Chapter 39

522 34 1
                                    

Samantha Escanillas

SINUNDAN ng tingin ni Samantha si Drew Adaltan nang bumalik ito sa kinauupuan pagkatapos ng closing argument nito. Nakipag-usap pa ito sa kasamang prosecutor.

"Defense," sabi ng punong hurado. "Closing argument, please."

Sinulyapan muna ni Samantha si Xebastian bago tumayo at lumakad patungo sa harapan ng jury. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsimula. "Mahigit apat na taong nakulong si Xebastian Lozano sa kasalanan na hindi niya ginawa. Dahil hindi siya nabigyan noon ng maayos at patas na trial. He was given a life sentence for killing twelve people in that massacre. Mga taong mahalaga sa kanya. Mga taong itinuring niyang pamilya. He was convicted because of one witness. Just one witness.

"Walang pisikal na ebidensya na nagpapakitang ginawa ni Lozano ang krimen na iyon," pagpapatuloy ni Samantha, isa-isang tiningnan ang mga jury. "Kahit ang prosecution ngayon ay walang naipakita sa korte. Ang witness na nagturo kay Xebastian Lozano four years ago ay hindi sigurado sa kanyang statement na ibinigay. Hindi siya sigurado kung sinusunog nga ba ni Lozano ang factory noon. Xebastian Lozano's life was ruined just because of one witness' statement. There is no solid evidence. Inisip lang ng mga pulis, ng mga imbestigador na siya ang gumawa ng krimen dahil siya lang ang nakita malapit sa crime scene."

Tiningnan ni Samantha si Xebastian na walang emosyon sa mukha, nagpatuloy. "Isang simpleng tao lamang si Xebastian Lozano, walang pera kaya nagtiis ng ilang taon sa kulungan kahit wala siyang ginawang masama. At dahil sa kakulangan niya sa koneksiyon, sa mga resources ay madali na lang na napagbintangan siyang isang halimaw, isang mamamatay-tao. Hahayaan na lang ba natin na patuloy na magdusa ang mga walang sala sa lipunang ito dahil lamang wala silang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili?" Ibinalik ni Samantha ang tingin sa jury. "I ask all of you to please let Xebastian Lozano become free. Thank you."

There was a short recess para makapag-decide ang jury ng verdict ng mga ito. Sandaling iginala ni Samantha ang paningin sa paligid ng korte. May kanya-kanyang usapan ang mga tao doon.

Tiningnan niya si Sherean na kasama rin doon. Ngumiti ang babae, nag-thumbs-up pa sa kanya. Sa pinakadulo ng korte naman ay nakaupo sina Niel at Abby.

Inilipat ni Samantha ang tingin sa katabing si Xebastian, nakayuko lamang ito at nakatingin sa nakaposas na mga kamay. Ngayon lang nakaramdam ng ganitong klase ng kaba si Samantha sa buong buhay.

"All rise."

Napapitlag pa si Samantha pagkarinig doon. Tumayo sila at hinintay na makaupo ang punong hurado na may dalang folder. Bumalik sila sa pagkakaupo, natahimik ang buong korte.

Tumikhim ang punong hurado bago nagsalita. "The jury reached a unanimous decision. Walang physical evidences ang kasong ito. Hindi sigurado ang witness sa kanyang statement laban sa defendant. According sa investigation reports, wala ring nakitang murder weapon noon sa crime scene." Sandaling huminto ang judge. "I hereby deliver a verdict. Defendant Xebastian Lozano, please rise."

Tumayo si Xebastian. Pinagsiklop ni Samantha ang mga kamay, namamawis na iyon.

"Murder Case Number 03-0515," pagpapatuloy ng judge. "Or The Hidden Box Factory Massacre Case. On the charge of multiple degree murder on the twelve victims of the massacre, the jury finds the defendant Xebastian Lozano..."

Pigil ni Samantha ang hininga. Siguradong ganoon din ang ibang mga taong nasa loob ng korte.

"Not guilty."

Natutop ni Samantha ang bibig, narinig ang pagsinghap ng ibang mga nanonood. Her heart jumped in her chest after hearing those two words.

Tumayo si Sherean, tuwang-tuwang lumapit sa kanya. "Congratulations, Sam!" bati nito.

Nangilid ang mga luha ni Samantha. Tumayo siya at nilapitan si Xebastian na nakatulala pa rin, parang hindi makapaniwala na malaya na ito.

"Y-you're free now," masayang sabi niya. Hinawakan ni Samantha ang nakaposas na mga kamay ng lalaki. "Malaya ka na."

Tumingin sa kanya si Xebastian. She could see his eyes softening. Hindi alam ni Samantha kung iiyak ba ito o ano. Lumapit na sa kanila ang ibang mga tao para bumati. Masayang tinanggap ni Samantha ang pakikipagkamay ng mga ito. Si Xebastian naman ay hindi pa rin makapagsalita.

Inilipat ni Samantha ang tingin kay Drew Adaltan nang lumapit ito sa kanila, nakipagkamay din. "Congrats, Attorney Escanillas." Ngumiti ito at tiningnan si Xebastian. "It's a fair trial now, Lozano."

Bahagya lang tumango si Xebastian sa lalaki. Masaya si Samantha dahil mukhang hindi na balak mag-appeal ng public prosecutors.

"Congratulations, Sam," narinig niyang boses ni Niel mula sa likod.

Lumingon siya sa lalaki, malawak na ngumiti. "Thank you, Niel."

Sinulyapan ni Niel si Xebastian. "Malaya ka na, Lozano. Ano 'ng plano mo ngayon?" tanong nito.

"Hindi ko alam," nagkibit-balikat si Xebastian. "Maghahanap siguro ng studio apartment para may matirhan ako."

"Mukhang kailangan mo munang maghanap ng trabaho." Umiling-iling si Niel. "Good luck sa panibagong buhay." Kumunot ang noo nito nang tumunog ang cell phone. Binunot ni Niel ang aparato sa bulsa, sinagot ang tumatawag dito. "Richard..." Nanlaki ang mga mata ng binata. "Send me the address now. Pupunta na kami."

"Ano 'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Samantha.

"Nakita na si Yael Donato," sagot ni Niel, tumingin kay Abby. "We should go there now."

Tumango si Abby at tumakbo na ang mga ito palabas ng korte. Bumuntong-hininga si Samantha bago bumaling kay Xebastian na hawak na ng security na bantay nito para ilabas din ng korte.

"Sandali," sabi ni Xebastian sa security. Humakbang ito palapit sa kanya, ngumiti. "Salamat, Attorney." Inilahad ng binata ang kamay nito kahit nakaposas pa rin.

Tinanggap iyon ni Samantha. "It's nothing. Katulad ng ipinangako ko noon, gagawin ko ang lahat para maibigay ang kalayaan mo." Ngumiti rin siya.

Ilang saglit na nagtitigan silang dalawa bago ito tumalikod, lumakad palayo. Humugot ng malalim na hininga si Samantha at sinimulang ayusin ang mga gamit. Tapos na ang trial. Wala na siyang kailangang gawin dito.

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon