Chapter Five

578 37 1
                                    

Niel Pascua

SANDALING pinakatitigan ni Niel ang convict na si Xebastian Lozano na seryosong nakatingin kay Samantha. Bilang isang investigator, hindi kaagad siya naniniwala sa lahat ng sinasabi ng mga taong nakakausap nila lalo at isa sa mga suspect iyon.

"Sino ka?" tanong ni Xebastian kay Samantha na kaharap nito.

Tumikhim muna si Samantha bago inilabas ang isang business card sa bag na dala. "I'm Attorney Samantha Escanillas. Kakilala ako ni Yael Donato. Ako ang magiging defense lawyer mo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Xebastian. "Bakit ikaw?"

Inilabas ni Samantha ang ilang papel, ipinatong sa mesa. "Ito ang mga letters na ipinadala mo kay Yael noon, asking for his help. Ipinadala sa akin ito ni Yael kasama ng isang sulat. Gusto niyang ipasa sa akin ang kaso mo."

"Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya," sabi ni Xebastian. "Kaya akala ko ay hindi nakakarating sa kanya ang mga sulat na 'yon." Pinakatitigan ng lalaki si Samantha. "Magaling ka ba?"

Ngumiti si Samantha. "I'm doing my best in all my cases."

Tumango-tango naman si Xebastian. "Wala na rin akong magagawa kundi tanggapin ang tulong mo. Gusto ko nang makalaya dito."

Inilipat ni Niel ang tingin kay Samantha. Hindi nagbabago ang emosyong nasa mukha nito. The woman remained controlled, calm and reserved. Ganoon siguro talaga ang mga lawyers. They were used on hiding their own feelings. Lalo na pagdating sa trabaho.

"Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Just be honest with me, Mr. Lozano," mahinahong sabi ni Samantha.

Tumingin sa kanila si Xebastian. "Kasama mo ba sila?"

Bumaling sa kanya si Samantha, hinayaan siyang magpakilala sa lalaki. Lumapit si Niel sa table ng mga ito, ipinakita ang SCIU badge kay Xebastian. "Ako si Investigator Niel Pascua," pagpapakilala niya. "Ang kasama ko ay si PO2 Abby Custodio. Kami ang may hawak sa investigation ng kaso mo. But to make this clearer, we're not with you or against you."

"Hindi ko alam na iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon ang kaso ko," malamig na sabi ni Xebastian. "Hindi kayo ang mga pulis na humuli sa akin noon."

"Ibang team kami," aniya. "Ngayon lang namin nahawakan ang case na ito." Tiningnan ni Niel si Abby, bahagyang tumango bilang pahintulot na magsimula na ito.

Lumapit si Abby sa mesa, inilapag doon ang isang picture – picture ni Mariano Gomez, isang engineer. "Kilala mo ba ang lalaking 'to, Mr. Lozano?"

Sinulyapan lang ni Xebastian ang picture. "Hindi ko siya kilala."

"Sigurado ka?" tanong ni Niel, seryoso. "Hindi mo siya nakikita noon sa factory na pinagtatrabahuhan mo? Kasama ang boss mong si Peter Domingo?"

"Hindi," maikling tugon ni Xebastian, ni hindi nag-isip.

"Alalahanin mong mabuti," mariing sabi ni Niel.

Tumingin sa kanya ang lalaki, may pagkainis na sa mukha. "Hindi ka ba marunong umintindi ng 'hindi'? Wala akong alam sa mga personal na kakilala ng boss ko noon. Wala."

"Niel," singit ni Samantha. "What is this all about? Sinabi na ng kliyente ko na hindi niya kilala."

Bumuntong-hininga si Niel, tiningnan ang babae. Umaakto na itong defense lawyer ni Lozano. "That man was found dead in his own condominium unit, Mr. Lozano, one week ago."

"Ano'ng kinalaman ko diyan?" tanong ni Xebastian, walang kaemo-emosyon.

Binuksan ni Niel ang black bag na dala at inilabas doon ang sampling bag na may lamang papel. "Nakita namin ito sa kamay ng biktima. Isang piraso ng papel."

The Silent Duology 1: The Silent Attackजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें