Chapter 15

396 34 5
                                    

Killer

IBINABA ng killer ang cap na suot nang dumaan sa harapan niya ang sasakyan ni Investigator Niel Pascua sa parking area ng lugar ni Bruce De Leon. Kanina niya pa pinagmamasdan ang mga ito simula nang pumasok sa management office. Kilala ng killer si Pascua, maging ang mga kasamahan nito sa team. Siyempre, kailangan niyang malaman kung sino ang nag-iimbestiga sa krimeng ginawa niya at gagawin pa.

Hindi inaasahan ng killer na makakahanap ng lead ang mga nag-iimbestiga sa kanya na makakapagturo kung sino ang sunod na bibiktimahin. Plano niya pa sanang maghintay ng ilang araw sa sunod na pagpatay. Pero hindi na puwede. Kailangan niya nang madaliin ang lahat bago pa masira ang plano.

Tinanggal ng killer ang suot na black cap bago naglakad patungo sa loob ng building na kinaroroonan ng penthouse ni Bruce De Leon. Pagkapasok sa elevator ay sinulyapan ng killer ang CCTV doon. Madali na lang na malusutan iyon. Bago siya pumasok sa lugar ng kanyang mga biktima ay naka-plano na ang lahat. Walang makikitang trace niya. Tanging ang pangalang 'Alex Esguerra' lamang.

Pagkatapat ng killer sa pinto ng penthouse ni Bruce De Leon ay agad siyang nag-doorbell. Hindi naman nagtagal, bumukas na ang pinto.

"Akala ko iyong mga investigator na 'yon na naman," naiiling na sabi ni Bruce, ngumiti. "Napabisita ka."

Niluwagan ni Bruce ang pagkakabukas ng pinto, hinayaan siyang makapasok. "Naayos ko na ang mga hiniling mo, Bruce. Everything will be fine."

"That's good." Tumango-tango si Bruce. "I should treat you for that. Ano bang gusto mo?"

"A wine will be enough." Sumulyap ang killer sa parteng kusina. "Pwede ba?"

"Sure. Follow me." Lumakad si Bruce patungo sa kitchen area.

Iginala ng killer ang paningin sa paligid. There were too many drinks, wines in that place. Mahihirapan siya na lagyan ang lahat ng iyon ng gamot pam-paralisa.

"Dumadaan ka pa ba sa gallery?" tanong ni Bruce habang nagbubukas ng isang bote ng wine.

"Last week, yes. May mga bagong paintings doon na siguradong magugustuhan mo." Inabot ng killer ang kopita na ibinigay ni Bruce. "Nabanggit mo na may mga investigators na nagpunta dito? Bakit? May nangyari ba?"

Tumingin sa kanya si Bruce, nag-alangan. "Wala."

Tumango lang naman ang killer. Habang umiinom sila ng wine ay biglang tumunog ang telepono. Nilapitan ni Bruce ang extension para sagutin iyon.

"Yes, I'm here." Sumulyap ito sa kanya. "Papunta ka na?.. Okay, I'll see you soon."

Nilagok ng killer ang natitirang wine sa kanyang kopita bago lumapit sa sink para hugasan iyon. Hindi niya gustong mag-iwan ng fingerprints doon. "Bisita?" tanong niya, nilingon si Bruce na nagbubuhos uli ng wine sa kopita nito.

"Yeah. Isa sa mga business partners ko. Nasa lobby na raw siya. You can meet him."

Ngumiti ang killer. "Hindi na." Sinulyapan niya ang wristwatch na suot. "Paalis na rin ako. Dumaan lang ako para ibalitang naayos ko na ang lahat. Babalik na lang ako."

Inihatid siya ni Bruce hanggang sa pinto. Nagpasalamat uli sa kanya ang lalaki bago siya lumakad palayo.

Ikinuyom ng killer ang mga kamay. I'll kill you soon, De Leon. Wala nang makakapigil sa 'kin.

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon