Chapter 27

434 27 0
                                    

Niel Pascua

PAGKABABA ni Niel sa kanyang sasakyan ay lumakad siya patungo sa gate ng bahay ni Samantha, napansin ang pamilyar na lalaking nakatayo doon. Lumingon sa kanya ang ex-boyfriend ni Samantha na si Johnny.

Sandaling pinasadahan ng tingin ni Johnny ang kabuuan niya. "Mukhang wala dito si Samantha," sabi nito. "Kanina pa ako ng doorbell ng doorbell."

Tumango si Niel. "Siguro nasa Bilibid siya."

"Bilibid? Ano'ng ginagawa niya doon?"

"Trabaho." Pinakatitigan niya ang lalaki. "Nagkabalikan na ba kayo ni Samantha?"

"Hindi."

"Kung ganoon bakit palapit-lapit ka sa kanya?"

Nag-igtingan ang mga panga ni Johnny. "Ano bang pakialam mo? Sino ka ba sa buhay ni Samantha? Nanliligaw sa kanya?"

"Kaibigan ako ni Samantha, hindi ko gustong masaktan siya ng kahit na sino. You're his ex-boyfriend at mukhang ayaw ka niyang pag-usapan."

Kumuyom ang mga kamao ni Johnny. "Alam kong nagkamali ako noon. I cheated on her. But I realized that I still love her after all these years. Gusto kong maipakita iyon."

"Hindi niya nabanggit 'yon," sabi ni Niel. "It must have been hard for Samantha. Pagkatapos babalik ka na parang balewala lang? Isipin mo rin ang pinagdaanan niya noon. She must have moved on."

Umismid si Johnny. "Sino ka para magdesisyon para sa kanya? Kaibigan ka lang, hindi ba? Mas matagal ang pinagsamahan namin ni Samantha." Sumugod sa kanya ang lalaki, kinuwelyuhan siya. "Sinasabi mo 'yan dahil gusto mong mapasa'yo siya, tama?"

"Stop it, Johnny," narinig nilang boses ni Samantha mula sa front door ng bahay nito.

Binitawan siya ni Johnny. "Sam, na-nandito ka pala. Kanina pa ako—"

"Hindi ko gusto ng bisita," malamig na sagot ni Samantha. Humakbang ito palapit sa gate pero hindi iyon binuksan. "Matagal na tayong tapos, Johnny. Kaya puwede ba, tigilan mo na ako. Matagal na kitang kinalimutan. Hindi na kita mahal. Walang mangyayari kung ipipilit mo ang sarili mo sa ayaw na sa 'yo."

Nakita ni Niel ang paglaglag ng balikat ni Johnny. Wala na itong sinabi at lumakad palayo. Tumingin siya kay Samantha, walang kaemo-emosyon ang mukha ng dalaga. Akmang lalapit si Niel sa gate nang tumalikod ito at pumasok sa loob ng bahay.

Bumuntong-hininga si Niel, tumalikod na rin para bumalik sa sariling sasakyan. Napatigil siya nang tumunog ang cell phone. Kinuha niya ang aparato sa bulsa, sinagot ang tawag mula kay Abby.

"We found something important, Niel," bungad sa kanya ni Abby.

"Ano 'yon?"

"Si Henry Salazar. Nalaman namin na tatlong taon siyang na-confine sa isang mental institution."

Nagulat si Niel. "Saang mental institution?"

Sinabi sa kanya ni Abby ang pangalan ng mental institution sa Mandaluyong. "Pupunta na rin ako doon. I'll see you there."

Mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan si Niel. Henry Salazar. Buhay ang lalaking 'yon. Ibig sabihin, posibleng buhay din ang ibang mga kasamahan nito na nawawala.

Pagkarating ni Niel sa mental institution sa Mandaluyong, naroroon na si Abby. Kausap nito ang isa sa mga staffs ng institution.

Inilapag ng staff sa mesa ang picture ni Henry Salazar. "Kilala ko siya. Tanda ko na dinala siya dito dahil sa mga sinasabi niya. Hallucinations, mostly. Madalas ay nagwawala rin siya."

Pinag-aralan ni Niel ang files na ibinigay sa kanila ng staff kanina. "Na-admit dito si Salazar isang taon bago nangyari ang massacre. No families. No visitors for three years." Tumingin siya sa staff. "Ibig sabihin, wala na siya dito?"

"Nakalabas na siya," sagot ng staff.

"Paano siya nakalabas?" tanong ni Abby. "Hindi ba bawal kayong magpalabas ng pasyente nang walang kumukuha sa kanyang guardian?"

"Sa pagkakaalala ko, kaibigan ni Henry Salazar ang tumulong sa kanya. Pina-check-up na rin namin siya sa psychiatrist bago i-release. He was fine."

"Kaibigan?" ulit ni Niel.

Tumango ang staff. "Wala nang kapamilya si Salazar. As long as may capability ang tao na alagaan siya, at kilala ng pasyente, hinahayaan na rin namin. Lalo at maayos na ang lagay ng pasyente."

"Sinong kaibigan? Tanda mo ba ang itsura?"

Umiling ang staff. "Hindi ko na maalala dahil ilang taon na rin ang nakalipas. At sa dami ng mga nagpupunta dito, mahirap nang tumanda ng mga itsura. Pero nandito ang discharge papers niya, nandiyan ang pirma ng tumulong para makalabas siya."

Inabot ni Niel ang discharge papers at tiningnan ang pangalang nakasulat doon. Princess Cordero. Umismid siya. He knew it. He knew those people were alive. At posibleng ang mga taong 'yon ang nagtutulungan sa krimeng iniimbestigahan nila.

Nagpasalamat si Niel sa staff. "Hanapin mo ang CCTV footage ng lugar na ito noong araw na ma-discharge si Henry Salazar. Kailangan nating masigurado na si Princess Cordero nga ang tumulong sa kanya o may iba pa. Babalik ako sa headquarters para magpa-issue ng manhunt sa dalawang ito."

Tumango si Abby at dumeretso na sila sa kanya-kanyang sasakyan. Tatlo na lang. Sina Gus Soriano, Hana Diaz at Irene Norbe. Kailangan nila ng ebidensya na buhay din ang tatlong iyon at nagtatago. Sinasabi na nga ba niya na posibleng may mga kasabwat si Xebastian Lozano. Posibleng pinlano ng mga ito ang lahat. Aalamin ni Niel ang totoo. Hindi niya hahayaang makalaya ang isang kriminal.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now