Chapter 59

468 31 1
                                    

Niel Pascua

SOBRANG higpit na ng pagkakakuyom ng mga kamao ni Niel na halos magdugo na ang mga kamay, nanginginig na rin ang kanyang katawan. Pero hindi maintindihan kung ano ang emosyon na bumabalot sa buong pagkatao dahil sa lahat ng ikinuwento ni Princess.

"Sinabi ng mga demonyong 'yon na pino-protektahan nila kami," pagpapatuloy ng dalaga, puno na ng luha ang mukha. "Na makakatulong sa amin ang mga gamot na ibinigay nila. Sinabi ni Peter na poprotektahan niya kami pero ang totoo ay ginamit lang niya kami. Those medicines made us who we are now. They experimented on us like we're not human. Sila ang dahilan kung bakit kami naging ganito. Gusto nilang makita kung ano ang magiging epekto ng eksperimentong iyon. Nagdesisyon ako na ipakita sa kanilang lahat. They created this monster inside of me.

"Ginawa nilang impyerno ang buhay naming lahat. Lahat kami na nagtrabaho sa factory na iyon ay mag-isa na lang sa buhay. Sinamantala nila ang pagiging ulila namin. Niloko nila kami... Kapag nasa impyerno na ang isang tao, Niel, tanging ang demonyo na lang ang makakatulong sa kanya doon. Kaya wala kaming ibang pagpipilian kundi ang gantihan ang kademonyohan nila. Wala nang ibang paraan kundi ang maging demonyo rin na katulad nila."

Pinunasan ni Princess ang mga luha sa mukha. Si Xebastian naman ay nakayuko lamang."We experienced too much pain that we're willing to do anything for happiness. Sobra-sobrang galit ang naramdaman ko, namin, sa ginawa nila. At ang galit na iyon ang dahilan kung bakit kami naging mas matatag." Mahinang tumawa si Princess, pero mahihimigan ang sakit doon.

Tumingin sa kanya si Princess, malungkot. "I lied to you, Niel. I lied to all of you. Kailangan kong gawin. Dahil kapag sinabi ko ang katotohanan, kapag nagsumbong lang ako sa mga awtoridad at ikinuwento ang lahat, iisipin ninyo na nababaliw na ako. Walang kuwenta ang hustisya sa bansang ito, sa mundong ito. Kaya kami na ang gumawa ng sarili naming hustisya. Para manalo, kailangang lumaban. Hindi namin basta makakalimutan ang sakit na pinagdaanan namin."

"Bakit sinasabi mo sa akin ang lahat ng ito ngayon?" tanong ni Niel, puno na rin ng kalungkutan ang kanyang puso.

"Dahil wala na akong pagpipilian." Mapait itong tumawa. "Hindi ko inaasahan na magkakaharap tayo ng ganito. Wala ito sa plano ko." Humugot ito ng malalim na hininga. "Puwede mo akong idiin, Niel. May mga ebidensya dito na makakapagdiin sa akin. Pero may gusto akong itanong sa'yo. Alam mo ba talaga ang totoong hustisya? Nakikita mo ba ang totoong demonyo sa mundong ito?"

Nag-igtingan ang mga panga ni Niel, iniiwas ang tingin dito.

Nagpatuloy si Princess. "You have arrested lots of people back then. Hinayaan mo silang makulong dahil lamang may mga ebidensya at witness laban sa kanila. Pero hindi mo alam kung ano ba ang totoo. Hindi mo inalam... Ngayon, nakatanim ang lahat ng ebidensya laban kay Yael Donato. Can't you just close your eyes again? Just like before?" Nagmamakaawa na ang boses ng babae.

"What is true justice, Niel? Who are the real monsters in this world? Kami ba o ang gumawa sa amin? Hindi dahil gumawa kami ng masama ay masamang tao na kami. Minsan kailangan iyong gawin para sa katarungan na ipinagkait sa amin... Xebastian is not innocent. I am not innocent. There is no innocent people in this world. Everyone is always guilty of something. Lahat ng tao ay mayroong kasamaan." Inilapag ni Princess ang hawak na baril sa mesa. "I can't kill you. I don't want to do that. Mamamatay-tao ako, oo. Pero... pero ginawa ko lang 'yon para magkaroon kami ng kasiyahan. Gu-gusto ko lang maging masaya."

