Chapter 37

519 40 3
                                    

Samantha Escanillas

NAGULAT si Samantha nang biglang bumukas ang pinto sa kuwarto kung saan niya kasalukuyang kinakausap si Xebastian. Pumasok sa loob si Niel. "You're here," bati sa kanya ng lalaki. "Gusto ko lang makausap si Lozano. Puwede ka bang lumabas, Samantha?"

"No," mabilis na sagot ni Samantha. "Kliyente ko siya. Kausapin mo siya sa harapan ko, Niel."

Nag-igtingan ang mga panga ni Niel. Lumapit ito sa mesa, inilapag doon ang dalawang pictures. "Nasaan ang dalawang 'to, Lozano? Sina Henry Salazar at Princess Cordero. Alam mo kung nasaan sila. Sabihin mo!"

Umismid si Xebastian. "Nababaliw ka na ba, Investigator? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko alam kung nasaan sila? Nakakulong ako dito. Wala akong ibang nakikita kundi ang apat na pader ng kulungan araw-araw. Hindi ka ba marunong umintindi?"

Sunod na inilapag ni Niel ang sampling bag na may lamang isang locket. "Kilala mo ba ang locket na ito, Lozano?" tanong nito. "May nakaukit na letters sa loob ng locket na 'to. Letter X and P. For Xebastian and Princess. Tama ba? Isang mamamatay-tao si Princess Cordero. Dapat din siyang nakakulong dito."

Sumiklab ang matinding galit sa mga mata ni Xebastian. Mabilis itong tumayo, sinipa ang upuan at kinuwelyuhan si Niel. "Hayup ka!" sigaw nito. "Huwag mong tatawaging mamamatay-tao si Princess. Hayup ka! Wala kang alam!"

"Stop!" pagpapatigil ni Samantha sa mga ito. Lumapit siya kay Xebastian, niyakap ito sa baywang para ilayo kay Niel. "Stop this, please. Calm down."

"Iyon naman ang totoo, hindi ba? Isang kriminal ang girlfriend mo!" sabi pa ni Niel.

"Niel, stop it!" bulyaw ni Samantha kay Niel, tiningnan na ito ng masama. What was wrong with this man now?!

Pilit na nagpumiglas si Xebastian sa pagkakayakap niya. Lumapit na rin ang guard sa kanila para mapigilan ito.

"Walang hiya ka!" sigaw ni Xebastian. "Hindi kriminal si Princess! Tawagin mo na akong kriminal pero huwag na huwag mo siyang pagsasalitaan ng masama! Papatayin kita! Wala siyang ginagawang masama, hayup ka!"

Napangiwi si Samantha, medyo nasasaktan na rin sa pagpigil. Hinawakan niya ang mukha ni Xebastian para pilitin itong tumingin sa kanya. "S-stop... Calm down, X. Kailangan mong kumalma. Malapit na ang huling trial mo. Huwag kang magpa-apekto. Huwag mong sayangin ang lahat."

Tumigil na naman sa pagpupumiglas si Xebastian hanggang sa magpatangay na ito sa guard palabas ng kuwarto. Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Samantha bago hinarap si Niel. Lumapit siya sa binata.

"Samantha, I—" Hindi na natapos ni Niel ang sinasabi nang padapuan niya ng malakas na sampal sa pisngi.

"Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa'yo pero kapag naapektuhan ang trial dahil dito, hindi kita mapapatawad," banta ni Samantha.

Ngumisi si Niel. "X?" usal nito. "Sobrang close na ba kayo, Samantha, kaya ganoon na rin ang tawag mo sa kanya?"

"He's not a bad person, Niel," sabi niya. "Iyon lang ang itinatak mo sa isipan mo kaya ganoon na ang tingin mo kay Xebastian. Saka na uli tayo mag-usap kapag kalmado ka na."

Hindi na hinintay ni Samantha na makapagsalita si Niel at lumabas ng kuwarto. Pagkarating sa labas ng Bilibid ay napahawak siya sa isang poste, napangiwi sa sakit. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad.

KAHARAP ngayon ni Samantha sa isang cafe malapit sa SCIU Headquarters si Niel. Tumawag ito sa kanya kanina at sinabing gustong makipagkita. Hindi na naman siya tumanggi.

"Hindi na lang kami ang may hawak sa kaso," sabi ni Niel sa kanya. "Kahapon, napakaraming nangyari. Gusto kong... mahuli ang killer pero pakiramdam ko ay wala akong magawa."

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now