Chapter 26

469 26 0
                                    

Samantha Escanillas

ILANG minuto ang pinalipas ni Samantha, nakasandal lamang sa dingding ng hallway. Naroroon siya sa Bilibid para kausapin si Xebastian pero nagulat nang makita si Abby Custodio. Humugot ng malalim na hininga si Samantha bago pumasok sa loob ng kuwarto na nilabasan ng babae kanina.

Napatingin sa kanya si Xebastian na akmang patatayuin na ng guard na bantay nito. "Samantha," bati ng binata.

"Kakausapin ko lang siya sandali," sabi ni Samantha sa guard. Tumango naman ito at lumakad patungo sa sulok. Naupo siya sa tapat ni Xebastian. "Nakita ko si Abby Custodio na lumabas dito. Ano'ng pinag-usapan niyo?"

"Wala, nagtanong lang siya ng tungkol sa imbestigasyon nila."

"Sinabi ko sa'yo, Xebastian, na huwag kang makikipag-usap sa iba nang hindi mo ako kasama," paalala niya. "Ano ang mga itinanong niya?"

Ngumiti si Xebastian. "Tinanong niya lang kung bakit parang takot daw sa akin sina Bruce De Leon at Elmer Juntilla. Sinagot ko na hindi ko alam. Iyon lang, Samantha."

Bumuntong-hininga si Samantha. "Just be careful, Xebastian. Kayang baliktarin ng mga prosecutors ang lahat ng sasabihin mo."

"Huwag kang mag-alala. Hindi na ako magsasalita hangga't hindi ko katabi ang lawyer ko." Ngumisi ito. "Nagseselos ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Samantha. "Wha— What are—" Marahas niyang iniling ang ulo. "You're crazy, Lozano."

Mahinang tumawa si Xebastian. "Nagbibiro lang ako," pagbawi nito. "Imposible namang mangyari 'yon, hindi ba?"

Tinitigan ni Samantha si Xebastian pero hindi sinagot. "Aalis na ako," sabi niya. "Dumaan lang naman ako para kumustahin ka." Tumayo na si Samantha. "Babalik ako kapag naka-set na ang huling trial mo."

Hindi naman sumagot si Xebastian kaya lumabas na siya. Tanghali pa lang kaya nagdesisyon si Samantha na pumunta sa firm na kanyang pinagtatrabahuhan. Pilit niyang inalis sa isipan ang mga sinabi ni Xebastian.

"Samantha," bati sa kanya ng katrabahong si Sherean. "Mabuti naman at napadaan ka dito. Ilang araw nang pabalik-balik si Johnny dito, hinahanap ka."

"Johnny?"

"Ex-boyfriend mo raw siya," sabi ni Sherean. "Ilang beses niya na akong kinukulit na ibigay ang contact number mo."

Hindi na nakapagsalita si Samantha nang makita ang paglapit ng isang lalaki sa kanila.

"Samantha," wika nito. "Can we... talk?"

"A-ano'ng... ginagawa mo dito?" tanong ni Samantha kay Johnny.

"Maiwan ko na muna kayo," sabi ni Sherean bago lumakad palayo.

Humakbang palapit sa kanya si Johnny, napaatras si Samantha. Tumigil naman ang lalaki.

"It's been five years, I think?" sabi nito. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?"

Iniiwas ni Samantha ang tingin sa lalaki. "Bakit ka nandito? May... kailangan ka ba?"

"Wala naman, gusto lang kitang makausap. Busy ka ba? Gusto mo bang mag-dinner sa labas?"

"Marami pa akong kailangang gawin sa hawak kong kaso," sagot niya.

"I see. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo kung okay lang," alok pa ni Johnny. "May dala ka bang sasakyan?"

"Wala. Magko-commute na lang ako, huwag—"

"Please, Samantha," putol sa kanya ni Johnny. "Gusto ko lang namang makipagkaibigan uli."

Wala na namang nagawa si Samantha kundi ang pumayag. Sinabi niya na may kailangan lang siyang kunin sa kanyang opisina. Ilang minuto lang ay sabay na silang lumabas ng lalaki.

Patungo na sila sa kinapaparadahan ng sasakyan nito nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nalingunan niya si Niel na papalapit sa kanya.

"Sam." Sumulyap si Niel sa kasama niya.