Nakita ni Niel nang abutin ni Xebastian si Princess. Napahagulhol na ng iyak ang babae sa dibdib ni Xebastian.

Hindi alam ni Niel kung gaano katagal siyang nakatayo doon, nakatulala lamang sa dalawang taong kaharap. Mga taong ginawang halimaw ng mundong ito. Mga taong ang tanging gusto lang naman ay maging masaya.

Nang tumigil na sa pag-iyak si Princess ay lumapit ito sa isang vault doon. Binuksan iyon ng dalaga. "Nasa loob nito ang lahat ng ebidensyang makakapagdiin sa amin, Niel. Tatanggapin ko kung ano ang desisyon mo."

Ilang sandaling nakatitig si Niel sa vault bago iyon nilapitan. There was a gun inside. Iyon marahil ang baril ni Peter Domingo. Naroroon din ang isang plate number ng sasakyan.

Inilabas ni Niel ang mga folders na nasa loob ng vault. Tiningnan ang mga iyon. Mga files iyon tungkol sa drug experiment na nangyari sa Hidden Box Factory. Naroroon ang mga klase ng drugs na nasa gamot na ibinigay kina Princess Cordero. Those drugs could give psychological defect in a person.

Galit na galit na binuklat ni Niel ang mga papel. Parang pinagsasaksak ang puso niya habang binabasa ang mga reports nina Charles Paborito at Peter Domingo tungkol sa nangyayari sa bawat 'subjects' nito. Makikita rin doon ang ilang pictures ng mga taong nakahiga sa hospital bed, mga taong nakakulong at parang baliw na. Mayroon ding picture ng isang babae na nakabukas ang utak, mukhang under surgery ito. Pinag-eeksperimentuhan ng hayup na doktor na si Paborito.

Malakas na napasigaw si Niel sa galit. Just seeing those photos tore a hole in his heart. How could those people do these things?!

"Go," mariing sabi ni Niel, pinipigilan ang mapaiyak kahit sobrang sikip na ng dibdib. Tiningnan niya sina Xebastian at Princess. "Umalis na kayo. Kung gusto niyong maging masaya, umalis na kayo. Hindi ko na kayo hahabulin kaya umalis na kayo. Magtago kayo sa malayong lugar... magbagong-buhay."

Malakas na napaiyak si Princess sa harapan niya. Ngayon lang nakita ni Niel ang ganoong kasiyahan sa mga mata ng babae. Lumapit ito sa kanya, may kinuha sa bulsa ng pantalon at inilagay sa kanyang kamay.

"Thank you," sabi ng babae. "And I'm sorry."

Lumapit din sa kanya si Xebastian at nagpasalamat. Hindi na ito sinagot ni Niel hanggang sa makalabas ang mga ito sa kuwarto. Ibinaba niya ang tingin sa inabot ni Princess kanina. Isa iyong susi. This must be the key to this house.

Sandaling iginala ni Niel ang paningin sa buong kuwarto. He would dispose everything inside this place. Magbubulag-bulagan uli siya sa huling pagkakataon. Those people suffered so much. Hindi niya iyon maiintindihan kahit kailan. Hahayaan niya na ang mga itong maging masaya.

Lumakad siya palabas ng bahay at pinagmasdan sina Princess, Xebastian at Henry na sumakay sa loob ng isang sasakyan. Tumingin pa sa kanya si Princess bago isinara ang backseat door. He saw her muttered a 'thank you'.

Samantha, no, Princess was precious to him. Sa loob ng maikling panahon na nakasama niya ang babae ay malaki na ang naging parte nito sa puso niya. Hindi gustong hadlangan ni Niel ang kasiyahan nito. He had experienced happiness and freedom a lot of times. Samantalang ngayon lang mararamdaman ng mga taong iyon ang tunay na kasiyahan at kalayaan. So he would just let them.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now