Chapter 11

512 37 3
                                    

Abby Custodio

INILAPAG ni Abby ang mga cups ng kape sa mesa ng kanilang opisina sa SCIU Headquarters. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin sila umuuwi. Naroroon sa mesa ang lahat ng files na nakuha nila sa opisina at bahay ni Charles Paborito para pag-aralan ang mga iyon.

"Alex Esguerra," narinig niyang sabi ni Niel, nakatingin sa isang notebook na hawak. "Nandito rin ang pangalang 'yon. This person had a check-up appointment with our victim every Saturday. 4PM." Binuklat-buklat nito ang notebook. "Tatlong buwan na mula nang magsimula siyang magpa-check-up kay Paborito."

"Lahat din ng CCTV footage nang araw na 'yan at oras ay na-tamper na," singit naman ni Richard, nag-iinat.

"This might turn into a serial killing case kapag hindi natin naagapan," sabi ni Abby. Nakatitig lamang siya kay Niel na nakahawak na sa sariling ulo. Kitang-kita ang pagod sa mukha nito. Gusto niya sanang sabihin na magpahinga muna ang lalaki pero alam na hindi puwede.

"Serial killer," usal ni Niel. "Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hahawak ang team natin ng serial killing case."

Ibinalik ni Abby ang tingin sa mga papel na nasa harapan. Sana ay hindi ganoon ang mangyari. Base sa mga naririnig nila mula sa ibang team ng SCIU, mahirap humawak ng isang serial killing case. Hindi lang mahirap, delikado pa. Hindi niya gustong may mapahamak sa mga kasamahan niya sa team, lalong-lalo na si Niel.

Ilang taon na siyang nagtatrabaho kasama si Niel Pascua. At sa loob ng mga taong iyon ay hindi pa rin nasasabi ni Abby ang lihim na nararamdaman para sa binata. She had been in love with this man for a long time. Pero hindi nito makita iyon. Siguro dahil hindi siya ang babaeng tipo nito.

Niel liked sophisticated women. Hindi katulad niya na parang lalaki kung manamit at mag-ayos. She had short hair. Halos lahat ng babaeng nagugustuhan ni Niel ay mahahaba ang buhok. Sinubukan noon ni Abby na magpahaba pero hindi bagay sa kanya.

Sinulyapan ni Abby si Niel na abala na uli sa pagbabasa ng mga files na naroroon. Hindi niya alam kung bakit siya nahulog sa lalaking ito. Maybe because he was a caring man. Wala siyang kapamilya. Lumaki si Abby sa isang orphanage at madalas na mag-isa. Simula nang magtrabaho siya kasama si Niel, naramdaman niya na may taong nag-aalala sa kanya.

Niel always said that she was the best partner he ever had. At hindi nito alam kung gaano siya napasaya ng mga salitang iyon. Nakikita ni Niel ang paghihirap niya sa trabaho. Palagi siya nitong pinupuri tuwing may nagagawa siyang maayos.

Pero ang hindi magandang katangian lang ni Niel ay ang pagiging babaero nito. Maraming babae na itong nasaktan. Madali kasi itong magsawa. Kaya mas pinili na lang ni Abby na itago ang nararamdaman para sa lalaki. Hindi niya gustong masira niyon ang samahan nila, ang pagkakaibigan.

"Look at this," pukaw ni Niel sa daloy ng kanyang isipan. May hawak na itong isang lumang folder. "Nakita ito sa bahay ni Charles Paborito." Tumayo ang binata at lumapit sa kanya, ipinakita ang laman ng folder.

Those were medical files ng iba't ibang mga tao. Isa-isang binuklat ni Abby ang mga papel na naroroon. Pamilya ang mga pangalan. Napatigil siya sa pagbuklat nang makita ang pangalan ni Xebastian Lozano.

Napatingin siya kay Niel. "Maliban sa pangalan ni Xebastian, pamilyar ang ibang mga pangalan, tama?" May hinanap ang binata sa mga patas ng folders na naroroon bago ipinakita sa kanya ang isang papel. "Pangalan ng mga namatay na workers ng Hidden Box Factory."

Tiningnan ni Abby ang listahan ng mga biktima ng massacre sa Hidden Box Factory. And then she checked the names on that medical files. Tama. Naroroon lahat ng pangalan ng sampung workers na namatay sa massacre.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now