"Niel, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Investigating. Dito nagtatrabaho si Yael Donato kaya baka may makuha akong lead sa mga gamit niya. May kasama ka 'ata?"

"Yeah, si... Johnny, ex-boyfriend ko." Bahagyang sumulyap si Samantha kay Johnny. "Johnny, siya si Niel, kaibigan ko."

Nagkamay ang dalawang lalaki.

"Well, I will leave you two," sabi ni Niel, tumango-tango. "Tatawagan na lang kita, Sam, kapag may lead kaming nakuha."

"Thank you." Sinundan niya ng tingin si Niel hanggang sa makalayo ito.

"Kaibigan mo lang siya?" narinig pa niyang tanong ni Johnny mayamaya.

Humugot ng malalim na hininga si Samantha. "Oo. At..." Tumingin siya sa binata. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang lahat sa'yo, Johnny. Sinabi mo nga, it's been five years. Kung anuman ang kailangan mo sa akin ngayon, sabihin mo na agad. Marami pa akong mga importanteng kailangang asikasuhin."

Sandali siyang pinakatitigan ni Johnny, may kalungkutan sa mga mata. "Ang laki na ng ipinagbago mo, Sam." Mapait itong ngumiti. "I can see you don't love me anymore."

Puno ng kalamigang tiningnan niya ang lalaki. "I don't. Kaya huwag ka nang umasa na magkakabalikan pa tayo pagkatapos ng limang taon."

Hindi na naman nagsalita si Johnny pero makikita ang kalungkutan sa mukha nito. Pinagbigyan pa rin naman ni Samantha na ihatid siya ng lalaki. Pero hanggang doon lang. Ni hindi niya na ito inanyayahang pumasok sa loob ng kanyang bahay.

NAKASUNOD lang ang tingin ni Samantha sa isang batang lalaking tumatakbo sa loob ng opisina nina Niel sa SCIU Headquarters. Siguro ay apat na taong gulang pa lamang ang bata.

Inabot sa kanya ni Niel ang isang cup ng kape. Sina Richard at Abby ay nakasubsob naman sa kanya-kanyang mga trabaho. "Mabuti naman at napadaan ka dito," ani Niel.

"Magtatanong lang sana ako kung kailan kayo uli pupunta sa Antique," sabi ni Samantha, ang tingin ay nasa batang lalaki pa rin. Lumapit sa kanya ang bata. His big eyes were looking at him. "Ka-kaninong anak 'to?" Hindi niya na napigilang tanong.

"Mine," sagot ni Niel.

Gulat na napatingin si Samantha sa lalaki, hindi nakapagsalita.

"Hindi ko naikuwento na may anak ako." Tumawa si Niel. "Sa isa sa mga ex-girlfriends ko. Sa akin na nakatira itong si Adam. Nag-day-off lang ang nanny niya ngayon kaya napilitan akong isama dito." Umiling-iling pa ang lalaki.

Ibinalik ni Samantha ang tingin sa bata. "He's cute." Kaya pala medyo pamilyar ang mga mata ng bata. Adam got Niel's eyes.

"Thank you." Nilapitan ni Niel si Adam, kinarga ito. "Sa Miyerkules namin balak bumalik sa Antique para i-check ang crime scene doon. Sasama ka ba?"

"Oo." Hindi inaalis ni Samantha ang tingin kay Adam. Kung hindi siguro siya nawalan ng anak, ano kaya ang gender nito? Lalaki? Magiging kamukha rin kaya ito—

"It's Johnny, right?" wika ni Niel, pinutol ang daloy ng kanyang isipan. "Your ex-boyfriend. Ayos lang ba kayo?"

"Y-yeah," maikling sagot ni Samantha.

"Bakit kayo naghiwalay, Sam?" tanong pa ni Niel.

Mahabang sandaling nakatitig lang siya sa sahig. "Wala. Dahil... sa trabaho ko. Gusto kong magtrabaho at—" Humugot siya ng malalim na hininga. "Hindi ko na gustong pag-usapan, Niel."

"I'm sorry," sabi nito. "Pasensiya ka na kung naging usisero ako."

Tumayo na si Samantha. "May mga kailangan pa nga pala akong gawin. Tawagan mo na lang ako kapag pupunta na kayo sa Antique." Nagpaalam na siya sa mga ito at lumabas ng opisina.

She didn't want to talk about anything.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now