Chapter Nine

475 38 2
                                    

Killer

TAHIMIK na nakasilip ang killer sa bahagyang nakaawang na pinto ng isang hospital room. Madaling-araw na kaya kakaunti ang tao sa hallway ng ospital na ito. Walang ilaw sa loob ng kuwarto pero nakikita niya ang isang doktor na nasa ibabaw ng isang pasyente.

Wala ng pants ang doktor, bahagyang nakabuka ang binti ng pasyenteng nasa ilalim nito. Alam ng killer kung ano ang nangyayari. That doctor was raping his paralyzed patient. Ilang beses na niyang nakitang ginagawa ng doktor na iyon ang ganoong kababuyan sa mga walang kalaban-laban na pasyente.

Lumakad ang killer palayo bago pa siya mapansin ng iba, sinulyapan niya ang isang CCTV sa kisame ng hallway. Nakasuot siya ng black hooded jacket pero kailangan niya pa ring i-hack ang security system ng ospital na ito para masigurong walang makakakilala sa kanya.

Naghintay siya sa Exit ng third floor sa loob ng mahigit dalawampung minuto bago nagtungo sa opisina ng doktor na binabantayan. Matagal niyang minamanmanan ang mga biktima para alamin ang schedule ng mga ito, ang mga oras na wala itong ibang kasama.

Isinuot ng killer ang itim na face mask para matakluban ang kalahating parte ng mukha. Binuksan niya ang pinto ng opisina, pumasok sa loob. Nakita niya ang doktor na si Charles Paborito – ang kanyang panibagong biktima pagkatapos ni Mariano Gomez. Nasa sahig na ang doktor, pinipilit na gumapang patungo sa pinto.

Tumingala sa kanya si Charles. "Tu—Tulong... tu—tulungan..." Hindi na ito makapagsalita ng maayos.

Sinulyapan ng killer ang bote ng tubig na nasa sahig, nabuhos na ang laman niyon. Siguradong unti-unti nang napaparalisa ang buong katawan ng doktor dahil sa gamot na inilagay niya sa mga inumin nito kanina.

Lumakad ang killer patungo sa mesa at inilapag doon ang dalang itim na bag, hindi pinansin ang nahihirapang si Charles. "Alam kong manggagahasa ka na naman ng mga pasyente mo kaya ginamit ko na ang pagkakataong iyon para lagyan ng gamot ang mga inumin mo," sabi niya. "You fell to my trap."

Sinulyapan niya si Charles na nanlalaki ang mga mata. Gusto nitong magsalita pero hindi na maigalaw ang katawan.

"Don't worry, hindi naman ganoon karami ang inilagay ko. Mapa-paralyze ka lang sa loob ng mga kalahating oras?" Ngumisi siya. "Enough to finish my business with you."

Kinuha ng killer ang isang baril sa loob ng black bag. Narinig niya ang balisang pag-ungol ni Charles. Inabot niya ang silencer at ipinaikot iyon sa dulo ng baril bago muling tiningnan ang doktor.

Lumapit siya dito, ipinihit ito pahiga. "Iniisip mo siguro kung bakit ko ito ginagawa, tama ba, doctor?" Ipinakita ng killer dito ang hawak-hawak na piraso ng papel. Nakasulat doon ang Case #03-0515. "Naaalala mo ba ang kasong ito? The Hidden Box Factory Massacre Case."

Makikita na sa mga mata ni Charles ang takot. This man knew what was happening. Imposibleng hindi. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya nagkaganito.

Muling tumayo ang killer at iginala ang paningin sa loob ng opisina ng doktor. "The past will keep on haunting all of you," bulong niya. Napahawak siya sa ulo nang maramdaman ang pananakit niyon.

Itinapat niya ang baril sa katawan ni Charles, puno ng galit ang kanyang mga mata. The killer pulled the trigger, twice. Unti-unti nang kumalat ang kulay na pula sa damit na suot ng doktor dahil sa dugo nito. Pagkatapos ay itinapat naman ng killer ang baril sa ulo ng lalaki. Another shot.

Lumuhod siya sa sahig, siniguradong patay na ang lalaki bago inilagay sa isang kamay nito ang piraso ng papel na ipinakita dito kanina. Pagkatapos ay lumapit na siya sa bote ng tubig na nasa sahig. Inilagay niya iyon sa garbage bag na dala bago pinunasan ang sahig.

Lumakad ang killer patungo sa mini-fridge ni Charles sa opisina nito at kinuha din doon ang lahat ng nakalagay na bote ng tubig. Siya ang naglagay ng mga boteng iyon doon kanina – lahat ay may gamot na pamparalisa.

Pagkalabas niya ng opisina nito ay mabilis lang din siyang nakalabas ng ospital nang walang nakaka-suspetsa. Madali lang na makalusot sa seguridad ng lugar na ito. Mamaya ay aasikasuhin niya naman ang pag-tamper sa CCTV ng ospital.

Pagkabalik ng killer sa lugar na kanyang tinutuluyan ay agad niyang sinunog ang mga laman ng black garbage bag. Pinakatitigan niya ang lumalagablab na apoy sa isang malaking metal drum. Kaunting hintay na lang, matatapos na ang lahat ng ito. Magkakaroon na siya ng panibagong buhay.

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon