Chapter Four

628 38 3
                                    

KINAGABIHAN, agad na chineck ni Samantha ang email kung saan doon ipinadala ni Sherean ang mga information na nahanap nito tungkol kay Investigator Niel Pascua at sa mga kasama nito sa team. Binasa niya iyon habang kumakain ng dinner.

Si Niel Pascua ay isang private investigator na hinire ng SCIU apat na taon na ang nakalilipas. He was thirty-one years old. Nag-aral ito sa isang kilalang criminology school dito sa bansa. Marami-rami na rin ang mga kasong nai-close ng team nito sa SCIU simula nang mag-trabaho doon. He was single. Ang naka-rehistrong pamilya lang nito doon ay immediate family. His parents were still alive. May dalawa din itong kapatid na babae.

Inilipat ni Samantha ang tingin sa isa pang profile – kay Abby Custodio. Sa public school nag-aral ang babae ng high school, college. Anim na taon na ang nakalipas mula nang mag-training ito sa police force. She was twenty-seven years old. No family registered. Nakasulat doon na sa orphanage tumira ang babae simula noong limang taong gulang pa lamang ito.

Bumuntong-hininga siya. Iyon siguro ang dahilan kaya ganoon ang ugali ni Abby. Wala itong pamilya. Hindi madali para dito ang magtiwala kaagad sa ibang tao.

Si Richard Baltazar naman ay nag-aral ng Information Technology sa University of the Philippines. Twenty-nine years old na ito. May sariling pamilya. Ang asawa nito ay isang pre-school teacher. Mayroon itong dalawang anak na lalaki. Dalawang taon na mula nang kunin ito ng SCIU para maging isa sa mga tech support.

Ini-off na ni Samantha ang laptop at tinapos ang pagkain. Pagkatapos niyon ay sandali siyang naglakad-lakad sa garden ng kanyang bahay. Inalala niya ang mga ipinakitang crime scene photos ni Niel kanina. Anim na pictures iyon. Two were photos of a burned factory, ang dalawa pa ay ang front door at back door kung saan makikitang nakakadena ang mga iyon. The another two were photos of dead bodies covered with white blanket.

Marami na rin siyang nakitang pictures ng mga bangkay kaya hindi na naaapektuhan niyon. Kasama iyon sa kanyang trabaho.

Ilang minuto pang nagpahangin si Samantha sa labas bago pumasok sa loob ng bahay at naghanda na sa pagtulog. Bukas ay magsisimula nang maging abala ang kanyang mga araw.

Naupo siya sa kama at binuksan ang drawer ng bedside table. Kinuha ni Samantha doon ang isang maliit na chest box. She opened the lock combination. Sandaling pinakatitigan ni Samantha ang laman niyon. Kinuha niya ang isang lumang picture na may mga scotch tapes na.

It was a picture of a man she treasured. Nangilid ang mga luha ni Samantha. She missed him. A lot. Mabilis niyang ibinalik ang picture sa box at isinara iyon. Pagkatapos ay ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili.

Samantha locked the chest box before placing it back in the drawer. Hinawakan niya ang magkabilang sentido, marahang minasahe iyon. Kailangan niya nang magpahinga at tigilan ang pag-iisip ng ibang bagay.

PAGKABABA ni Samantha sa taxi na sinasakyan ay agad niyang nakita si Niel Pascua na nakatayo sa tabi ng isang sasakyan – a black Audi. Katabi nito si Abby Custodio. Nasa main gate sila ng New Bilibid Prison. Ngumiti si Niel pagkakita sa kanya, kumaway pa.

Lumapit si Samantha sa dalawa, bumati. Gumanti ng pagbati si Niel, si Abby ay bahagya lang tumango. Nakasuot ng police uniform nito ang babae, samantalang si Niel ay casual na damit lang.

"Wala ka ba talagang sasakyan, Samantha?" tanong ni Niel. "Palagi ka lang nagko-commute?"

"Mas sanay kasi ako na nagko-commute." Ngumiti siya. "Tumawag ako kanina dito para ipaalam na kakausapin ko si Xebastian Lozano. Nakausap niyo na ba siya?"

"Hindi pa," sagot ni Niel. "Kararating lang namin. Sinabi ko kay Abby na hintayin ka na rin. We decided to help each other, right?" Tumawa pa ang binata.

"Help?" Hindi makapaniwalang ulit ni Abby. "Defense lawyer siya ng suspect natin."

"There's nothing wrong with that, Abby," nakakunot noong sabi ni Niel. "Tutulungan din naman natin ang prosecutor sa kaso ni Lozano, 'di ba? We're only investigating this case to reveal the truth. Hindi naman tayo makikialam sa trials."

Nanahimik na naman si Abby. Napansin ni Samantha na sumusunod kaagad si Abby kapag si Niel ang nagsasalita. She must be trusting that man so much. Kung halos limang taon na rin namang magka-trabaho ang mga ito, siguradong malalim na ang naging pagkakaibigan.

"We should go inside," sabi na lang ni Samantha. Nauna na siyang lumakad papasok sa Bilibid.

Sinalubong sila ng isang guard at dinala sa isang kuwarto. Humarap sa kanila ang guard. "Medyo mag-ingat lang kayo, medyo agresibo ang lalaking ito. Kanina lang ay nagkaroon ng away sa loob at kasama siya."

"Ano'ng klase siya ng tao?" tanong ni Abby.

Sandaling nag-isip ang guard. "Tahimik. Simula pa nang dalhin siya dito, bihira lang ang naging kaibigan niya. Hindi ko alam kung mayroon nga ba. Ang ilan sa mga preso dito ay pinagdidiskitahan siya dahil madalas ay mag-isa nga siya, pero mahusay makipaglaban si Xebastian. Kinatatakutan din 'yan dito sa Bilibid kahit hindi siya nakikipag-socialize."

"May iba bang bumisita dito?" tanong ni Samantha. "Like a lawyer also?"

Umiling ang guard.

"Yael Donato?" patuloy niya.

"Wala akong maalala na bumisita sa kanya simula nang makulong siya dito," sabi ng guard.

"May mga sulat bang natanggap si Lozano?" tanong naman ni Niel. "Or tawag?"

Muling nag-isip ang guard bago umiling. "Wala. Naaawa nga rin ako sa lalaking 'yan. Wala na 'ata siyang pamilya o mga taong gustong makita siya." Napabuga ito ng hininga. "Kausapin niyo na lang siya kung may iba pa kayong tanong. Dito lang ako sa labas."

Binuksan na ng guard ang lock ng pinto. Humugot muna ng malalim na hininga si Samantha bago humakbang papasok sa loob ng kuwarto. Doon ay nakita nila ang lalaking nakaupo sa isang silya katapat ng metal na mesa. Nakasuot ito ng orange na damit para sa mga preso, nakaposas ang mga kamay.

Nag-angat ng tingin sa kanila si Xebastian Lozano. There were bruises in his face. Pero hindi niyon naalis ang kaguwapuhan ng lalaki. Naupo si Samantha sa isang silya na katapat ni Xebastian. Nasalubong niya ang mga mata nito ng ilang sandali. His eyes were cold, emotionless. It was empty.

His hair was black as a charcoal, even the stubbles that darkened his face. He was tanned too. May makikitang marka ng mga sugat sa mga braso at kamay. Xebastian Lozano looked so scary and intimidating. Pero gagawin ni Samantha ang lahat para makuha ang loob nito at pagkatiwalaan siya sa katotohanan.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now