Epilogue

1.1K 43 3
                                    

Niel Pascua

INILAPAG ni Niel ang hawak na camera sa mesa matapos tingnan ang mga pictures na laman niyon, mostly mga sceneries at events. Simula nang mag-resign siya sa SCIU ay pagiging photographer ang kinuha niyang bagong trabaho. He liked photography since he was young.

Ilang buwan na rin ang lumipas at unti-unti na namang nawawala ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Nitong nakaraang mga linggo, inabala niya rin ang sarili sa paghahanap sa mga taong naaresto niya noon, unfairly. Humingi si Niel ng tawad sa mga ito, sa pamilya ng mga ito. Naintindihan niya kahit hindi siya napatawad ng iba.

Tiningnan niya ang wristwatch na suot. Oras na para sunduin ang anak niyang si Adam sa pre-school nito.

Tumayo siya at lumabas ng bahay. Nagulat si Niel nang makita kung sino ang nasa labas ng gate. Nilapitan niya si Abby na naghihintay doon.

"Abby," bati niya sa dalaga. Halos tatlong buwan niya rin itong hindi nakita mula nang mag-resign siya sa SCIU. He didn't take her calls. Mas pinili niyang ubusin ang oras sa anak at sa sarili.

Ngumiti si Abby. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kaya naisipan ko nang bumisita. Alam ko na hindi mo pa rin gusto ng bisita pero sana huwag mo akong ipagtabuyan, Niel."

Lumapit siya dito, pinagbuksan ng gate. "Kumusta ka na?" tanong niya. "Hindi ako makakapag-kuwentuhan ng matagal dahil susunduin ko pa si Adam."

"Puwede naman akong sumama," sabi pa ng dalaga.

Tumawa siya. "Wala ka bang trabaho?"

"I'm on vacation leave," sagot nit.

Tumango-tango si Niel. Hinayaan niya na lang ang babae na sumama sa kanya papunta sa school ni Adam. Sinulyapan niya ito habang nagmamaneho. Medyo mahaba na ang buhok ni Abby ngayon. She looked beautiful even in that.

"Hindi mo pa rin ba siya makalimutan?" tanong ni Abby makalipas ang ilang sandali. "Si... Samantha."

Bumuntong-hininga si Niel. Hindi nagtanong sa kanya si Abby noon. Hindi nito alam ang natuklasan niya tungkol sa totoong nangyari kina Princess, sa pagkatao nito. "Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa siya. She's something." Umiling siya. That woman was strong and dark at the same time. She had always been half heaven, half hell. Pero hindi niya iyon napansin noon. He just thought she was a cold, mysterious person.

"But I'm over her," natatawang dugtong niya. "Ngayon ang focus ko na lang ay si Adam."

"That's good," sabi ni Abby. "Hindi ka na ba babalik sa SCIU?"

"Hindi na," sagot niya. "May bago na akong trabaho ngayon. Photography. I'm enjoying it." Sumulyap siya sa babae, ngumiti. "Ipapakita ko sa'yo ang mga obra ko minsan."

Tumawa naman na si Abby. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa school ni Adam. Tumatakbong lumapit kay Niel ang anak pagkakita sa kanya.

"Daddy!" Tumingin ito kay Abby. "Tita Abby!"

Binuhat ni Niel si Adam. Hinawakan naman ni Abby ang kamay ng bata. "Kilala pa niya ako," sabi ng dalaga.

"Siyempre naman, ikaw ang palaging kalaro niya noon sa headquarters," aniya.

Tumingin sa kanya si Abby, sandaling nagtama ang kanilang mga mata. This woman was always beautiful in his eyes. Pero ni minsan ay hindi ipinakita ni Niel ang atraksyon dito. Hindi puwede. Ayaw niyang masira ang magandang samahan nila ng dalaga.

"Puwede ko ba siyang bisitahin paminsan-minsan?" tanong ni Abby mayamaya.

Tumango si Niel. "Basta hindi siya makakaabala sa trabaho mo. Gusto mo bang mag-dinner sa bahay, Abby? Tatawagan ko rin si Richard para magkumustahan kami."

Maluwang na napangiti ang dalaga. "That will be great. Miss ka na rin noon."

"Imposible," umiiling na sabi ni Niel. "Madalas kong kaaway ang lalaking 'yon noon."

Tumawa si Abby. "Totoo 'yon. Namiss ka namin." Saglit itong huminto. "I've missed you... a lot."

Natigilan si Niel pero mabilis na ngumiti. Itinaas niya ang isang kamay para marahang guluhin ang buhok ng dalaga. "I've missed you, too. Let's go. Magaling na rin akong cook ngayon."

Kumislap ang mga mata ni Abby. Wala na itong sinabi at sumunod na lamang sa kanya.

WAKAS

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now