Chapter 56

423 29 0
                                    

LUMAKAD si Princess palayo sa hospital room kung saan ginagahasa ni Charles Paborito ang isang paralisadong pasyente nito bago pa siya mapansin ng iba, sinulyapan niya ang isang CCTV sa kisame ng hallway. Nakasuot siya ng black hooded jacket pero kailangan niya pa ring i-hack ang security system ng ospital na ito para masigurong walang makakakilala sa kanya.

Naghintay si Princess sa Exit ng third floor para kalmahin ang sarili. Matagal niya ring minanmanan si Charles Paborito sa ospital na ito. Nagpanggap siya na isang pasyente na nagpapa-check-up sa lalaki madalas, gamit uli ang pangalang Alex Esguerra. Hindi siya nito nakilala, siyempre. Pero bawat araw na nakakaharap niya ang doktor na iyon, bumabalik ang nakaraan kay Princess.

Ilang minuto rin ang pinaraan niya bago nagtungo sa opisina ni Paborito. Isinuot niya ang itim na face mask para matakluban ang kalahating parte ng mukha. Binuksan ni Princess ang pinto ng opisina, pumasok sa loob. Nakita niya si Charles, nasa sahig na ang doktor, pinipilit na gumapang patungo sa pinto.

Tumingala sa kanya si Charles. "Tu—Tulong... tu—tulungan..." Hindi na ito makapagsalita ng maayos.

Sinulyapan ni Princess ang bote ng tubig na nasa sahig, nabuhos na ang laman niyon. Siguradong unti-unti nang napaparalisa ang buong katawan ng doktor dahil sa gamot na inilagay niya sa mga inumin nito kanina habang may surgery ito.

Lumakad si Princess patungo sa mesa at inilapag doon ang dalang itim na bag, hindi pinansin ang nahihirapang si Charles. "Alam kong manggagahasa ka na naman ng mga pasyente mo kaya ginamit ko na ang pagkakataong iyon para lagyan ng gamot ang mga inumin mo," sabi niya. "You fell to my trap."

Sinulyapan niya si Charles na nanlalaki ang mga mata. Gusto nitong magsalita pero hindi na maigalaw ang katawan.

"Akala ko ba doktor ka, Charles. Bakit hindi mo man lang na-check ang mga iniinom mo?" Tumawa ng mahina si Princess. "Don't worry, hindi naman ganoon karami ang inilagay ko. Mapa-paralyze ka lang sa loob ng mga kalahating oras?" Ngumisi siya. "Enough to finish my business with you."

Kinuha ni Princess ang isang baril sa loob ng black bag. Narinig niya ang balisang pag-ungol ni Charles. Inabot niya ang silencer at ipinaikot iyon sa dulo ng baril bago muling tiningnan ang doktor.

Lumapit siya dito, ipinihit ito pahiga. "Iniisip mo siguro kung bakit ko ito ginagawa, tama ba, doctor?" Ipinakita niya dito ang hawak-hawak na piraso ng papel. Nakasulat doon ang Case #03-0515. "Naaalala mo ba ang kasong ito? The Hidden Box Factory Massacre Case."

Makikita na sa mga mata ni Charles ang takot. Imposibleng makalimutan nito. "Pero hindi mo ako kilala dahil bago na ang mukha ko, Charles," sabi pa ni Princess. "Kailangan kong gawin 'yon para magkaharap tayo ng ganito."

Marahas na sinabunutan ni Princess ang buhok ng doktor. "I've been wanting to kill you for a very long time, Paborito. Naaalala ko tuwing binibigyan mo ako ng gamot na inimbento mo. You... ruined me. You ruined us in that factory."

Umungol lang si Charles, may mga luha nang bumagsak mula sa mga mata nito. Dahil marahil sa takot. Ito ang gusto ni Princess. Ang siya naman ang katakutan ng mga demonyong ito.

"You..." nangatal na ang boses ni Princess, pinipilit huwag umiyak. "You... killed my child. Hinding-hindi kita mapapatawad."

Muling tumayo si Princess at iginala ang paningin sa loob ng opisina ng doktor. "The past will keep on haunting all of you," bulong niya. Napahawak siya sa ulo nang maramdaman ang pananakit niyon. She hated remembering the past. It was hurting her so much.

Itinapat niya ang baril sa katawan ni Charles, puno ng galit ang kanyang mga mata. "Para ito sa anak namin ni Xebastian." Princess pulled the trigger, twice. Unti-unti nang kumalat ang kulay na pula sa damit na suot ng doktor dahil sa dugo nito. Pagkatapos ay itinapat naman niya ang baril sa ulo ng lalaki. Another shot.

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon