Chapter 53

442 28 2
                                    

NGUMITI si Princess nang maikabit sa opisina niya ang painting ng isang nasusunog na cliff na siya mismo ang nagpinta. Nagpasalamat siya sa nagkabit niyon.

"That's a great painting," narinig niyang wika ng isang lalaki na kapapasok lang sa pinto ng kanyang opisina.

Nilingon ni Princess ang lawyer na si Yael Donato, kasama nito ang isa sa mga katrabaho nilang si Sherean. Ilang linggo na rin mula nang magsimula siyang magtrabaho sa firm na ito.

"Thank you," sambit niya. "Kilala ko ang nagpinta niyan kaya iyan ang napili kong ikabit dito."

"May kaibigan akong mahilig din sa paintings," sabi ni Yael, lumapit sa kanya. "Nabanggit ni Sherean na may tinanggap kang kaso ng isang nakakulong sa Bilibid. Hindi ko alam na kumukuha ka na rin ng mga kliyente na gustong makalabas sa kulungan, Escanillas."

Nagkibit-balikat siya. "I heard about your reputation, Attorney Donato. Marami ka na daw mga napalaya sa kulungan. Gusto ko ring subukan. Simple lang naman ang kaso niya, robbery."

Tumango-tango si Yael. "Good luck on that." Tumalikod na ito at lumabas ng kanyang opisina.

Pinagmasdan lang ni Princess ang lalaki bago lumapit sa kanyang bag na nasa desk. Kinuha niya iyon. "Mag-a-out na ako, Sherean. Pag-aaralan ko pa ang bagong kasong hawak ko."

Tumango ang babae. Pagkalabas ni Princess sa firm, pumara siya ng taxi at nagpahatid sa kanyang bahay.

Pagkarating doon ay dumeretso siya sa kuwarto kung saan naroroon ang lahat ng mga plano. Nakakabit sa dingding ang napakaraming mga pictures – stolen shots, to be exact – ng anim na bibiktimahin niya. Si Princess mismo ang kumuha ng mga larawang iyon. Pinag-aaralan niya ang bawat galaw ng mga lalaking iyon, ang mga taong nakapalibot dito, ang mga pag-aaring properties.

Kinuha niya sa dingding ang picture ni Yael Donato, ngumisi. Ito ang lawyer na sinusundan noon ni Samantha. Mukhang hindi kilala ng lalaking ito si Samantha kaya madali siyang nakalapit.

She would not kill this man. Iba ang plano ni Princess para dito. Binitawan niya ang picture bago lumapit sa computer equipments na nasa pahabang mesa. May limang monitors doon. She typed some keys on the keyboard. Lumabas sa screen ang mga CCTV footage ng New Bilibid Prison.

Princess hacked on it. The feed was live. Pinapanood niya iyon paminsan-minsan para makita ang kalagayan ni Xebastian. Pero sa mga hallways lang nakakabit ang CCTV's at sa ibang importanteng areas kaya bihira itong makita.

Tumalon ang puso ni Princess nang makita ang binata sa isang footage. Nasa prison canteen ito, kumakain mag-isa sa isang table. Malapit ito sa kinaroroonan ng CCTV kaya nakikita niya ang mukha ng lalaki.

Hinaplos ni Princess ang monitor screen, nangilid ang mga luha. "I miss you, X," bulong niya. "Huwag kang mag-alala, ni minsan hindi ka nawala sa isipan ko. I'm here. Hindi kita kakalimutan. Hindi kita iiwanan. Everything will be okay. I am going to save you. I am going to protect you too. Malapit na tayong magkita uli..."

NAKASUNOD lang si Princess sa guard ng Bilibid hanggang sa makarating sila sa isang selda kung saan nakakulong ang bago niyang kliyente. "Karlo Desplat, nandito ang lawyer mo," sigaw ng guard.

Tumayo ang lalaking tinawag na Karlo, lumapit sa rehas. "Lawyer? Oh, ikaw pala ang tinutukoy ng asawa ko na tumanggap sa kaso ko." Ngumiti ito. "Makakalaya ba ako dito?"

"Nagnakaw ka sa isang bangko," sabi ni Princess. "You're given five years in prison. Napag-aralan ko na ang kaso mo, puwede nating maibaba iyon ng dalawang taon pero imposibleng makalaya ka kaagad."

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now