siyang matandaan.

"Ex-boyfriend mo raw siya," sabi ni Sherean. "Ilang beses niya na akong kinukulit na ibigay ang contact number mo."

Hindi na nakapagsalita si Princess nang makita ang paglapit ng isang lalaki sa kanila. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkabalisa. Hindi kilala ni Princess ang ex-boyfriend na ito ni Samantha. Pero naalala niyang nabanggit ito ng babae sa kanila noon.

"Samantha," wika ng lalaki. "Can we... talk?"

"A-ano'ng... ginagawa mo dito?" tanong ni Princess kay Johnny. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o gagawin kaya magpapadala na lamang sa magiging takbo ng usapan, gagawin ang lahat para hindi nito mahalatang hindi siya si Samantha.

"Maiwan ko na muna kayo," sabi ni Sherean bago lumakad palayo.

Humakbang palapit sa kanya si Johnny, napaatras si Princess. Tumigil naman ang lalaki.

"It's been five years, I think?" sabi nito. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?"

Iniiwas ni Princess ang tingin sa lalaki. Five years? Ganoon katagal na hindi man lang ito nagpakita kahit minsan? Bakit nandito ito ngayon para guluhin siya? "Bakit ka nandito? May... kailangan ka ba?"

"Wala naman, gusto lang kitang makausap. Busy ka ba? Gusto mo bang mag-dinner sa labas?"

"Marami pa akong kailangang gawin sa hawak kong kaso," sagot niya.

"I see. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo kung okay lang," alok pa ni Johnny. "May dala ka bang sasakyan?"

"Wala. Magko-commute na lang ako, huwag—"

"Please, Samantha," putol sa kanya ni Johnny. "Gusto ko lang namang makipagkaibigan uli."

Wala na namang nagawa Princess kundi ang pumayag. Sinabi niya na may kailangan lang siyang kunin sa kanyang opisina. Napahawak si Princess sa ulo. Hindi niya inaasahan na magpapakita pa ang lalaking ito. Ano na ang gagawin niya? Kailangang maitaboy niya si Johnny. Hindi puwedeng maging hadlang ito sa mga plano niya.

Ilang minuto lang ay sabay na silang lumabas ng lalaki. Patungo na sila sa kinapaparadahan ng sasakyan nito nang marinig ang pagtawag sa kanya. Nalingunan niya si Niel na papalapit sa kanya.

"Sam." Sumulyap si Niel sa kasama niya.

"Niel, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya. Mas nadagdagan pa ang pino-problema ni Princess. Damn it.

"Investigating. Dito nagtatrabaho si Yael Donato kaya baka may makuha akong lead sa mga gamit niya. May kasama ka 'ata?"

"Yeah, si... Johnny, ex-boyfriend ko." Bahagyang sumulyap si Princess kay Johnny. "Johnny, siya si Niel, kaibigan ko."

Nagkamay ang dalawang lalaki.

"Well, I will leave you two," sabi ni Niel, tumango-tango. "Tatawagan na lang kita, Sam, kapag may lead kaming nakuha."

"Thank you." Sinundan niya ng tingin si Niel hanggang sa makalayo ito.

"Kaibigan mo lang siya?" narinig pa niyang tanong ni Johnny mayamaya.

Humugot ng malalim na hininga si Princess. "Oo. At..." Tumingin siya sa binata. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang lahat sa'yo, Johnny. Sinabi mo nga, it's been five years. Kung anuman ang kailangan mo sa akin ngayon, sabihin mo na agad. Marami pa akong mga importanteng kailangang asikasuhin."

The Silent Duology 1: The Silent AttackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora