Chapter 43

459 32 2
                                    

Abby Custodio

NAKATITIG lamang si Abby kay Yael Donato na nakaupo sa kama habang pinupukpok ang sariling ulo. Naka-admit na ang lalaki sa isang mental institution.

"His brain is too damaged," sabi ng isang psychiatrist na katabi niya. "Madalas may hallucinations siya ng mga patay ng tao. Sinasabi niyang marami siyang kasalanan kaya kinukuha na ng mga multong 'yon."

"Base sa medical records niya, wala naman siyang history ng mental illness o kahit ang family niya," sabi ni Abby. "Bakit siya nagkaganito?"

"Drugs," sagot ng psychiatrist. "Maraming nakitang drugs sa system niya, ang iba ay hindi pa mapangalanan. Dahil doon ay nadamage ang nerves ng utak niya. Idagdag pa ang pagkain sa kanya ng konsensiya niya. If he did something bad in the past, nakaka-trigger din 'yon ng hallucinations."

Tumingin sa kanya si Yael, nagsalubong ang kanilang mga mata. Ngumisi ang lalaki. Nagtangka itong tumayo sa kama pero dahil nakaposas ang mga paa ay hindi nakalapit sa kanila.

Tumawa ng malakas si Yael, tumutulo na ang laway. "Nasa... nasa paligid lang sila. Ssshhh. Papatayin ka kapag maingay ka."

Nagpasalamat si Abby sa psychiatrist at umalis na sa lugar na iyon. Pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan, sandaling minasahe ang batok. Ipinikit niya ang mga mata, isinandal ang ulo sa headrest. Kanina ay nagtama ang mga mata nila ni Yael. It was not familiar to her.

Hinaplos-haplos ni Abby ang ulo, inaalala ang nangyari noon sa penthouse ni Bruce De Leon. Nakita niya ang mga mata ng killer. It was cold. It was familiar. Parang nakita niya na iyon noon.

Napamulat ng mga mata si Abby, biglang bumilis ang tibok ng puso. No... Mabilis niyang ini-start ang sasakyan at nag-drive papunta sa penthouse ni Bruce De Leon.

Pagkarating doon, nag-request siya sa management na makapasok sa loob kahit sandali lang. Iginala ni Abby ang paningin sa paligid ng penthouse. Wala pa ring nababago doon. It was the same as she remembered.

Tanda niya nang binuksan noon ang front door at sumalubong ang isang taong nakasuot ng itim na jacket, itim na cap at itim na face mask. Their eyes met. The coldness in the killer's eyes striked her at that moment.

Naglakad-lakad si Abby sa loob ng penthouse at tumigil sa tapat ng isang painting. It was a big painting of a forest on fire. Hindi niya iyon napag-ukulan ng pansin noon.

Inilipat niya ang tingin sa ibabang parte ng painting kung saan naroroon ang signature ng artist. "PC" Sa ilalim niyon ay may drawing na tiara.

"Princess Cordero," usal ni Abby.

"Princess Cordero, 24 years old by now. Fine Arts student."

"Si Princess Cordero naman ay madalas nagiging muse sa mga events. Napakagandang bata. Matalino. Napakagaling niyang mag-pinta. Tanda ko na palagi rin siyang kasama ni Xebastian."

Tumakbo si Abby palabas. Habang nasa sasakyan ay pilit niyang kinokontak si Niel pero hindi ito sumasagot. Nag-drive siya patungo sa opisina ng Examiner na pinagdalhan nila ng mga kalansay na nahukay noon sa nasunog na factory sa Antique.

Pagkarating doon ay agad niyang hinanap ang Head Examiner, ipinakita ang SCIU badge dito. "Lumabas na ba ang mga results ng apat na human remains na iyon? It's been more than a week." May pagmamadali sa tono niya.

Napakamot sa ulo ang lalaking kaharap. "Hindi naman ganoon kadali na makapaglabas ng results, Officer," anito. May hinanap ito sa patas ng mga folders na nasa table. "Hindi lang kayo ang nag-rerequest sa amin ng identification."

"May resulta na ba?" ulit na tanong niya.

"SCIU, right? Mayroon na." Binuklat-buklat nito ang mga folders doon. "Apat na human remains ang dinala niyo dito noon. Matagal na ang mga kalansay na 'yon kaya wala na kaming nakitang tissues o anumang DNA's." Sumulyap ito sa kanya. "Pero dahil nakapag-provide naman kayo ng medical records ng mga taong hinihinala niyong identity ng mga kalansay na 'yon, nakatulong din."

Bumuntong-hininga ang lalaki. "Princess Cordero, Irene Norbe, Gus Soriano, Hana Diaz. Medical records ng apat na 'yan ang ibinigay ninyo sa amin, tama?"

Tumango si Abby. Ang mga medical records na iyon ay nanggaling sa evidence na nakuha nila noon sa doktor na si Charles Paborito. Hindi nila isinama si Henry Salazar dahil alam na buhay pa naman ito.

Inabot sa kanya ng lalaki ang isang folder. "Tatlo sa mga 'yan ang match sa tatlong human remains na nakuha niyo. Ang isa pang human remains..." May binunot itong isang itim na folder sa patas, ibinigay din sa kanya. "Na-identify namin dahil sa dental records niya."

Binuklat ni Abby ang unang folder na ibinigay sa kanya, binasa ang nilalaman niyon. Sa nangangatal na mga kamay, sunod niyang binuksan ang itim na folder. Napahawak si Abby sa malapit na mesa para suportahan ang sarili.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now