Chapter 31

999 47 4
                                    

NAKAMASID lang si Abby kay Niel na nakatayo habang may binabasa sa hawak na folder. Kanina pang nakaalis si Richard ilang oras matapos umalis ni Samantha Escanillas.

Sinulyapan ni Abby ang box ng chocolate na nasa mesa. Alam niyang nasaktan si Niel noong tanggihan iyon ni Samantha pero hindi niya naman napigilan ang makaramdam ng saya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito.

Tumayo siya at lumapit sa binata. "Niel, ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ayos lang ako," nakangiting sagot ni Niel. Inilapag nito sa malapit na mesa ang folder na hawak. "So wala pa ring nakukuhang kahit ano tungkol kina Henry Salazar at Princess Cordero."

Umiling siya. "It's like they don't exist. Hindi ko alam kung paano sila nakakapagtago."

"Gusto kong malaman kung nasaan sila. Pero hindi tayo makaka-request ng manhunt for them hangga't walang ebidensya na may koneksyon sila sa mga murders." Minasahe ni Niel ang batok. "Posible na sila ang susi sa katotohanan ng kasong ito."

"Posible na may alam si Lozano," aniya. "Mga kaibigan niya ang mga 'yon, 'di ba? Baka sila ang gumagawa ng mga krimeng ito. May koneksiyon din sila sa massacre."

Tumingin sa kanya si Niel. "Sa tingin mo may parte si Lozano dito? Kahit nakakulong siya?"

"Hindi ko alam," nagkibit-balikat si Abby. Naguguluhan din siya. "Ipinapalabas ni Lozano na biktima rin lang siya. But villains can also play the victim well."

"We can assume that. Pero wala pa rin tayong ebidensya. Kakausapin ko na lang si Lozano bukas. Plano ko ring dumaan sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Charles Paborito."

Ilang sandaling nakatitig lang si Abby sa sahig bago nagsalita. "Hindi ko pa rin pinagkakatiwalaan si Samantha Escanillas. I just can't... read her. She looks cold and warm at the same time."

Mahinang tumawa si Niel. "She's a mystery to me, too. Pero naniniwala ako na mabuti siyang tao."

Umismid si Abby. "Hindi natin alam, Niel. Lahat ng tao ay may iba pang personalidad na hindi nila gustong ipakita sa iba. May mga sekreto na hindi gustong ipaalam."

"Mayroon ka ba, Abby?" tanong ni Niel, nagbibiro.

Lumunok siya. "Mayroon din. Pero... sekreto ko ang mga 'yon." Tumawa siya at bumalik sa kinauupuan kanina.

Lumapit sa kanya si Niel, sumandal sa mesa at tumitig sa kanya. "Wala ka pa rin bang maalala? Sa itsura ng killer na umatake sa'yo noon?"

"Wala pa rin." Sandaling pumikit si Abby. "Ang naaalala ko lang ay nakasuot siya ng itim na jacket, itim na cap. May itim na facemask din siya sa mukha. Naaalala ko na may suot siyang gloves. Mabilis siyang kumilos. Hindi ko maalala kung nasalubong ko ang mga mata niya." Hinawakan niya ang sariling ulo. "Hindi ko maalala."

Hinawakan ni Niel ang kanyang balikat, marahang pinisil. "Don't push yourself, Abby. It's fine."

Nagmulat siya ng mga mata. "I'm sorry. Naroon na ako pero... wala akong nagawa."

Umiling ang binata. "Wala kang kasalanan, okay?" Hinaplos ni Niel ang kanyang pisngi. "Now go home and rest. Uuwi na rin ako."

Tumango si Abby at tinulungan na itong mag-ayos ng mga gamit doon. Hindi niya maipaliwanag ang sayang bumalot sa puso dahil lamang sa haplos na iyon galing kay Niel. She was indeed crazy over this man.

"Oh," sabi ni Niel na nakapagpatigil sa kanya. May kinuha ito sa itim na coat na suot. "Baka makalimutan kong ibigay sa'yo."

Nagulat si Abby nang makita ang isang pahabang kahon. Tinanggap niya iyon pero hindi makapagsalita.

"It's a bracelet. Naisip kita noong makita ko 'yan sa mall." Ngumiti si Niel. "Alam kong hindi ka mahilig sa chocolates kaya 'yan ang naisip kong ibigay ngayong araw." Marahan nitong ginulo ang buhok niya bago lumakad palabas ng opisina.

Sinundan lang ng tingin ni Abby si Niel, hindi pa rin makapagsalita. Binuksan niya ang kahon at nakita ang isang silver bracelet na may pendant na letter 'A'. Nangilid ang kanyang mga luha habang hinahaplos ang bracelet. Niel was really thoughtful. Naiinis siya dahil hindi naalalang Valentine's ngayon at nakapag-prepare ng regalo dito. But she was happy. So happy.

The Silent Duology 1: The Silent AttackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora