Chapter One

1.6K 63 4
                                    


Samantha Escanillas

HINUBAD ni Samantha ang suot na robe bago bumaba sa hagdan ng malaking pool ng kanyang resthouse sa Batangas. It was a lap pool that lies close to a sheer edge over the ocean scene. It was flanked by a glass balustrade that was barely there, along the sun deck.

Inilublob niya ang katawan sa tubig, hanggang leeg niya iyon, bago tumitig sa magandang karagatan sa harapan. She started swimming. Iyon ang isa sa mga activities na nakakatulong para mag-relax ang kanyang utak.

Samantha was a lawyer. At in-demand siya ngayon dahil sa mga kasong naipanalo niya noon. Pero nagdesisyon siyang magbakasyon ng ilang linggo sa trabaho. Marami siyang natatanggap na tawag mula sa mga taong gustong kumuha sa serbisyo niya pero tinanggihan niya ang mga iyon.

Mahigit kalahating oras ding nanatili sa pool si Samantha bago umahon. Inabot niya ang kopita ng red wine na nasa coffee table, ininom iyon habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. She just turned twenty-nine last month. Dahil sa trabaho ay marami nang naipundar sa buhay.

Tumigil si Samantha nang marinig ang pagtunog ng cell phone. Nilapitan niya ang kinapapatungan ng aparato, sinagot ang international call mula sa inang si Darlene Escanillas.

"Ma, napatawag ka? May kailangan ba kayo?"

"Nalaman ko sa kasama mo sa trabaho na nag-file ka ng vacation leave," sabi ng ina. "Kung nagbabakasyon ka pala, Sam, bakit hindi ka bumisita dito? Para naman makasama ka namin ng papa mo at ng kapatid mong si Bella. Miss ka na namin."

Humakbang si Samantha patungo sa banyo, humarap sa salamin. "That's New Jersey, Ma. Saglit lang naman ang bakasyon ko."

"Kahit na," may pagtatampo na sa boses ng ina. "Tuwing Pasko ka na lang namin nakikita mula nang mag-migrate kami dito sa U.S. Bakit kasi hindi ka pa sumama, anak? Bakit nanatili ka pa diyan sa Pilipinas mag-isa?"

"My work is here, Ma." Sinuklay ni Samantha ang basang buhok. Mahigit tatlong taon na mula nang tulungan niyang mag-migrate sa Amerika ang kanyang pamilya. Nagpaiwan siya dito sa Pilipinas dahil nandito ang trabaho niya. Maraming kasong kailangan niyang tapusin noon kaya hindi puwedeng umalis.

"Puwede ka namang dito na lang mag-trabaho. You're a great lawyer, Sam. Kahit saan ay makikilala ka, mas malalaki pa ang mga kliyenteng makukuha mo dito, mas malaki ang kikitain mo. At makakasama mo pa kami na pamilya mo."

Bumuntong-hininga si Samantha. "Alright, I'll think about it, Ma. Pero hindi muna ngayon. Marami pang mga kababayan natin ang nangangailangan din ng tulong para makakuha ng katarungan."

"Hindi ka dapat namin pinakuha ng law," sabi pa ng ina. "Dahil diyan sa trabaho mo ay nakakalimutan mo na kaming pamilya mo."

Naiiling na tumawa si Samantha. "Bibisitahin ko kayo soon. Huwag ka nang magtampo, Ma, okay? Magpapadala rin ako ng pera."

"You know we don't need that, Sam," malungkot na sabi ng ina. "We need you to be with us. Para masiguro namin na ligtas ka."

"I'm safe, Ma." Tinitigan ni Samantha ang sarili sa salamin. Her job was dangerous, yes. Pero hindi niya iniisip iyon. Ito ang gusto niya. "I'll be safe." Though, she couldn't promise that.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ina sa kabilang linya. "Sige, hindi na ako mangungulit pa. Basta alagaan mong mabuti ang sarili mo, anak. Mahal na mahal ka namin."

"Kayo din, Ma. Mag-iingat kayo palagi diyan nina papa at Bella. I love you too." Pagkatapos ng tawag ay nag-shower na si Samantha, nagbihis ng simpleng t-shirt at shorts bago nagtungo sa verandah para magpahangin.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now