Chapter Six

601 42 1
                                    

Samantha Escanillas

NAGPASALAMAT si Samantha sa guard nang makalabas sila sa kuwarto kung saan nakausap si Xebastian Lozano. Nilapitan niya si Niel na mas naunang lumabas sa kanila.

"Humingi ako ng kopya ng visitor's list dito," sabi ni Niel. "Para masigurong wala ngang bumibisita kay Lozano."

Tumango si Samantha. "I'll ask for a copy too. Kapag naayos ko na ang mga kailangang ayusin sa korte."

"Ipapadala ko na lang sa'yo lahat ng kailangan mo, mag-request ka lang sa SCIU." Ngumiti si Niel. "Wala kang sasakyan, 'di ba? Sumabay ka na sa amin ni Abby, ihahatid ka na lang namin."

"Thank you. Kahit sa Supreme Court niyo na lang ako ihatid," sabi niya.

Tumango si Niel. "Hintayin niyo na lang ako sa labas, may kakausapin lang ako sandali."

Nang makalayo si Niel ay nauna nang lumabas si Abby, nakasunod lang naman si Samantha hanggang sa makarating sila sa kinapaparadahan ng sasakyan ng mga ito. Sa tabi niyon nila hinintay si Niel.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ngayon lang nag-plea ng not guilty si Xebastian Lozano," basag ni Abby sa katahimikan. "Timing talaga na may murder case na related sa kaso niya."

"Itatanong ko rin 'yan kay Xebastian kapag nakapag-usap na kami. Posible na walang ibang abogado ang gustong tumanggap sa kaso niya. I'm a lawyer. Marami akong kakilalang mga kapwa ko lawyer na sa pera lang talaga nakatingin."

"He's not going to pay you." Tumingin sa kanya si Abby. "Pero okay lang sa'yo? Why are you doing this, Attorney Escanillas? Ano ang makukuha mo kung mapalaya mo siya?"

"Experience." Ngumiti si Samantha. "Hindi ko na kailangan ng pera, Officer. I view this case as a challenge. Malay mo mas marami pa akong matutunan, hindi ba?"

"A challenge?" natatawang umiling si Abby. "Paano kung kriminal talaga ang Lozano na 'yan? Tutulungan mong makalaya ang isang kriminal?"

"Your line of work is to look for justice, Officer," sagot niya. "Hindi naman tama na nanghuhusga kaagad kayo ng tao lalo at hindi pa naman alam ang katotohanan. Hindi lahat ng nakakulong sa bilangguan ay kriminal nga."

Nag-iwas ng tingin si Abby. Ilang sandali lang ay natanaw na nila si Niel pero may kausap pa rin ito habang naglalakad.

"Matagal ko nang kilala si Niel," mayamaya ay sabi ni Abby. "He's a womanizer. Iyon ang kahinaan niya. Kaya sana, huwag mong pakaintindihin ang pagbibigay niya ng atensyon sa'yo. Ayoko rin na mahirapan ka."

Tiningnan ni Samantha ang babae na nakatitig lang sa kinaroroonan ni Niel. Ngayon alam niya na kung ano pa ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya. May gusto si Abby kay Niel Pascua. Malinaw niyang nakikita iyon sa mukha ng babae. Iyon din ang dahilan kung bakit sumusunod lang ito sa lahat ng sinasabi ni Niel.

Napailing siya, pilit itinatago ang pagngiti. "Huwag kang mag-alala," sabi ni Samantha. "I draw a line between my personal and professional life. Puwede ko lang siyang maging kaibigan. Kayo. Sana ay makapagtrabaho tayo ng maayos."

Tumingin na sa kanya si Abby pero wala namang sinabi. Inilipat lang nila ang tingin sa unahan nang marinig ang pagsasalita ni Niel.

"Puwede na tayong umalis," nakangiting sabi nito.

Papasok na sana sila sa isang sasakyan nang may lumapit na isang babae. Sandaling pinasadahan ng tingin ni Samantha ang babae. Siguro ay nasa early forties na ito. Nakasuot ito ng uniform na parang isang teller.

"Sa dami ng makikita ko dito, ang hayup na investigator pa na katulad mo!" sigaw ng babae, nakatingin kay Niel.

Hindi naman pinansin ni Niel ang babae at nagtuloy sa driver's side ng sasakyan. Si Abby naman ay magalang na bumati sa babae.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now