Chapter Ten

583 41 2
                                    

Niel Pascua

BINASA ni Niel ang listahan ng residents ng condominium place ni Mariano Gomez na nakuha ni Abby. "Ivan de Castro," banggit niya sa pangalan ng owner ng katabing unit ni Gomez. Nakasulat doon ang isang company address kung saan ito pwedeng makita. "Pupuntahin natin ngayong araw ang lalaking ito."

Tumingin sila kay Richard nang lumapit ito, dala ang laptop. "Pinag-aralan ko ang mga footage ng condominium place ni Guzman few days bago siya pinatay. Hindi lang noong gabing pinatay siya na-tamper ang CCTV security nila. It was tampered every Saturday around 6PM to 12AM."

Saturday. Kumuyom ang mga kamao ni Niel. Ibig sabihin, posibleng ang nakatira sa katabing unit ni Gomez ang killer na hinahanap nila. Malamang na nanatili doon ang killer para masubaybayan ang mga kilos ni Mariano.

"Hindi man lang ba 'yon napansin ng mga security staffs?" tanong ni Abby.

Richard exhaled. "Hindi na nila napapansin iyon kung wala namang insidenteng nangyari. Siguradong mahusay ang skills ng killer na ito sa programming."

"Ang isa pang assignment ko sa'yo?" tanong ni Niel. "May nalaman ka ba tungkol sa Hidden Box Factory na hindi nakalagay sa reports?"

Umiling si Richard. "It's a shoe factory. It's a private business. Seventeen years ago nang i-register ni Peter Domingo ang negosyo niyang iyon. Wala akong nakitang problema nila sa gobyerno. Si Peter Domingo lang ang nakalistang may-ari."

"Ano'ng nangyari sa lupang kinatatayuan ng factory? Nalaman mo ba kung saan 'yon napunta?" tanong pa niya.

"Hindi pa," sagot ni Richard, napakamot sa ulo. "I'll look into that as soon as possible."

"Do it fast," utos ni Niel. "Importanteng malaman natin kung sino ang nakinabang sa pagkawala ng factory na iyon." Tumango si Richard. Bumaling naman siya kay Abby. "Pupuntahan natin ngayon si Ivan de Castro para makausap siya. He's on our suspect list now."

Agad na sumunod si Abby. Bumiyahe sila patungong Cainta, Rizal kung saan naroroon ang company address ni Ivan de Castro.

"Sa tingin mo ba ay ang de Castro na ito ang killer na hinahanap natin?" tanong ni Abby.

"Hindi pa ako sigurado," sagot ni Niel habang nagmamaneho. "Pero malakas ang kutob ko na ang nakatira sa katabing unit ni Gomez ang pumatay sa kanya."

"Binasa ko ang information ni Ivan de Castro. Wala siyang kahit anong link kay Mariano Gomez maliban sa magkatabi ang condominium unit nila. Wala rin siyang koneksyon sa HBF massacre case."

"Kaya nga kailangan natin siyang makausap." Sumulyap si Niel kay Abby, ngumiti. "Para malinawan tayo. At kung hindi man siya ang killer, baka may maibigay siya na lead na makakatulong sa atin."

Lumabi si Abby. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa sasakyan hanggang sa marinig ang muling pagsasalita ng dalaga. "May gagawin ka ba mamayang gabi, Niel? Gusto mo bang... mag-dinner sa bahay?"

"I don't know, Abby," sagot ni Niel, bumuntong-hininga. Sinulyapan niya ang dalaga, umaasa ang mukha. Abby was also a beautiful woman. Pero itinanim niya na sa isipan na partner lamang ito. Kaibigan. Nakababatang kapatid. Hanggang doon lang. "Mukhang magiging abala tayo dahil sa kasong ito. Malapit na ang arraignment ni Xebastian Lozano. Ilang linggo lang ay magsisimula na ang trial nila."

"Wala naman tayong kinalaman sa trial na iyon," sabi ng dalaga, may pagkainis sa boses. "Why do you care so much about that, Niel? Dahil ba kay Samantha Escanillas?"

Nagkibit-balikat si Niel. "Nag-aalala lang naman ako sa kanya."

"Nag-aalala?" ulit ni Abby. "Do you like her?"

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now