Chapter 51

468 29 3
                                    

NAGPALAKAD-LAKAD si Peter Domingo sa loob ng laboratory niya na nasa factory din na pag-aari. He checked all the medicines they were experimenting on. Lumakad siya sa mesa na kinapapatungan ng laptop, binuksan iyon para gumawa ng panibagong report.

Napakatagal na panahon niyang binuo ang lugar na ito. Nagtapos siya sa isang medical school at nahilig sa paggawa ng mga gamot. Nagtayo siya ng pharmaceutical company pero dahil hindi kontento sa simpleng mga gamot ay isinara din kaagad iyon.

Kasama niya sa medical school sina Charles Paborito, Bruce De Leon at Elmer Juntilla. Magkakaibigan silang apat. Pagkatapos niyang maisara ang pharmaceutical company, hinanap niya ang mga ito para i-share ang naisip na plano.

He wanted to make a medicine that could increase the intelligence of people. Noong nag-aaral pa ay sinisimulan niya na ang experiment na iyon pero mga hayop ang test subjects. Naisip ni Peter na walang silbi kung hayop ang pageeksperimentuhan dahil hindi nila makikita ang epekto ng gamot sa mga ito. Humans were much better.

Naging madaling kumbinsihin ang mga kasamahan niya dahil nasilaw ang mga ito sa perang makukuha nila kapag nagtagumpay ang eksperimento. Sina Dino Flores, Yael Donato at Mariano Gomez ay nakilala nila sa iba't ibang events. Nakasama na rin nila ang mga ito. They were helping him fund the experiment. Kapalit ng malaking shares ng mga ito sa kikitain ng gamot na magagawa nila.

Silang dalawa ni Charles ang magkatulong sa eksperimento. Sina Elmer at Bruce naman ay nagbibigay lang ng opinyon paminsan-minsan. Hindi iyon naging madali pero dahil maraming pera ay nakarating na sila dito. Kaya hindi iyon puwedeng masira.

Lumabas si Peter sa laboratory, nagtungo sa kanyang opisina kung saan naroroon ang mga kaibigan. Sinabihan niya si Eli Montero na bantayan ang mga test subjects nila. Isang supplier ng drugs si Eli noong makilala niya. Inalok niya ito na magtrabaho sa kanya sa pamamagitan ng paghahanap ng mga ulilang bata na puwede nilang kupkupin at pag-eksperimentuhan.

"Nagkaproblema daw dito?" tanong ni Yael nang makaupo siya sa tapat ng mga ito.

"Maliit na problema lang," sagot ni Peter. Tumingin siya kay Elmer. "Bakit mo kasi pinatay si Hana Diaz, Elmer? Nabawasan na naman ako ng test subjects dahil doon."

"Hindi ko sinasadya, nabaril ko siya," balewalang sagot ni Elmer. "Sinubukan niyang tumakas noon sa akin, puta na 'yon."

"Sinabi ko naman kasi na huwag niyong pagkaka-interesan ang mga subjects natin," naiinis na sabi ni Peter. "Si Gus Soriano, namatay dahil nasobrahan naman sa ibinigay mong dosage ng gamot, Charles?"

Napakamot sa ulo si Charles. "Pasensiya na. Sinubukan ko lang dagdagan. Akala ko matibay ang lalaking 'yon."

"At si Irene Norbe," ani Peter. "Table death? Sa brain surgery na pinag-eksperimentuhan mo rin? Dalawang subjects ang nawala sa atin dahil sa'yo, Charles."

"Sorry, okay?" Nilagok ni Charles ang alak sa baso nito. "Kailangan kong mag-eksperimento sa mga surgeries. Akala ko maaayos ko ang nerves ng utak niya kapag binuksan ko."

"Iyong iba?" tanong naman ni Mariano. "Mga baliw na ang mga 'yon. Hindi mo ba sila maaayos? Wala bang gamot?"

"I'm still working on it," sagot ni Charles. "Iba-iba ang epekto ng mga ibinibigay natin sa kanila. Base sa nerves ng kanilang mga utak. It's still trial-and-error. Siguradong mapeperpekto rin natin ito."

Nakailang subok din sila ng ginawang gamot sa iba't ibang subjects pero halos negative ang epekto ng mga iyon, maliban sa isa. "Pero may isang positibo ang results sa kanilang lahat. Si Princess Cordero. Base sa mga results ng brain scans niya, mas nagiging active ang utak niya dahil sa gamot. Wala akong nakikitang psychological defects sa kanya ngayon."

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now