Chapter 36

522 35 1
                                    

Niel Pascua

NAKARATING sina Niel sa resthouse sa Laguna ay naapula na ang sunog. Maraming mga police cars, ambulance at firetrucks sa paligid. May mga taong nakikiusyoso na rin.

Lumakad siya patungo sa medical examiner na naroroon. "Isa lang po ang bangkay na nakita namin sa loob," sabi ng pulis na nakasunod sa kanya. "Hindi na siya gaanong makilala dahil sunog na sunog ang katawan."

Tiningnan ni Niel ang sunog na bangkay na nasa lupa. "Si Dino Flores ba 'yan?"

Tumayo ang medical examiner, humarap sa kanya. "Hindi ko pa masasabi hangga't hindi siya nadadala sa lab. Mahigit sampung oras na siyang patay. Kagabi. Around 9 P.M. May anim na gunshot wounds sa katawan ng biktima. Hindi siya namatay sa sunog. Mukhang nakatali rin ang mga kamay at paa niya." Itinaas nito ang sunog na rope.

"Ano'ng oras ni-report ang sunog?" tanong ni Niel sa pulis.

"Seven twenty-five ngayong umaga," sagot ng pulis, nakatingin sa hawak na notepad. "Isang oras din bago naapula ang apoy."

"Bring the body to SCIU lab," utos ni Niel sa medical examiner. Naglakad-lakad siya sa paligid. Mga remains na lamang ng nasunog na resthouse ang natira. "Pag-aari ng anak ni Dino Flores ang resthouse na 'to? May mga CCTV ba?"

"Si Rome Flores ang may-ari ng resthouse pero naka-up for sale na ito kaya hindi nagana ang mga CCTV's at guards. May caretaker na isang beses lang sa isang linggo bumibisita."

Naiiling na tumawa si Niel. Paano nalaman ng killer ang lugar na ito? Pinag-aralan talaga nito si Dino Flores, maging ang mga properties ng biktima nito. "No witnesses?" tanong pa niya.

"Wala. Medyo malayo ang resthouse na ito sa ibang mga bahay. Napansin lang ang malaking usok kaya na-report ang sunog."

Mula sa kinatatayuan ni Niel ay matatanaw doon ang nakaparadang Mercedes Benz. Base sa plate number, iyon ang sasakyan ni Dino Flores. Nagpatuloy sa paglalakad si Niel, tumigil at lumuhod sa lupa.

Hinaplos niya ang parteng iyon ng lupa bago inamoy ang mga daliri. Gasoline. The fire was started intentionally. Pero bakit hindi pa kagabi pagkatapos patayin ang biktima? Bakit hinintay pa ang umaga?

"May nakita kaming vault malapit sa biktima kanina," sabi pa ng pulis. "Hindi 'yon nasunog."

"Vault?" Tumayo si Niel, nagtatakang tiningnan ang pulis. Sumunod siya dito hanggang sa kinaroroonan ng tinutukoy na vault. "Nabuksan niyo na ba?"

"Hindi pa po."

"Bring it to SCIU Headquarters," utos niya. Aalis na sana si Niel nang mapatigil sa paghakbang dahil sa matigas na bagay na naapakan. Lumuhod siya at kinuha mula sa mga abo ang isang silver heart-shaped locket. Bahagya lang iyong nasunog.

Hinaplos-haplos ni Niel ang locket, pinilit buksan iyon. May nakaukit na dalawang letra sa magkabilang side ng locket. X and P. Ikinuyom niya ang kamao, kumuha ng sampling bag at ipinasok doon ang locket.

Tumayo na siya at tumingala sa kalangitan. Makulimlim kahit malapit nang magtanghali. Uulan siguro. Ngumisi si Niel. Xebastian Lozano. Princess Cordero. What was the truth about this case? Nasaan na si Henry Salazar? Gusto niyang malaman. Gusto niyang malaman ang katotohanan.

"FOUND him," narinig nilang sabi ni Richard. Lumapit sina Niel sa kinauupuan ng lalaki. "Ito ang kuha ng CCTV sa tollway papuntang Laguna galing dito sa Metro Manila." Richard paused the video. "See? Si Henry Salazar ang nagda-drive ng sasakyan ni Dino Flores. It was around eleven-thirty in the morning yesterday."

"May nahanap kang footage kung bumalik si Salazar dito sa Maynila?" tanong ni Niel. Kanina pang nagkakagulo ang buong headquarters nila nang lumabas ang result na si Dino Flores nga ang bangkay na nakita sa nasunog na resthouse ng anak nito.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now