Chapter 12

467 37 0
                                    

Samantha Escanillas

PINAPASOK ni Samantha sina Niel at Abby sa loob ng bahay niya noong umagang iyon. "Napadaan kayo," sabi niya. "May problema ba?"

"May itatanong sana kami tungkol kay Yael Donato," ani Niel. "Are you still in contact with him?"

Umiling si Samantha. "Ilang beses ko siyang tinawagan pagkatapos niyang ipadala ang mail about sa kaso ni Lozano. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya ma-kontak. Bakit? May nangyari ba?"

"Alam mo ba na si Yael Donato ang lawyer ni Peter Domingo?" tanong naman ni Abby, seryoso.

Nagulat siya. "Hindi ko alam. Magka-trabaho kami ni Yael pero wala akong alam sa mga kasong hinawakan niya, o mga kliyente niya."

"Alam ba ni Lozano? Iyon ba ang dahilan kaya si Yael Donato ang pinili niyang padalhan ng mga sulat?" magkasunod na tanong ni Niel.

"Hindi ko masasagot 'yan." Bumuntong-hininga si Samantha. "Mabuti pa kung si Xebastian ang tanungin niyo."

"Pinuntahan namin ang bahay ni Yael Donato dito sa Maynila," sabi pa ni Niel. "Isang residence sa Ayala Hillside Estates. Dalawang condominium unit, sa Makati at Quezon City. Wala siya doon. Wala rin ang pamilya niya. Sinabi sa amin na isang buwan na mula nang huling makita ng mga kapitbahay ang pamilya ni Donato. Ganoon din sa opisina niyo."

Tumango-tango si Samantha. "Nabanggit nga sa akin ng katrabaho ko sa firm na through email lang nag-resign si Yael. Nakakapagtaka nga iyon. Wala ba siyang ibang bahay? Out of town?"

"Mayroon." Si Abby ang sumagot niyon. "May mga pulis na kaming pinapunta doon. Tumawag sila at sinabing wala rin doon si Yael. All of his numbers were unreachable. Maging ang sa kanyang asawa at isang anak na lalaki."

"It's suspicious," sabi ni Niel. "Bakit siya biglang mawawala? Kung kilala ni Yael Donato si Peter Domingo, posible na kilala niya rin sina Mariano Gomez at Charles Paborito."

"Charles Paborito?" nagtatakang tanong ni Samantha.

"There's another murder, Samantha," sabi ni Niel. "Isang doktor. At related sa kasong iniimbestigahan namin. That's why we need to talk to your client. Marami kaming katanungan sa kanya."

Napahawak sa ulo si Samantha. "I was about to go there. Gusto ko ring malaman ang mga sagot diyan."

Sumabay na siya sa sasakyan nina Niel patungo sa Bilibid. Nang makaharap nila si Xebastian ay napansin pa ni Samantha ang sugat sa gilid ng labi nito. Nakipag-away na naman siguro ang lalaki sa loob ng kulungan. Napailing na lang siya.

"May kasama ka," bati sa kanya ni Xebastian, tinutukoy sina Niel at Abby.

"Oo, may gusto raw silang itanong sa'yo." Naupo si Samantha sa harapan nito. Sina Niel at Abby naman ay nanatiling nakatayo.

"Yael Donato," pagsisimula ni Niel. "Alam mo ba na siya ang lawyer ng boss mong si Peter Domingo, Mr. Lozano? Iyon ba ang dahilan kung bakit sa dami ng lawyer ay siya ang pinili mo?"

There was no emotion in Xebastian's face. "May problema ba doon?" malamig na tanong nito.

"So alam mo nga na lawyer siya ni Domingo? Bakit siya ang pinili mo, Lozano?" mariing tanong ni Niel. "At bakit siya nawawala ngayon?"

"Nawawala?" Kumunot na ang noo ni Xebastian. "Pinili ko siya dahil sa mga nabasa kong articles tungkol sa kanya mula sa diyaryo. Nakilala ko siya dahil doon. Tanda ko lang na madalas siyang bumibisita kay Sir Peter noon pero hindi ko alam ang pangalan niya. Alam kong pinagkakatiwalaan siya ni Sir Peter."

"Paano mo nasabi 'yon?" tanong ni Abby. "Akala ko ba hindi ka malapit sa boss mo?"

"Hindi nga. Pero madalas silang mag-usap noon ni Sir Peter nang silang dalawa lang, sa opisina niya. Hindi ko alam noon na lawyer siya. Akala ko ay kaibigan lang."

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now