Chapter 61

574 25 0
                                    

Princess Cordero

INABOT ni Princess kay Henry ang isang bag na naglalaman ng lahat ng mga kailangan nito para sa bagong buhay. "Nandiyan na ang mga I.D's na may bagong pangalan mo," sabi niya. "May plane ticket na rin diyan. I did everything para mabigyan ka ng bagong katauhan sa gobyernong ito. It might be illegal but that's our only choice. May pera rin diyan, Henry."

Tumango si Henry. "Salamat, Princess." Tumingin ito kay Xebastian. "Pare." Nagkamay ang dalawa. "Alagaan mong mabuti ang sarili mo at si Princess. Hindi na tayo magkikita pero sana magkaroon kayo ng magandang buhay."

"Ikaw din," sabi ni Xebastian. "Mag-iingat ka, Henry. Masaya ako na buhay ka. Salamat sa lahat."

Ibinalik ni Henry ang tingin sa kanya, bahagyang tumango bago nagpaalam. Naglakad na ito palayo, iniwan ang sasakyan sa kanila. Ang sasakyang iyon ay kay Samantha na iiwanan na rin nila.

Inabot ni Princess ang kamay ni Xebastian, hinila na ito papasok sa studio apartment na binili niya noon pa. Iyon din ang apartment kung saan niya iniwan noon ang mga gamit na kailangan ni Xebastian para patayin si Elmer Juntilla. Doon muna sila mananatili ngayong gabi bago ang flight kinabukasan. Patungo sa malayong lugar. Sa lugar kung saan sila magbabagong-buhay.

Pagkapasok nila sa loob ay agad na niyakap ni Princess si Xebastian. "I've missed you." Kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin dito.

Pinakatitigan ni Xebastian ang mga mata niya. "Namiss din kita. Ang tagal kong pinangarap na makasama ka uli ng ganito." Marahas nitong hinalikan ang kanyang mga labi.

Mahabang sandaling mainit silang naghalikan, ang mga kamay ay abala sa paghaplos sa katawan ng isa't isa. Pareho silang naghahabol ng hininga nang mag-agwat ang mga labi.

"Si Pascua," usal ni Xebastian. "Hindi ko siya gusto noon, oo. Pero nagpapasalamat ako dahil hinayaan niya tayo."

Malungkot na tumango si Princess. Hindi niya planong ipagtapat kay Niel ang lahat pero mukhang iyon ang nakatakda. There was no perfect plan. Alam niya na mahirap kay Niel ang ginawang desisyon pero nagpapasalamat siya dito. "He is a good man," sabi niya. "Naniniwala ako doon."

Tumango-tango si Xebastian. Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok. "Mahal na mahal kita, Princess."

Nangilid na ang mga luha ni Princess. "Mahal na mahal din kita, Xebastian. Iba man ang itsura ko ngayon, ako pa rin si Princess Cordero na nagmamahal sa'yo. Hindi 'yon nagbago. Hindi 'yon magbabago."

"You are my Princess," bulong ni Xebastian. "Alam ng puso ko 'yon."

Dinampian niya ng mabilis na halik ang mga labi ng binata. "We're leaving this place tomorrow. Pupunta na tayo sa States. Nandoon ang family ni Ate Sam. Hindi nila alam na patay na si Samantha pero gusto kong maging anak sa kanila."

Tumango si Xebastian. "Susunod ako sa kung saan mo gustong pumunta, Princess. Tutulungan kita na protektahan ang pamilya ni Ate Samantha. Utang natin sa kanya ang lahat ng ito. Siya pa rin ang nagligtas sa atin."

Ngumiti siya. "Ano'ng... gusto mong gawin ngayon, X?" tanong niya, kinagat ang pang-ibabang labi.

Sinulyapan ni Xebastian ang kama na tanging laman ng apartment na iyon. Pinakatitigan siya nito sa mga mata. "Gusto kong makabuo uli tayo ng baby, Princess. Ngayon, gagawin ko na ang lahat para maprotektahan ka at ang magiging anak natin. Sa kahit ano. Sa kahit kanino."

Bumilis ang tibok ng puso ni Princess, sunod-sunod ang pagtango. She wanted a child with him. "Ano ang ipapangalan natin sa kanya?"

Saglit na nag-isip ang binata. "Alex? Puwede sa lalaki at babae."

Napatawa na si Princess pero gusto niya ang pangalan na iyon. "Alex it is." Mariin niyang hinalikan sa mga labi ang binata, itinulak pahiga sa kama. Mabilis na pumaibabaw si Princess kay Xebastian. She sat astride his stomach.

Kitang-kita niya ang pananabik sa mga mata ni Xebastian. She missed those eyes. She missed his heat, his everything. This man was her only sanity in this crazy world of theirs. Ibibigay niya ang lahat para sa lalaking ito. Princess would go anywhere with this man even in the very center of madness. Ganoon niya ito kamahal.

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon